Please do votes and leave a comment.
---
Rylee POVNagmamadali akong lumabas ng unit ko dahil late na ako. Wala naman kaming pasok pero ngayong araw kasi namin gagawin yung project na sinasabi ni sir. Si Ked ang kagrupo ko at sinabi niya na magkita-kita daw kami sa bahay nila Jennysis. Tinext naman nila yung address at malapit lang yun dito sa tinutuluyan kong unit.
Pagkababa ko ay pumara na ako ng taxi at sinabi ang address na pupuntahan ko. Ilang sandali lang naman ang pinaghintay ko at nakarating din ako. Nagdoor bell muna ako at siguro isang minuto ang hinintay ko bago nila ako pinagbuksan ng gate.
"Late ka na."nakasimangot na salubong sakin ni Ked.
"Napasarap sa tulog eh."sagot ko sa kanya habang sinusundan siya.
Sa pagkakaalam ko ay bahay 'to ni Jennysis pero bakit feeling at home 'tong kumag na 'to?
"Nasan ba sila?"tanong ko sa kanya ng malagpasan namin ang living room.
Malaki naman 'tong bahay nila Jennysis at maganda rin. Maaliwalas tignan ang bahay dahil sa kulay nito. Tapos may mga nakasabit pa na paintings sa mga wall nila.
"Nasa pool side sila, tara."sinundan ko lang si Ked hanggang sa makarating kami sa pool side.
Lima silang naghihintay doon dahil bawat grupo ay may tig-pito na member. Buti na nga lang dahil hindi namin kagrupo si Jace. Naku kung kagroup lang siguro namin iyon ba'ka wala kaming matatapos dahil sa katahimikan niya.
"Ahem! Ahem!"napukaw ang atensyon namin sa eksaheradong pagtikhim ni Ked. "Okay guys! Dahil ako ang leader ako ang masusunod."agad na nagreklamo ang mga kagrupo namin dahil sa sinabi ng kumag na 'to.
"Di pwede yun!"
"Hindi kaya ikaw ang leader, Ked."
"Pafeeling leader ka na naman kumag ka!"sabay-sabay nilang singhal kay Ked na siyang nagpasimangot naman sa kanya.
Tumingin siya sakin at binigyan ako ng nagmamakaawang tingin.
"Inaaway nila ako, Rylee..."
"Labas ako diyan."agad 'kong sagot na siyang mas ikinahaba ng nguso niya.
Cute din pala 'tong si Ked kapag humahaba ang nguso. Nagmumukha kasi siyang pato eh! Baby duckling.
"Eh ano ba ang gagawin?"tanong ko sa kanila dahil wala akong kaide-ideya sa project na sinasabi nila.
"Gagawa daw ng bata, Rylee."ngising sagot ni Ked at nakakuha naman siya ng batok sa mga kagrupo namin."aray ang sakit!!!"
"Di ka kasi nagtitino eh! Mamaya masampal ka diyan ni Rylee."wika sa kanya ni Jennysis na siyang ikinakamot na lang niya ng batok.
"Joke lang naman yun!"
"Hindi maganda ang joke mo!"
"Joke lang! Biro lang naman!"
"Kahit na!"
Napailing na lang ako dahil sa mga walang kwentang pinagsasabi nila. Mangbabangayan pa ang mga 'to bago sila gumawa ng project eh. Hsst!
"Kung wala tayong gagawin uuwi na ako."wika ko sa kanila na nagpatigil sa debate nila.
Sabay silang humarap sakin tsaka ako ngitian.
"Gagawa na tayo. Yun na yung mga painting materials natin oh."napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Ked.
Painting materials? Eh, HOPE ang subject namin kay sir, ah? So kilan pa naging Arts ang P.E?
BINABASA MO ANG
Make The Mafia's Fall
AçãoMaking the Mafia's fall is hard to do. How can I complete my mission if I am the one who fall in my own trap? LANGUAGE:Tagalog & English STATUS:Completed BOOK 2:Make The Mafia's Back SERIES:Mafia Series 2.1 GENRE:Action AUTHOR:M.M (Miixxiimii) COVER...