Mission 40

1.7K 65 13
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
RYLEE POV

"Oh, tapos na ako!"wika ko ng matapos kong masagutan yung activity na iniwan samin ni ma'am. May urgent meeting kasi lahat ng teacher kaya ito nag-iwan na lang sila ng activity, at dahil tapos naman na ang iba samin ay malaya na kaming gawin ang mga bagay na gusto namin.

"Tapos na ba lahat?"tanong ni Ked na siyang tagakolekta ng papel namin.

"Oo."sagot naman ni Lester bago siya naglabas ng cellphone.

"Nga pala, bro. May date ka na ba mamayang gabi?"rinig kong tanong ni Webster sa kanyang kapatid.

"As usual si Jennysis na naman ang partner ko mamaya. Syempre partners in crime kami."proud na sagot ni Lester na akala mo ay may binabalak na naman siyang gawin mamayang gabi.

"Alam mo nagseselos na ako sa inyo, bro! Parang si Jenny  ang kapatid mo hindi ako."nagtatampong tono naman ni Webster na inilingan ko na lang.

"Para kang bakla diyan, bro. Manahimik ka na nga lang!"

"Sis, alam mo ba yang pinag-uusapan nila?"biglang tanong sakin ni Adam na katabi ko.

Liningon ko siya at tsaka umiling.

"Hindi eh. Kaw ba?"

"Hindi rin. Mukhang tayo lang hindi updated."

"Hmm. Hayaan mo na."sagot ko na lang. Siguro ay mga strangers pa rin kami sa kanila kaya hanggang ngayon ay di pa rin nila kami sinasali sa mga lakad nila.

"Pero----"

"Wait, sis."pagputol ko kay Adam dahil biglang tumunog yung cellphone ko.

Sino naman kaya itong bwisit na tumatawag?

Lumabas ako ng room at tsaka sinagot iyon.

*****
JAMES POV

Damn! Paano ko ba yayayain si Rylee na maging date ko siya ngayon gabi? Ngayon lang ako kinabahan sa pagyaya ng makakadate.

Damn! Inhale! Exhale!

"Wait sis."dinig 'kong wika niya kaya napatingin ako sa kanya na kasalukuyang tumatayo sa kanyang upuan.

Hawak niya ang kanyang cellphone tsaka siya lumabas ng classroom. Mula dito sa inuupuan ko ay pansin ko ang pagkunot ng kanyang noo. Marahil ay di niya kilala kong sino man ang tumatawag sa kanya.

Pinagmamasdan ko lang siya mula dito sa kinauupuan ko ng may biglang tumapik sa balikat ko.

"Ba'ka matunaw siya, pre."wika ni Kevin habang nangingiti. "Yayain mo na siya habang maaga pa. Mamaya niyan maunahan ka pa ni Leader."dugtong niya pa.

"Kinakabahan ako. Di ko alam kung paano siya yayayain. Tsaka malabo naman na yayain siya ni Jace. Diba nga may Safhira na siya."natawa ng bahagya si Kevin dahil sa sinabi ko.

"Pare, nahihibang ka ba? Di mo ba napapansin na ang lagkit kung tumingin si Leader kay Rylee? Tsaka Safhira? Hahaha! Alam mo naman na Ex na siya ni Leader kaya di na niya babalikan yun. Parang di mo naman kilala si Leader."natatawang wika ni Kevin sakin.

Kung sabagay. Pansin ko din naman na malalagkit ang tingin ni Jace kay Rylee pero di ako naniniwala na may gusto siya kay Rylee.

"Hoy! Anong pinag-uusapan niyo diyan?!"biglang singit ni Ked na talagang nasa gitna pa namin ni Kevin habang hawak-hawak niya ang magkabilang balikat namin.

"Ito kasing si James eh! Gustong yayain si Rylee para mamayang gabi pero natotorpe."siniko ko si Kevin dahil sa sinabi niya. Itong gunggong na 'to talaga ay nadulas na naman!

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon