Thirty Eight

335 11 0
                                    

Thirty Eight

Pinilit ko'ng bumangon ng umagang iyon. Pagkalabas ko ng kwarto ay sinalubong kaagad ako ni Oliver.

"Okay kana ba? papasok kana?" anang niya saakin. Mugto ang mata kong tumango sa tanong niya.

"Yung lagnat mo?"

"Okay na ako- at baka patayin na ako nila Sir Raymond. Ka-ka-hire ko lang tapos absent na naman ako."

"P-Pero-" natigil siya sa pagsasalita ng magtungo ako sa banyo at nag-desisyong maligo na. Pagkatapos ko'ng maligo at magbihis ay hindi ko pinahalata kay Oliver na nanghihina parin ako. Masigla akong umupo sa harap niya habang naka-corporate attire na

Inubos ko lahat ng pagkaing hinanda niya kahit na wala akong ka-gana-gana. Matapos nun ay sabay na kaming lumabas ng apartment, naghiwalay lang kami nang nauna akong sumakay ng Jeep.

Napahigpit ang hawak ko saaking bag habang binabagtas na ang daan patungong opisina. Hindi ko rin tinangka pang buksan ang mga messages niya sa aking phone dahil baka ano mang oras ay magsimula na naman akong umiyak.

Nasa lobby palang ako ng Building ng biglang kumapit saakin si Bea at masiglang binati ako.

"Kamusta kana? Okay na ba pakiramdam mo?" Pagod akong tumango sa sinabi niya at sabay na kaming pumasok sa elevator. Ilang beses din akong napapalingon sa paligid dahil baka naka-abang siya saakin.

Pagod akong ngumiti at binati sila Daisy, Sir Carlo at Sir Raymond na nagtutumpukan sa area namin.

Pagkaupong-pagkaupo ko sa upuan ay umalis na din si Sir Raymond, biglang lumapit saakin si Bea at kinunutan ako ng noo.

"Nga pala maalala ko, anong nangyare sayo noong nakaraang araw. Bigla mo nalang akong iniwan." Napalunok ako at seryosong tumingin sakanya.

"M-May emergency sa bahay at yung report nga pala- nakalimutan ko." Paglilihis ko nang usapan.

"Okay na yun, naipasa ko na kay Sir Raymond. Mabuti nalang naiwan mo sa stock room yung mga ginawa mo kaya naging madali nalang saaking gumawa ng report." Nakangiting pahayag niya. Tipid akong ngumiti at nag-focus na din sa pagta-trabaho.

Ininda ko ang sakit ng aking ulo at panlalamig para lamang hindi mapahalata sakanila na may sakit padin ako.

Mabilis na lumipas ang oras- lunch break na ng magyaya silang kumain.

"T-Tara?!" Anyaya ni Sir Carlo.

Nanghihina akong tumingin sakanilang tatlo. "Wala pa akong gana Sir, kayo nalang po muna."

"P-Pero baka manghina ka niyan. Mahaba pa ang oras." Sagot naman ni Daisy.

"Bilhan ka nalang namin, gusto mo?!" Kaagad akong napatango sa sinabi ni Bea at nagpaalam na nga sila saakin.

Naiwan akong mag-isa sa buong floor, iniyuko ko ang aking ulo at mas lalo kong niyakap ang aking sarili dahil sa panlalamig.

Ipinahinga ko ang aking ulo nang sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay may naramdaman akong nagpatong ng jacket niya sa balikat ko. Dahan-dahan kong tiningnan kung sino ito at bigla'ng namumuo na naman ang luha sa aking mga mata nang makita ko siya.

He looks so worried.

Kaya nga sinadya kong hindi sumama kila Bea ay para hindi mag-krus ang landas naming dalawa pero nandito siya.

Mariin akong napapikit at kaagad na nag-iwas ng tingin sa kanya. Hinipo niya rin ang noo ko ngunit mabilis ko ring hinawi ito.

"You still have a fever." Ani nito.

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon