Twenty Six

365 11 0
                                    

Twenty Six

"Fabian? Ikaw ngaaaa!" salubong kaagad ni Matt saamin. Ngumisi lang sakanya si Fab, nagdiretso narin ako sa aking kapatid at tiningnan ang mukha niyang may sugat.

"Tingnan mo nangyare sayo. Kasalanan mo to lahat." bulyaw ko sakanya.

"Malay ko ba na may kasama pala yung mga yun." sagot niya saakin. Inismiran ko siya at binatukan. Kaagad niyang ininguso saakin si Fabian na masama na ang pinupukol na tingin saamin.

"Sino siya? Pansin ko na kanina pa masama tingin niya saatin. Siya ba yung kasama mong tumakbo kanina?" Tanong nito.

"Ah kaklase ko nung college." humakbang na rin papalapit saamin si Fabian at bumulong saakin.

"Hindi mo naman sinabi saakin na may boyfriend kana pala." ani nito. What the? Boyfriend?

"Boyfriend?" bulalas ko sa harap niya at kaagad ininguso ang kapatid ko.

"Ahhh." Hindi ko maiwasang mapangiti sa mga sinasabi niya.

"Oliver, magpakilala ka..." nakahalukipkip akong pinapanuod sila habang ang sama ng tingin ni Fabian sa kapatid ko.

Kinalabit na din ako ni Matt na nasa tabi ko na. "Bigtime na nga pala si Fabian ngayon." sinamaan ko lamang siya ng tingin at itinutok ulit ang atensyon sa dalawang nasa harap ko.

"Oliver nga pala." pakilala nito kay Fab.

"Fabian Montero" maikling pakilala nito kay Oliver. Ramdam ko kaagad ang tensyon sakanilang dalawa habang magkalapat ang kamay.

"T-Teka pamilyar ka saakin" sadaling nag-isip si Oliver at inisip kung saan niya nga ba ito nakita. "Ikaw yata yung nasa TV kanina, yung ini-interview?" kaagad kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Oliver.

"Interview? Ahh so you mean napanuod mo ko sa TV kanina." kaagad tumango si Oliver rito.

"Kaya pala ganun si Ate kanina, kilala ka pala niya..."

"A-Ate? Magkapatid kayo ni Sab?" paglilinaw niyang tanong. Kaagad na lumapit si Matt kay Oliver at inakbayan ito.

"Ou, magkapatid sila. Bakit ano bang akala mo?"

Lumingon saakin si Fab at inibahan ako ng tingin. "W-Wala."

Napaupo ako sa labas ng convenience store at hinayaan ko silang tatlo na mamili ng mga gusto nilang kainin at inumin. Napahilot-hilot ako sa aking paa dahil sa pananakit. Nasobrahan ata ang pagtakbo ko kanina kaya ramdam ko ang pagod rito. Sandali kong kinuha sa aking maliit na bag ang aking cellphone dahil mukhang may nagtext rito.

From: Taba

Asan ang bayad mo. Baka nakakalimutan mo.

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at kasabay nun ay ang pagdating ni Fabian at pag-upo sa harap ko. Binigyan niya rin ako ng maiinom.

"May problema ba?" tanong niya saakin.

"W-Wala."

Hindi nagtagal ay dumating narin sila Matt at Oliver at doon ko lang napansin na hindi nga pala namin kasama ang nililigawan ni Matt.

"Teka lang Matt, nasaan nga pala si Maureen?" tanong ko sakanya.

Nagkibit baliktat lang siya saakin at tumungga ng isang incan na beer.

Lumapit saakin si Oliver at may binulong. "Basted na ata, nag-walk out habang nagsasayaw sila kanina." Kaagad akong humagalpak ng tawa dahil sa nangyare.

"H-Hindi nga?" Natatawang tumango saakin ang kapatid ko.

Napahalukipkip ako at natatawang tumingin kay Matt. "Tsk. Tsk. Wala na talaga, iniwan ka na talaga ng alindog mo."

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon