Seven

498 15 1
                                    

Seven

"Why you are so afraid of me?" Kaagad akong natigilan sa paglalakad ng biglang magsalita ang akala kong si Matt. Gosh! Si Fabian pala yung nahawakan ko, bakit ang tanga-tanga ko?

Mabilis kong binitawan ang kamay niya at napaatras ng konti.

Napaismid ito at tinitigan ako ng seryoso.

"I-Im-" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng sobrang higpit niyang hinawakan ang aking pala-pulsuhan at galit na galit na dinala ako sa likod ng building.

Mas lalong nanginig ang tuhod ko sa gagawin niya.

Halos lumagabog ang likod ko ng isandal niya ako sa may pader at napadaing sa sakit.

"Why?" Tulalang bigkas niya habang halata sa mga mata nito ang galit.

"I approach you first, I don't hesitate when I tell you that I'm going to court you, pero bakit? Bakit parang iba parin ang tingin mo saakin?" Tuluyan ng nagtama ang tingin naming dalawa at kitang kita ko ang kakaibang emosyon sakanyang mga mata.

"Is it because of Matt? Are you hoping na sana hindi kayo magkaibigan?"

"Ano bang sinasabi mo?! No!"

"Then ANO? WHY?!" Sapilitan niyang hinawakan ang dalawa kong palapusuhan at madiiin itong inilapat sa pader dahilan para tuluyan ng hindi ako makapalag.

"Do you want me to get rid of him? Makikita mo na ba ako?" Nangingilid na ang mga luha ko dahil sa takot sa mga sinasabi at tingin niya.

I confirm, he's not an ordinary person.

Ramdam na ramdam ko na ang panginginig ng aking katawan. Pakiramdam ko  tumatalim na sa palapulsuhan ko ang kamay niya dahil sa madiing pagkakahawak nito at nararamdaman ko na ang sakit.

Hindi ko siya kayang tingnan sa mata dahil nakikita ko rito kung gaano siya nagagalit, kung gaano nanginginig ang kanyang mata sa galit habang titig na titig saakin.

"I tried so hard to find you but since you did not remember everything. I give up." Madiing bigkas niya. Tuluyan ng nagbagsakan ang luha sa mata ko.

"If you are really scared, then I will not pursue myself to you anymore." Dahan-dahan na niyang binitawan ang pagkakahawak saakin.

Bigo ang kanyang bawat hakbang paalis sa lugar na yun at tuluyang nanghina ang tuhod ko at napaupo. Pinagmasdan ko ang pala pulsuhan kong halatang halata ang pamumula.

~*~

Itinago ko kay Matt ang marka sa aking kamay, dahil alam kong kapag nakita niya ito ay magtatanong at mamagalit siya.

Hindi na ulit ako gaanong nakapag-focus pa sa discussion dahil sa naalala ko. Napahinga ako ng malalim at tumingin na lamang sa malawak na field sa labas ng bintana.

"Samahan mo ko mamaya." Bulong ni Matt saakin.

"Saan?"

"Varsity Club, magsa-sign-in ako." Biglang kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya.

"Ayoko."

"Bakit?"

"May lakad ako, may mga assignment akong dapat tapusin." Pagpapalusot ko sakanya. Ayoko lang talagang makita ulit si Fabian ngayon.

"Ha? Wala naman akong matandaan na may mga asssignment tayo."

Madiin akong napapikit at yumuko na ng konti.

"Basta di ako pwede, kailangan kong umuwi ng maaga." Matapos nun ay hindi na ulit ako tumingin sa pwesto ni Matt.

Natapos ang klase na wala akong ginawa kung hindi ang tumingin lamang sa bintana. Nauna na rin akong umalis kay Matt at hindi nagpaalam. Bahala na.

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon