Please do votes and leave a comment.
---
Naluluha akong bumalik sa classroom dahil sa nangyari kanina. Napakawalang hiya talaga ng lalaking nagnakaw sa second kiss ko! Kapag yun nakilala ko sisiguraduhin 'kong hindi na siya masisinagan pa ng araw kahit kilan. Grr! Nakakabwisit!Nanakaw na nga ang aking first kiss ng taong hindi ko pa nakikilala hanggang ngayon tapos pati ba naman ang second kiss ko ay mananakaw din ng isa pang misteryosong tao? Aba sumusobra na sila!! Tangina!
"Sis, saan ka ng galing? Tsaka bakit ganyan ang itsura mo?"bungad sakin ni Adam pagkapasok ko sa classroom.
Napatingin din ang iba sakin at maging 'yung emotionless boy ay napatingin sakin. Dahil sa inis ko ay sinamaan ko siya ng tingin na siyang iniwasan naman niya at bumalik sa pagbabasa.
"Para kang si maria clara na nanakawan ng halik, Rylee."segunda rin ni Jennysis kaya napatingin ako sa kanya.
Tumpak kasi ang sinabi niya eh. Nanakawan nga ako ng halik! Halik ng taong di ko naman alam kung sino at hindi ko mahal! Huhuhu! Sorry future husband. Ginawa ko na ang lahat ng pag-iingat sa sarili ko pero nilapastangan pa rin nila ako!
Tangina! Ano 'tong mga pinagsasabi ko?
"Rylee, namumula ka. Okay ka lang ba?"usisa naman ni James na nakalapit na pala sakin.
"Ha? Ah...eh.. o-oo."nauutal 'kong sagot sa kanya at umiwas ng tingin dahil yung mga tingin niya ay nag-uusisa.
Naalala 'kong may pagkain sa bag ko kaya kinuha ko ang bag ko at binigay kay James. Naguguluhan naman niyang tinanggap ito.
"May pagkain diyan. Kainin niyo na lang."wika ko na agad namang ikinaningning ng mga mata nilang lahat at kinumog na nila si James.
Napailing na lang ako dahil doon bago ako lumabas sa classroom. Kinuha ko ang cellphone ko at nagdadial habang naglalakad ako pababa sa building namin.
Nakailang dial din ako bago sinagot ni Ace ang kanyang telepono.
["Rylee, I'm busy."]bungad niya sakin na tinaasan ko naman ng kilay kahit na di niya nakikita.
"I don't care, Ace. May ipag-uutos ako sayo. Bumili ka ng tig-iisang pabango sa lahat ng brand. Lahat ng klase ng pabango nila ay dapat mabili. I need that before five pm sharp."
["Hsst! Oo na."]nahihimigan ko pa ang inis sa boses niya kaya pinatayan ko na lang siya ng tawag. Wag siyang magrekla-reklamo sakin dahil may kasalanan pa siya. Hinding-hindi ko makakalimutan yung pagtatago niya sakin ng kanyang totoong pagkatao.
"Girls, mukhang may naghahanap ng pabango."napalingon ako sa aking likuran ng marinig ko ang tinig na iyon.
Si Safhira pala at ang kanyang nga kampon.
"Girl, di ba may bago kang nabili na pabango?"baling ng isang kampon niya doon sa katabi niya.
"Oo, girl!"sagot naman ng isa na mukhang inosente pero alam 'kong demonyeta rin.
Ngumisi sakin si Safhira na inirapan ko na lang sa aking isipan. 'Kala naman niya ay maganda siya. Pwe!
"Nadya, pwede mo bang ipaamoy sa kanya ang bago mong discover na pabango?"ngising wika ni Safhira sa kanya na nginitian naman nung Nadya daw ang pangalan.
"Sure!"pagkasabing-pagkasabi niya ng linyang yun ay itinapon na niya sakin ang isang plastic bag na punong-puno na ng nangangamoy na basura.
Damn! That girl is getting to my nerves!
Inis 'kong inalis sa buhok ko ang mga basurang napunta doon. Madami na rin ang nanunuod sa aming mumunting palabas pero hindi yun ang magiging hadlang para balingan ko ng masamang tingin si Safhira. Natawa naman siya sa inasal ko kaya mas lalo akong nainis. Masyadong pakampante ang demonyetang babaeng 'to ah! Hindi porket may night and shinning armor siya ay di ko na siya lalabanan. I'm done with her bitch attitude at hindi ko na papalagpasin pa ang araw na ito ng hindi siya mapupuruhan. Pakyu siya!
BINABASA MO ANG
Make The Mafia's Fall
ActionMaking the Mafia's fall is hard to do. How can I complete my mission if I am the one who fall in my own trap? LANGUAGE:Tagalog & English STATUS:Completed BOOK 2:Make The Mafia's Back SERIES:Mafia Series 2.1 GENRE:Action AUTHOR:M.M (Miixxiimii) COVER...