Please do votes and leave a comment.
---
Rylee POVKinakabahan ako sa hindi maipaliwanag na dahilan. Alam 'kong kaya ko naman lumaban pero wala sa huwesyon ang katawan ko ngayon. Pagod ako at hindi ko kayang makipagsuntukan.
"Ano ba?!!"pinilit 'kong wag ipahalata ang kaba sa dibdib ko dahil sa walang hiyang tao na humila sakin.
Ba'ka mamaya ay marape pa ako nito. Madilim pa naman dito at hindi ko maaninag ang mukha niya.
Binitiwan niya ang braso ko kaya napasinghap ako dahil sa wakas ay nakawala na rin ako.
Ramdam ko ang paglapit niya sakin at amoy na amoy ko ang pabango nito. The perfume was so manly and this is so familiar. Did I smell this before?
Pinilig ko na lang ang iniisip ko at tinulak siya para malayo siya sakin. Bumuntong hininga muna ako bago 'ko inilabas ang galit ko.
"Alam mo------"naputol ang pagsasalita ko ng bigla niya akong halikan.
WHAT THE FUCK?!!!
Dali-dali kong tinuhod ang kanya na siyang nagpahiwalay sa paghalik niya sakin.
"WHAT THE HELL DID YOU DO?!!! Do you know me?! Sa lahat ng taong mahahalikan mo, ako pa talaga!! DAMN YOU!!"singhal ko sa kanya bago ko siya binigyan ng upper cut.
Ito ang ayaw ko sa lahat. Ang binabastos ako damn! Wala ako sa playground para makipagbastosan kaya kung ayaw mong magkablack eye ay umayos ka.
Di siya uminda ng sakit sa ginawa ko kaya sinipa ko ang tagiliran niya. Kung iba lang 'to alam 'kong mapapabulong na siya sa sakit pero 'tong taong 'to ay walang kaimik-imik.
"Damn you!!"nanggagalaiti 'kong sigaw sa kanya at muli ko siyang binigyan ng upper cut at sipa sa tiyan.
Narinig ko ang kanyang pagbagsak na siyang ikinangisi ko.
"Serves you right."I murmured before I left him.
Hindi ko naman na siya naramdaman pa na sumunod kaya nakahinga ako ng maluwag doon.
Dali-dali aking pumara ng jeep at dumiretso sa unit na tinutuluyan ko.
Napabuntong hininga ako pagkarating ko sa loob ng bahay ko. Damn! Kamuntikan na ako du'n ha?! Buti na lang talaga nakalaban pa ako sa kanya. Tsk! Yung first kiss ko! Damn that guy! Aiisssh! Paano kapag pulubi iyon? I can't believe na isang pepetsuging pulubi ang nakakuha ng first kiss ko.
Aiisshh! *iling* *iling*
Hindi naman siguro siya pulubi. Ang bango kasi ng pabango at alam 'kong signature iyon kaya imposibleng magkaroon ng ganung amoy ang isang pulubi.
Pero paano kapag matandang mayaman? Hindi ko ata matiim na isang nangungulubot na katawan ang nakakuha sa first kiss ko. Gossshh! That was so gross.
Aissh! Kadiri 'tong pinag-iisip. Tsk! Tsk!
Kung sino man ang taong iyon ay humanda siya sakin. I know his perfume and his presence kaya kung magkikita pa kami ay babalian ko na iyon ng buto. Tsk! Gago yun! Napakagago niya!! Ninakaw niya ang first kiss ko!! Tangina!
****
"Sis, late ka na naman."bungad sakin ni Adam nang makatapat ako sa pinto ng room namin. "Dalawang subject na ang naskip mo."dugtong niya pa na hindi ko na lang pinansin at dumiretso ako sa upuan ko.
Kasalanan ko ba kung bakit ako late? Tsk! Bwisit kasi yung lalaking nangaladkad sakin noong nakaraang araw. Lagi na nga akong puyat tapos gumugulo pa yun sa isipan ko. Tsk! Noong gabi ng sabado at linggo ay naghintay ako doon sa eskinetang iyon para mapuruhan pa sana siya pero wala. Tsk! Tsk! Kapag talaga nakita ko ang bwisit na lalaking 'yun ay mapapatay ko yun. Eskwelahan nga sinunog ko yun pa kaya. Grr!
BINABASA MO ANG
Make The Mafia's Fall
ActionMaking the Mafia's fall is hard to do. How can I complete my mission if I am the one who fall in my own trap? LANGUAGE:Tagalog & English STATUS:Completed BOOK 2:Make The Mafia's Back SERIES:Mafia Series 2.1 GENRE:Action AUTHOR:M.M (Miixxiimii) COVER...