Mission 11

2.6K 78 4
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
Muli akong umupo sa upuan ko dahil sa sinabi niya. Shit! Siya pala ang nakapulot sa cellphone ko. Alam 'kong wala namang kasiguraduhan kung ibabalik niya iyon o hindi, pero may kung ano kasi sa nararamdaman ko na bigla na lang natakot sa kanya.

"Hoy! Rylee! Labas ka na diyan. Naexcuse na kita kay Arman."tawag sakin ni Ace na inilingan ko na lang.

"Tara na, Rylee! May pupuntahan pa tayo."segunda naman ni Joaquin.

"Mamaya na lang. Na...."anong sasabihin ko?

Sasabihin ko bang naisip 'kong mag-aral na lang? Eh kilang-kilala ako ng dalawang 'to eh. Alam nilang di ako mahilig mag-aral pagdating dito sa school.

"Ano?!"irita ng wika ni Joaquin na inirapan ko naman. Makapagsalita naman 'to! Kutusan ko 'to eh.

"Mamaya. Lumayas na kayong dalawa sa room namin dali! Layas!"sigaw ko sa kanila at ang mga kaklase ko ay pabalik-balik na ang tingin nila samin.

"Sama ka na kasi!"

"Mamaya na nga!"

"Lalabas ka o papasok ako?"banta naman ni Ace na inirapan ko.

Kainis!

Di ko alam ang gagawin. Kapag kasi 'tong Ace ang pumasok ay sigurado akong kakaladkarin ako nito. Tapos kung si Joaquin naman ay gagawin akong sako. Mga walang hiya kasi 'tong dalawang 'to. Sarap kutusan!

"Ano?!"irita nilang wika at hahawakan ko na sana ang bag ko ng tadyakan ni Jace ang likuran ng upuan ko kaya naman bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

Damn it! Bwisit kasing lalaki 'to! Sarap bugbogin! Naku, kapag nakuha ko lang ang cellphone ko sa kanya gagantihan ko 'to ng bonggang-bongga.

"Sasama o cellphone?"muli niyang paalala pero nasa mababa lang ang boses niya.

Hsst! Kainis! Bakit siya pa kasi ang nakapulot?! Tsaka, ano naman kayang trip nito sa buhay at gusto akong magstay dito? Kainis!

"Oh, boys. Bakit kayo nandito? Joaquin, bumalik ka na sa department mo. Tapos sir Axl tinatawag ka kanina ni Sir Arman."wika ng next subject naman kaya napabuntong hininga ko in relief.

Buti na lang at dumating si ma'am. Wala silang nagawang dalawa ng pagtaasan sila ng kilay ni ma'am. Kaya napasimangot na lang si Joaquin at si Axl naman ay nakapoker face, samantalang ako ay napangiti dahil di ko na kailangan pangmamili. Galing talaga ni ma'am.

"Okay, class! Good morning!"bati ng guro namin na siyang binati naman naming dalawa ni Adam.

"Sis, ang fofogi nemen ng mga fafa mo."bulong sakin ni Adam kaya kinurot ko ang tagiliran niya.

"Magtigil ka nga. Hindi ko sila mga papa no!"giit ko sa kanya na tinawanan naman niya.

"Weeeh? Kung di mo sila fafa ede ibig sabihin ay may pag-asa ako sa kanila."

"Wala kang pag-asa dahil may girlfriend na ang mga yun."

"Talaga ba?"mapang-asar niyang tono.

"Oo."sagot ko naman tsaka na ako nanahimik at nakinig kay ma'am na nag-e-story telling na naman. Hsst!

NATAPOS ang isang oras at sa wakas ay uwian na namin. Makakapaglakwatsa na ako.

"Rylee, sabay ka na samin umuwi."wika ni Ked na nasa likod ko na pala.

"Ha? May pupuntahan pa ako eh."sagot ko sa kanya habang nilalagay ko ang libro sa ilalim ng desk ko.

"Jace, ayaw sumabay ni Rylee satin oh."pananakot ni Ked kaya napalingon ako sa kanya at pinanlakihan siya ng mata.

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon