Please do votes and leave a comment.
---
RYLEE POVNasa rooftop ako ngayon at nagpapahangin. Wala kaming subject ng dalawang oras kaya dito ako dumiretso. Masakit pa rin kasi ang ulo ko dahil na rin sa alak na nainom ko kagabi. Kung di lang sana nagpakita si Kino ede sana hindi ako nagsusuffer ngayon sa sakit ng ulo. Kainis! Ang malala ay di ko pa maalala ang mga pinaggagawa ko kagabi. Hsst!
"Andito ka pala."napalingon ako sa likuran ko dahil sa boses na narinig ko. Si Joaquin pala.
Tumayo siya sa kaliwang bahagi ko at tinanaw din ang tinatanaw ko.
"Kamusta kagabi, Lady Ae?"tanong niya.
Bumalik na ang pagtawag nila sakin ng Lady dahil meron na si kuya. Di ko man gusto na tawagin nila akong ganyan but that's an order from the superior.
"Okay lang naman. Masaya ako dahil sa wakas ay magpapakasal na din si President Ace."ngumiti siya ng bahagya sa sinabi ko.
"Hindi ka ba tutol?"napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Bakit naman ako tututol?"
Okay naman sakin si Katryn. Mabait naman siya at galing siya sa mahirap na pamilya. Yun ang alam ko dahil yun ang sinabi sakin ni Axl Ace. Ayaw ko namang gawan ng imbestigasyon si Katryn dahil ayaw 'kong sumaklaw sa buhay ni Ace. Mahal ko si Ace bilang kapatid at may tiwala ako sa babaeng pipiliin niya.
"Lady Rylee, wag kang magagalit ha."kunot noo akong lumingon kay Joaquin dahil sa sinabi niya.
Ramdam ko na kinakabahan siya sa gusto niyang sabihin at mas lalo akong nacucurious.
Bumuntong-hininga muna siya bago nagpatuloy sa kanyang pagsasalita.
"Kasi Lady Rylee, nagsagawa ako ng imbestigasyon tungkol kay Katryn. Tapos napag-alaman 'kong ang magulang niya ang dahil kung bakit nawalay si President Ace sa kanyang pamilya. Ang papa ni Katryn ang pumatay sa mga magulang Ace."naiyukom ko ang mga kamao ko dahil sa sinabi niya.
Hindi ako makakapayag na ang taong mamahalin ni Ace ang anak ng taong pumatay sa mga magulang niya. Hindi ako papayag na makulong sa pagsisisi si Ace. Hindi ako papayag!
"Here. I have the files."wika ni Joaquin kaya napatingin ako sa kanya at sa hawak niyang envelop.
Kinuha ko iyon at tinignan ang laman. Nandito nga lahat. Nakalahad dito ang mga biktima at ang akusado. May mga larawan pa ng pagpatay sa mga magulang niya. Damn! I can't afford seeing my brother hurt because of her! Alam 'ko ang pinagdaanan ni Ace at kahit kailan ay lagi niyang bukambibig ang mga magulang niya. Lagi niyang sinasabi sakin babawian niya ang taong pumatay sa mga magulang niya.
Dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon ay nailukot ko ng wala sa oras ang mga papel. Damn it! Damn!
"Lady AR, kalma lang. Wag nating pangunahan si Ace okay?"
"Hindi, Joaquin! Kailangan malaman ni Ace ito. Kailangan niyang malaman sa lalong madaling panahon!"
Hindi ko makakakalma hanggat alam 'kong nasa panganib din si Ace. Paano kung si Katryn ang pain para pati siya ay masaktan din nila. Damn! Di ako makakapayag na saktan nila si Ace.
"Pero Lady----"
"No buts! Paano kung si Ace ang isunod nila?! Paano kung pati siya ay patayin din nila!"singhal ko sa kanya na ikinatigil din niya. Hindi niya siguro naisip ang posibilidad na iyon.
"Pero paano ang misyon mo? Paano si Kino? Si Jace? Yung pake mong dad? Kaya mo bang ipagsalawang bahala muna iyon para lang kay Ace? Paano kung hindi naging success ang misyon mong paibigin si Jace para lang maisalba ang mafia clan niyo at para hindi matuloy ang kasal mo kay Kino? Paano mo papatumbahin ngayon ang peke mong dad na siyang nagsimula ng lahat ng ito?"
Para akong mabuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Parehong importante sakin ang dalawang bagay na ito pero alin ang uunahin ko?
Hindi pa pala alam ni Joaquin na naiba na ang misyon ko ngayon. Instead na paibigin si Jace para bumagsak ang clan niya ay proprotektahan ko na siya laban sa pekeng ama namin. Damn!
"Iba na ang misyon ko ngayon kay Jace pero uunahin ko pa rin si Ace dahil----"
*Boogggsh!*
Napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang pagsara ng pinto dito sa rooftop.
"Someone's heard us."wika ni Joaquin na mas lalo kong ikinainis!
Paano kung magsumbong iyon kay Jace tungkol sa mga narinig niya? Paano kung---arrrrgg! Nasabi pa naman lahat ni Jaoquin and I can't afford to lose Jace!
Dahil sa inis at pangamba ko ay agad kong sinundan ang kung sino mang tao na nakarinig sakin. Pero sadyang mabilis siyang kumilos dahil wala na akong naabutan hanggang sa pagbaba sa ground floor ay wala na. Damn it!
Bigla 'kong naramdaman ang pagvibrate ng cellphone ko kaya kinuha ko ito mula sa bulsa ko. May isang message galing sa unknown kaya tinignan ko ang laman nito.
Unknown
Ano kaya ang gagawin ni Jace sayo kapag narinig niya ang lahat ng usapan niyo ni Joaquin?😈
Shit! Kung minamalas ka nga naman! Kingina naman oh! Bakit ngayon pa? Bakit sunod-sunod na problema ang dumadating sakin?! Bakit?!
"Oy, Rylee! Okay ka lang?!"masayang bati sakin ni Ked pero halata sa mukha niya ang lumilitaw niyang eyebags. Saan kaya 'to nanggaling kagabi at mukhang puyat na puyat.
"Oo. Okay lang."tanging sagot ko na nginitian niya lang bago siya maglakad at lagpasan ako.
Napakunot ako ng noo dahil sa ginawa niya. Nakakapanibago siya ha. Bakit? Ano bang nangyari sa kanya?
"Ked!"tawag ko pero di siya lumingon. Inignore niya lang ako. Aaaiiissh!
Ang malas naman ng araw na ito! Kainis!
---
Copyrights ©Miixxiimii
All rights reserved
BINABASA MO ANG
Make The Mafia's Fall
ActionMaking the Mafia's fall is hard to do. How can I complete my mission if I am the one who fall in my own trap? LANGUAGE:Tagalog & English STATUS:Completed BOOK 2:Make The Mafia's Back SERIES:Mafia Series 2.1 GENRE:Action AUTHOR:M.M (Miixxiimii) COVER...