Prologue

1.8K 36 0
                                    

This story is a work of fiction, anything related to the place, character, incident are made by accident. Nothing is true and fact and anyone distributing it without my permission will be punish by law.
PLAGIARISM IS A CRIME.

Prologue

"Sab!" Nilingon ko ang boses lalaking tumawag saakin. Kaagad na may gumuhit na ngiti sa labi ko ng makita ko siya.

"Matt, kanina ka pa?" Tanong ko habang hawak niya ang Registration certificate niya.

"Hindi naman, kararating ko lang din. Ikaw, kanina ka pa?" Kaagad akong napailing iling.

Pareho kaming nangapa sa paghahanap ng aming classroom, by the way its our first semester to be a college student.

Excited at kinakabahan, iyan ang nararamdaman ko. Mas lalong napakapit ako ng mahigpit kay Matt, my bestfriend.

"Kinakabahan ka?!" Natatawang asar niya saakin.

"Ou." Pranka kong sagot sakanya.

"Chillax, di ka nagiisa!" Halos mabatukan ko siya sa sinabi niya. Akala ko patatatagin nito ang dibdib ko pero wala din pala akong mahihita. Almost sa lahat ng subject ay kaklase ko siya, may dalawang subject lang na magkaiba kami.

Iyon ay ang unang subject at Last.

Nauna niyang mahanap ang kanyang classroom kaya malungkot akong nakabusangot ng tuluyan na itong nagpaalam saakin. Ilang classroom pa ang nadaanan ko bago ko tuluyang makita ang akin, sinigurado ko ulit ang nakaukit doon, at ito na nga ang nakalagay saaking schedule.

Nahihiya akong pumasok sa loob, medyo tahimik at kokonti palang ang magkakakilala. Naupo ako sa 2nd row at tahimik na nagmasid.

Naiilang pa ako makipagusap kaya itinikom ko nalang muna ang bibig ko at kinuha ang aking phone para i-text si Matt.

"Musta? Nasa classroom na din ako." Text ko sakanya. Nababagot!

"Good for you, ang iingay na kaagad dito. Daming tumitingin saakin. Naga-gwapuhan ata." Napangiti ako sa sinabi niya. We'll ayoko narin namang magsinguling pero gwapo talaga yung bestfriend ko, aside sa pagiging matalino at sipag mag-aral tapat din "daw" siya magmahal. Which is I'm not yet convinced, hindi ko na ata mabilang ang mga babaeng pina-iyak nun.

"Talaga lang ah!" Sarkastikong reply ko sakanya.

Kaagad ako napatigil sa pagtatype ng bigla'ng umingay ang paligid, kaagad kong naitago ang aking Phone dahil baka professor na iyon ngunit napakunot noo ako ng may biglang pumasok na lalaki, napaka-tipuno ng pangangatawan nito at hindi ko maipagkakailang "napaka-gwapo" niya at mas gwapo pa siya sa bestfriend ko, sorry Matt.

Halos lahat ata kaming kababaihan ay nakatingin sakanya at nakaabang kung saan niya mapipiling maupo, may dalawang vacant sa tabi ko pero ayokong umasa, marami din kasing vacant sa iba.

Masyado na niyang nakukuha ang atensyon ko kaya napailing-iling na ako at iniwas ang tingin sakanya, inilabas ko ulit ang aking Phone at nireplayan si Matt na alam kong naghihintay ng text ko.

"Hi, Ms. May n-naka-" hindi na natapos noong lalaki ang sasabihin niya, lumingon ako sakanya ng bigla itong mapalingon sa kabilang row.

"Fabien, dito kana lang maupo sa tabi ko." Ani noong medyo sexy na babae at naka-full make-up pa.

Lumingon ulit ito saakin at nagtama ang tingin namin, blanko ang inilabas kong emosyon pero nakita ko ang pag-ngiti niya. Did he just smile to me?

Sa pagkaka-analisa ko ay tama lang ang tangkad niya as filipino citezen, 5'8-5'11? I'm not sure pero para saakin tama lang ang height niya. Pormado rin ang kanyang buhok na animo'y lakas maka-american style, ang kanyang ilong na pwede ng ipanghiwa sa sobrang tangos, at ang labi niyang akala mo'y may lipstick na inilalagay dahil sa kapulahan nito at mas lalo na ang kanyang mata na napakalalim, hindi ako magtataka talaga.

"H-Hindi na, d-dito nalang ako." Mahinahong sambit niya doon sa babae.

"P-Pero? Sige na, dito kana! Sinave ko talaga yan para sayo." Pamimilit nung babae.

"No, okay lang talaga ako." Ang galang niya parin ah, kahit na halatang naiinis na siya.

"Pero sige na, hindi naman ako nangangain, g-gusto lang kita makausap." Pagpupumilit parin nung babae.

Mas lalo ng natuon sakanila ang atensyon ko ng bigla kong mapansin ang kakaibang tingin nung lalaki doon kay Ms. Sexy.

Agad kong sinuri ang tingin sakanya ng mga nanunuod sakanila pero pagkahumaling lamang ang nakita ko sa mga nito. Kinusot ko ulit ang mata ko at nanigurado.

Ako lang ba? Ako lang ba ang nakakita ng mga tingin niyang iyon?

Natapos ang paguusap nila ng tuluyan ng sumuko yung lalaki at naupo sa tabi nung babae. Ibinalik ko narin ang tingin ko sa harapan at hindi na sila pinansin ng biglang may babaeng unti-unting lumapit sa pwesto noong lalaki, may dala itong juice at nakangiting ibinigay roon.

"P-Para saakin ito?" Nakangiting sambit nung lalaki na sa pagkakatanda ko ay Fabien ang pangalan.

Mabilis namang tumango yung other girl at noong tinanggap na ito nung Fabien ay halos himatayin siya sa tuwa'ng bumalik sa kanyang upuan.

Kakaiba akong ngumiti, kahit din pala sa kolehiyo, uso padin ang mga ganyan? Tsk. Tsk.

Lumipas pa ang ilang minuto at naririnig ko na ang pangungulit na tanong noong sexy na babae sa lalaki, mukhang indemand talaga yung lalaki sa school na ito, habulin kumbaga.

Napalingon ako sandali upang kumuha ng masusulatan ng hindi ko inaasahan ay makita ko kung papaano pinatid ni Boy ang inuming ibinigay sakanya at matapon ito sa damit noong katabi niyang sexy na babae.

Nakuha nila ng tuluyan ang atensyon naming lahat at habang sinasabi nung lalaking iyon ang bawat katagang "pasensya na at hindi ko sinasadya" may kakaibang ngiti ng gumuhit sa labi ko at iniwas ang tingin sakanila.

Klarong klaro sa paningin ko kung paano niya sinadya iyon, kung paano siya naalibadbaran sa babaeng iyon at pinatahimik ito sa paraang alam niya. Basang-basa ko na siya.

Sa pangalawang paglingon ko ay tuluyan akong nangilabot sa inilabas niyang ngiti at doon palang alam kong may iba sakanya, may iba sa pagkatao niya. Nagtama ang tingin naming dalawa at sa bawat pagkurap ng kanyang mga mata doon ko hindi inaakalang magsisimula ang mga pangyayaring hindi ko inaasahan.

VOTE, COMMENT

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon