Please do votes and leave a comment.
---
Nasa condo ako ngayon ni Ace at kasalukuyang nakahiga sa hita niya habang nakapatong ang mga paa ko sa hita ni Joaquin. Paprinsesa lang ang dating ko pero ganito na talaga ako. This two guy treat me like a princess. They never leave me by my side. Kahit anong kaguluhan ang sangkutan ko ay nandiyan sila para sa sakin. They're like brother to me and I treasured them so much."Ry, next time wag mo ng gagawin yun ha?"paalala sakin ni Joaquin habang hinihilot ang mga daliri ko sa paa.
"Makinig ka kay Joaquin, Ar. Alam mo namang mainitin ang mga taong nasa paligid mo kaya sana hangga't maaari ay wag na wag kang makikisali sa kaguluhan."segunda rin ni Ace na inirapan ko na lang.
"Alam ko namang nag-aalala kayo, kaya wag niyo na akong isipin pa. Kaya ko naman na ang sarili ko eh."sagot ko sa kanilang dalawa pero isang pagpitik sa noo at paghila sa hinlalato ng paa ko ang natanggap ko. "Aray ko ha?!"
"Kaw naman kasi! Sinabi na nga naming wag kang makikigulo tapos sasabihin mong kaya mo na ang sarili mo. Tsk!"inis na wika ni Ace kaya napasimangot na lang ako habang hinihipo ang noo ko. Ang sakit eh. Pati 'yung daliri ng paa ko parang natagal dahil sa paghila ni Joaquin.
I know they want to protect me but sometimes, over protecting makes me irratates.
"Kaya nga! Paano 'kong patayin ka nu'ng lalaking sinapak mo!"segunda rin ni Joaquin na mariing nakatingin sakin.
"Don't worry. I can handle myself from them. You know me and besides kayo rin ang nagturo sakin kung paano sumuntok. Sayang naman kung di ko yun magaga------ Aray naman!!!!"singhal ko dahil muli nila akong sinaktan.
Mga bwisit 'to! Akala ko ba papagaanin nila ang loob ko pero mukhang sasaktan lang ako.
Bwisit! Ba'ka nakakalimutan ng dalawang ito kung sino ako? Tsk! Tsk! Tsaka sila kaya ang nagtrain sakin para maging ganito ako. Tsk!
"Magtino ka nga! Nandu'n ka sa eskwelahan para mag-aral hindi makipagsuntukan!"pangaral sakin ni daddy Ace. Nagpapakatatay na naman eh. Tsk! Feeling tatay talaga 'to. Nakakainis!
"Oo na! Oo na! Wag niyo na akong pangaralan pa. Nakakainis kasi! Tsk!"wika ko tsaka ako umupo sa sofa at humalukipkip.
"Yan ka na naman eh! Tuwing may sasabihin kami lagi kang gan----"
"Oo na nga! Change topic na lang. Sino ba yung babaeng napupusuhan mo?"pagputol ko kay Ace.
Napaubo naman si Joaquin dahil sa tinanong ko. Aba! Madadaya kasi 'tong mga 'to eh. Silang dalawa lang ang nakakaalam samantalang ako wala. Tsk! Tsk! Di man lang nila sinasabi sakin ang sekreto nila. Nakakatampo!
"Sino naman nagsabi sayo? W-wala naman akong napupusuhan ah!"
Aysus! Nagdeny pa si Koyah! 'Kala naman nito ay di ko nahahalata. Tsk! Tsk!
"Sige, magsekreto ka pa. Akala mo naman makakapagtago ka sakin. Tsk!"wika ko sa kanya na ikinakamot naman niya sa batok.
"Di ko naman siya gusto eh. Iniinis ko lang siya."nakangisi niyang sagot sakin.
Maniniwala na sana ako kaso nag-e-spark ang mga mata niya. Halata naman na inlove siya. Napailing na lang ako dahil doon.
"Sus! Iniinis daw? Pero nagnanakaw naman siya ng halik."nanlaki ang mga mata 'kong humarap sa pagmumukha ni Ace.
"Nagnanakaw ka ng halik?!!!"di makapaniwalang wika ko. Kita ko sa mukha niya ang pagkagulat at ang pamumula nito.
"Ah....eh.... Ano...."
"Congratulation!!! Binata ka na!!"masayang wika ko tsaka ko siya dinamba ng yakap.
Buti naman at nagkaisip binata na siya. Marunong na siyang dumamoves. Ayeee~ Kung nandito si mommy sigurado akong matutuwa yun dahil binata na si Ace. Si Axl Ace Samonte na di mo alam kung ano ang iniisip, ngayon ay dumadamoves na siya.
I know it is risky for us to fall in love but seeing my closest friend happy to the person he loves makes me happy too.
"Ah.. guys, baka gusto niyo naman akong isama sa yakapan niyo?"napangiti akong tumingin kay Joaquin at niyaya siyang yumakap.
Napangiti naman siya bago kami dambahin ng yakap. Ang ending ay nahulog kaming lahat sa sofa at si Ace ang nasa ilalim namin kaya naman napainda siya sa sakit. Dalawang tao ba naman ang dumagan sayo. Kaya talagang masasaktan ka.
Natatawa kaming tumayo ni Joaquin dahil sa itsura ni Ace.
"Ang sakit nun ha?! Parang sampung elepante ang dumagan!"
"Wow ha? Makaelepante ka diyan. 'To kasing Joaquin na 'to, ang bigat-bigat."
"Anong mabigat?! Ikaw kaya. Ang taba-taba mo. Tsk!"balik niya sakin na sinimangutan ko naman.
"Di naman ako mataba ah. Sakto lang kaya ang katawan ko. Hindi mataba at hindi rin mapayat. Tsk! Makataba ka diyan, sakalin kita diyan eh."
"Kaw ah. Hagis kita sa swimming pool eh."
"Subukan mo. Tadyakan kita! Tsk!"sabay irap ko sa kanya.
Alam ko namang di niya magagawa yang mga pinagsasabi niya. Si Ace kasi ang makakalaban niya kapag ginawa iyon ng mokong na 'to. Tsk! Tsaka ba'ka mabaon ko siya sa lupa ng wala sa oras.
"Halla! Gagamba!!!"
"Waaaaaaahhhh!!!!!"sigaw ko at natatarantang nagpakarga sa kanya.
"Hahahahhahaha!!!!"tawa nilang dalawa kaya naman sinamaan ko sila ng tingin bago ako umalis sa pagkakabuhat ni Joaquin sakin.
"Mga bwisit kayo! Ikaw bwisit ka!!! Bwisit ka!!!! Sasakalin talaga kita!!!"sigaw ko kay Joaquin at dinamba siya ng sakal.
Napahiga naman siya sa sofa habang sinasakal ko siya. Pumatong ako sa kanyang dibdib para mas madiinan pa ang pagkakasakal. Mamamatay ka naaaaaa!!
"Ahu! Ahu! T-tama...na..a---huu!!"nahihirap niyang wika sakin pero pinagsawalang bahala ko iyon at nagpatuloy sa pagsakal sa kanya. Bwisit 'to! Papatayin ko 'to ng wala sa oras.
"Ahem! Ahem! Ba'ka naman gusto niyong ituloy sa kwarto yan, kung may balak kayo."naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa sinabi ni Ace samin. Doon ko rin narealize ang posisyon namin at ang laswa tignan. Bwisit!
Agad akong umalis sa pagkakapatong kay Joaquin habang siya ay may ngising nakasilay sa kanyang mga labi. Nang-aasar pa talaga ang mokong na 'to. Tadyakan ko kaya ito palabas ng earth? Tsk!
"Aiisssh!!! Bahala nga kayong dalawa! Uuwi na ako!"inis 'kong wika dahil sa mga mapang-asar nilang ngisi. Pinagkampihan na naman ako ng mga bwisit.
Dali-dali 'kong kinuha ang bag ko na nasa center table at agad na tumakbo sa pintuan at sinuot ang black shoes ko. Bwisit kasi eh!
Nagsalita pa sila pero di ko na lang inintindi iyon at dali-daling sumakay sa elevator. Shit! Nakakahiya yung kanina! Bwisit kasi na Joaquin yun eh! Grrr! May araw din sakin ang mokong na yun. Sa susunod ay tutuluyan ko na talaga siyang patayin. Tsk! Isa pa yang Ace na yan. May araw din sakin yun. Gigisain ko din siya sa sarili niyang mantika. Akala niya makakatakas siya sakin sa pagkwekwento tungkol sa taong napupusuhan niya. Psh! Nagkakamali siya! Tsk!
But for now, I need to go home dahil kailangan ko ng magpahinga. Sobrang kulang ng tulog ko nitong mga nakaraang araw at ngayon lang ako makakabawi kaya susulitin ko na.
---
Copyrights ©Miixxiimii
All rights reserved
BINABASA MO ANG
Make The Mafia's Fall
ActionMaking the Mafia's fall is hard to do. How can I complete my mission if I am the one who fall in my own trap? LANGUAGE:Tagalog & English STATUS:Completed BOOK 2:Make The Mafia's Back SERIES:Mafia Series 2.1 GENRE:Action AUTHOR:M.M (Miixxiimii) COVER...