Please do votes and leave a comment.
---
RYLEE POVNagising ako na puting kesame ang bumungad sakin. Tumingin ako sa gilid ko at pader iyon na kulay gray. Kaya alam kong nasa kwarto ako. Pero paano naman ako napunta dito.
Umupo ako at halos mapapikit ako sa kirot ng braso ko.
"Aarrck!"daing ko. Kinagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko dahil sa sobrang hapdi nito.
"Gising ka na pala. Maayos na ba ang lagay mo?"bungad sakin ni Ked at bahagyang sinipat niya ang aking noo upang tignan kung maiinit pa ba ako.
"Ano bang nangyari?"tanong ko sa kanya habang nag-aadjust sa sitwasyon ko.
"Nilagnat ka kasi. Di ka naman na namin magising noong nasa taxi ka kaya binuhat na lang kita papunta dito sa unit mo. Ang bigat mo nga eh."
"Anong sabi mo?"pag-uulit ko sa kanya sa huling sinabi niya. May binubulong kasi siya kanina eh.
"Wala. Wala. Sabi ko magpagaling ka na. Isa't-kalahating araw ka kayang tulog. Tsaka napano pala yang sugat mo diyan sa braso mo?"tanong niya sabay nguso sa braso ko na may sugat.
Napatingin naman ako doon at may gasa na ito. Mukhang nilinisan na niya.
"Nadisgrasya eh."sagot ko sa kanya tsaka ako bumaling ng tingin sa kanya.
"Mag-ingat ka kasi sa susunod. O siya, nagugutom ka ba? May niluto akong sopas doon."
"Marunong kang magluto?"
"Oo naman. Ako kaya ang tagaluto doon sa unit ni Jace."proud na proud niyang wika sakin. May pagkamahangin talaga 'tong lalaking 'to eh.
"Bakit pala di ka pa umuuwi doon?"
"Syempre binabantayan kita. Alangan namang iwan kita dito. Ba'ka mamaya ay mamatay ka pa diyan konsensya ko pa."sagot niya sakin na bahagya ko na lamang tinawanan.
"May konsensya ka pala."ani ko sa kanya bago ako tumayo sa kama ko.
Halos manlaki ang mata ko ng mapansin kong nakapantulog akong damit. My goodness! Wag niyong sabihin na pinalitan niya ako ng damit?! Waaaaaah----!
"Oh, bago ka magreact diyan. Hindi ako ang nagpalit sayo ng damit. Yung tagalinis sa unit mo ang kinausap ko na magpalit sayo."wika niya sakin na ikinahinga ko naman ng maluwag. Akala ko ay siya na ang nagpalit sakin. Jusko! Hindi ko ata kayang maimagine ang itsura niya habang pinapalitan niya ako.
"Tara kain na tayo."yaya ko na lang sa kanya para maiba ang topic.
Sabay kaming lumabas sa kwarto ko at dumiretso kami sa kusina. Umupo agad ako habang hinihintay siya na naghahanda sa kakainin ko. Ang swerte ko naman kung siya ang magiging kapatid ko. Napakamaalaga pala ni Ked at hindi siya nang-iiwan di gaya ng iba. Speaking of that, di ako makikipagbati kay Axl hangga't hindi siya ang unang nagsosorry sakin. Tsk! Wala siyang karapatan na sigawan at murahin ako. Bwisit yun! At wala din siyang karapatan na labagin ang rules lalo na kung ang mama ko ang nagbigay nito. Tsk! Tsk!
"Mukhang malalim ang iniisip mo ha."napatingin ako kay Ked na kasalukuyang inilalagay ang mangkok na puno ng sopas sa harapan ko.
"Hindi naman."simpleng sagot ko sa kanya.
"Ahh. Kaya pala hindi mo napapansin na kanina pa may nagdodoorbell."doon ko lang narealize ang sunod-sunod na pagtunog ng doorbell ko. Kaya napangisi si Ked sakin. "Ako na ang magbubukas."dugtong niya tsaka na siya lumakad patungo doon.
Di ko na lang siya pinansin pa at sinimulan ko na ang pagkain ng niluto niya. Damn! Ang sarap nito. Amoy palang ay nakakaakit na.
"Ry, may bisita ka."wika sakin ni Ked na nandito sa kusina. Tumingin naman ako sa kanya at sa taong nasa likod niya.
Halos maubo ako ng makita ko kung sino iyon.
"Ahuh! Ahuh!"
"Ry, okay ka lang? Ito oh tubig."alok ni Ked sa tubig na agad ko namang tinanggap.
Potek! Bakit nandito 'tong lalaking to? Masama ang mga tingin na binibigay niya sakin kaya di ko maiwasang hindi kabahan sa kanya. Nakakaintimidate naman kasi ang aura ng isang Jace Matthew Lee. Tsaka, bakit ba ganyan siya makatingin? Hindi ko naman inaway ngayong araw ang Safhira my loves niya eh.
"K-kain."alok ko na lang sa kanya.
Pasalamat siya at marunong pa akong mag-alok ng pagkain. Tsk!
Umiwas ako ng tingin sa kanya at binalik ang tingin sa pagkain na kinakain ko. Bahala siya diyan.
"Tara kain tayo, Jace."masayang alok ni Ked sa kanya.
"No, thank you. I'm full."ay ang arte! Siya na nga itong inaalukan ng pagkain siya pa itong tumatanggi tsk!
"Okay."sagot lang ni Ked tsaka siya umupo sa harapan ko.
Pinakiramdaman ko ang paligid ko at ramdam na ramdam ko ang presensya niya sa tabi ko.
Mula sa pheriperal vission ko ay kita ko ang paghila niya ng upuan sa tabi ko at doon siya umupo.
"Ano Ry? Masarap ba?"nag-angat ako ng tingin kay Ked at nakangiting mukha niya ang bumungad. Buti pa siya nakakagood vibes. Di gaya ng katabi ko na nakakabad trip.
"Oo. Syempre ikaw ang nagluto eh."sagot ko sa kanya at muling nagpatuloy sa pagkain.
"Tsk!"dinig 'kong wika ng katabi ko na inirapan ko lang sa isipan ko.
"Gusto mo pa ba?"tanong ulit ni Ked sakin.
"Is------"
"She's full and if your done too. You can now go home and do your task."putol nitong katabi ko na inirapan ko naman.
"Okay. So Rylee, si Jace muna ang bahala dito. Uwi lang ako saglit."paalam ni Ked at dali-daling tumayo sa kanyang kinauupuan.
"Pero----"
"No buts."singit ni JM kaya pinanliitan ko siya ng mata. Kanina pa to ha!
"Ingat ka."yun na lang ang nawika ko sa kanya bago siya lumabas sa unit ko.
Bumaling ako ng tingin kay JM at masama ang tingin niya sakin. Kaya naman sinamaan ko din siya ng tingin para patas lang kami.
"Ano namang ginagawa mo dito?ha?"wika ko sa kanya tsaka siya inirapan.
"Di ko alam na ganyan ka pala magwelcome ng bisita."wika niya.
"Bwisita kamo."inis 'kong sagot tsaka ko kinuha ang mga mangkok na pinagkainan namin ni Ked.
"Tsk! Kapag ako bwisita. Pero kapag ibang lalaki hindi!"inis niyang wika na inikairap ko naman sa hangin.
Ano bang pakialam nito kung siya ang bwisita? Eh sa nakakabwisit naman talaga ang pagmumukha niya. Aba! Kahit na nasa labas pa kami ng eskwelahan niya ay hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sakin. Bwisit 'to!
"Ano ngayon?! Pwede ba! Lumayas ka na dito."singhal ko sa kanya bago ako lumabas sa kusina.
Sinundan naman niya ako kaya mas lalo akong nainis sa kanya.
"Rylee! What's wrong with you?! Ako na nga ang nagmamalasakit sayo tapos ganyan ka pa?"bakas sa mukha niya ang inis na hinayaan ko na lang. Bakit? Siya lang ba ang naiinis saming dalawa.
"I don't need your concern! Just fucking get out of my unit! Get out!"sigaw ko sa kanya at tinuro ko pa ang pintuan tanda na pinapalabas ko na siya. Pero di ko alam kung nambwibwisit ba talaga ito o sadyang di lang marunong makaintindi.
Nakatayo lang kasi siya sa harapan ko habang nakatingin saking mga mata. Bigla ko tuloy naramdaman ang pagbilis ng tibok nitong puso ko at pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa kanya. Jusko! Ano ba ang nangyayari sakin?!
Imbis na makipagtitigan sa kanya ay ako na lang ang umalis. Pumasok ulit ako sa kwarto ko at nilock iyon.
Napasandal ako sa likod ng pinto at bahagya kong itinapat ang kanang kamay ko sa parte ng puso ko. Ano ba heart?! Ano na naman ba ang nangyayari sayo? Si JM lang yun. Wag kang eksaherada.
Kalma lang. Kalma lang heart dahil kapag ikaw ay pumalpak pareho tayong malalagot. Kaya kalma lang.
---
Copyrights ©Miixxiimii
All rights reserved
BINABASA MO ANG
Make The Mafia's Fall
AksiyonMaking the Mafia's fall is hard to do. How can I complete my mission if I am the one who fall in my own trap? LANGUAGE:Tagalog & English STATUS:Completed BOOK 2:Make The Mafia's Back SERIES:Mafia Series 2.1 GENRE:Action AUTHOR:M.M (Miixxiimii) COVER...