Please do votes and leave a comment.
---
JOAQUIN POVNiyakap ko siya ng mahigpit habang inaalo siya. Last time na nangyari ito sa kanya ay noong nasa America pa siya. Pagtapos niyang umiyak noon ay binugbog niya yung lalaking tumulak sa kanya sa swimming pool. Ngayon ay hindi ko na hahayaan pa na mangyari iyon. Malaking gulo ang mangyayari kung hindi mapipigilan si Rylee.
"Ssssssshhh~ tama na."paulit-ulit na bulong ko sa kanya.
Kapag talaga gumanti si Rylee sa babaeng demonyong ito ay bahala siya sa buhay niya. Naiinis na din ako sa Safhira'ng to eh. Kung sino-sino ang nilalandi.
"M-mommy...."muling bulong niya habang umiiling kaya mas lalo ko siyang niyakap.
Naalala na naman niya ang nangyari noon. Hsst!
"You freak! Ang landi-landi mo talaga! After Jace and now kay Joaquin ka naman! You're so so so slut!"sigaw niya na ikipintig naman ng tenga ko dahil sa sinabi niya.
Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang sinasabihan ng kung ano-anong salita si Rylee.
Kumalas ako sa pagkakayakap ko kay Rylee at agad na sinugod si Safhira.
"Anong sabi mo?"mahinahon ngunit may bahid ng galit ang tono ko sa kanya.
"Sinabi ko lang naman na slut siya!"
Wala sa oras ko siyang tinulak kaya naman bumagsak siya sa sahig.
"Isang beses mo pang sabi----"hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng may dumapong kamao sa panga ko.
Napaatras ako dahil sa sakit nu'n.
Hinawakan ko ang parteng nasuntok bago tumingin sa taong gumawa nu'n. Agad na nagtangis ang bagang ko ng bumungad sakin ang mukha ng lalaking pinakaiinisan ko sa lahat. Walang iba kundi si Jace.
"Walang hiya ka!"sigaw ko at agad na bumawi ng suntok sa kanya. Nadaplisan ko naman yung gilid ng labi niya pero agad din siyang nakabawi sakin.
Sinikmura niya ako tsaka niya sinipa ang tagiliran ko.
"Arrg!"daing ko dahil hindi pa magaling ang sugat ko doon.
Bwisit na Jace 'to.
"Putang ina mo! Gago ka!"sigaw ko tsaka ko sinipa ang likod ng tuhod niya dahilan para mapaluhod siya.
"Huhuhu! J-jace. P-pinagkaisahan ako nilang d-dalawa."rinig 'kong sumbong ng demonyong babaeng ito.
"Wha-----"hindi ko ulit natuloy ang pagtutol ko ng bigla na naman niya akong sikmurahin. "Putang ina mo talaga!!!"sigaw ko sa kanya.
Pasalamat talaga ang gagong ito dahil wala sa kundisyon ang katawan ko.
Muli niya akong pinatamaan ulit sa sikmura kaya naman napasuka ako ng dugo. Shit talaga!
Inambahan niya pa ako ng isa pang suntok sa mukha pero hindi iyon natuloy dahil may kamay na umawat dito.
"Touch him again and you will see the hell."seryosong wika ni Rylee. Alam ko sa sitwasyon namin ngayon ay wala na namang emosyon ang mukha niya.
The demon Rylee is now awaken.
Tsk! Kung ako sa kanila ay magready-ready na sila dahil nawawala sa sarili si Rylee kapag galit.
"You shouldn't-----"napatigil ang pagsasalita ni Jace ng bigla dumapo sa mukha niya ang kamao ni Rylee.
Tumahimik ang paligid dahil sa kanilang nasaksihan. Marahil ay natakot sila sa dalawang tao walang mababakas na emosyon ngayon. Kahit ako naman ay kinikilabutan sa kanilang dalawa.
"Don't you dare touching people that I treasured."pinamulahan ako sa kanyang winika.
Nakita ko ang malakas na pagsinipa niya kay Jace sa kanyang tagiliran na ngapasinghap naman sa mga taong nandito.
Lumapit si Rylee kay Jace tsaka niya ito kwenelyuhan.
"Ang ayaw ko sa lahat ay yung basta-basta na lang sumusugod."bulong niya na nalaman ko lang dahil sa pagbuka ng bibig niya.
Pabagsak siyang binitiwan ni Rylee tsaka humarap sa kaliwa niya. Kaso mukhang wrong move iyon sa kanya dahil nakita na naman niya ang asul na tubig nitong swimming pool. Saglit siyang napatigil hanggang sa manginig ang kanyang tuhod.
Pinilit 'kong tumayo ng tuwid at lumapit sa kanya ng bigla na lang siyang matumba.
"Rylee!!!!!!"halos sabay-sabay naming sigaw sa kanya ng bumagsak siya. Mabuti na lang dahil nasalo siya ni Jace.
Agad niyang binuhat si Rylee ng pabridal style at nagmamadaling inilabas sa pool area.
Lumapit naman sakin si Ked at James na kapwa tinulungan ako sa paglalakad.
Dinala nila ako sa clinic at naabutan ko naman doon si Rylee na nakahilata sa kama habang si Jace naman ay di mo mawari ang mukha. Napatingin siya samin at agad niya akong sinamaan ng tingin.
Humihingi ba ito ng rematch? Kung ganun ay wag muna ngayon dahil kailangan ko pang pagalingin ang sugat ko. Peste kasi 'tong Jace na 'to eh! Sa dinami-rami ng pwede niyang sipain bakit ang tagiliran ko pa? Grr!
******
RYLEE POVNagising ako na masakit ang ulo ko at di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong nasusuka na ewan dahil bumaliktad ang sikmura ko.
Nasan ba ako?
Ginala ko ang paningin ko at agad ko ding napagtanto na nasa clinic ako.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga tsaka umupo. Arrgh! Ang sakit talaga ng ulo ko. Parang mabibiyak na.
Nasan ba ang nurse dito? Ang tahi-tahimik naman dito. Tsk! Tsk! Makauwi na nga lang. Sa bahay ko na lang ipapahinga ito.
Umalis na ako sa kama ko at nagsimula ng maglakad. Sa bahay ko na lang 'to ipapahinga. Damn! Ang sakit! Ano ba ang nangyari? Aiisssh! Yung sa pool pala. Damn that Safhira! Mapapatay ko talaga ang demonyetang iyon! Grr!
---
Copyrights ©Miixxiimii
All rights reserved
BINABASA MO ANG
Make The Mafia's Fall
ActionMaking the Mafia's fall is hard to do. How can I complete my mission if I am the one who fall in my own trap? LANGUAGE:Tagalog & English STATUS:Completed BOOK 2:Make The Mafia's Back SERIES:Mafia Series 2.1 GENRE:Action AUTHOR:M.M (Miixxiimii) COVER...