Forty Four

357 10 0
                                    

Forty Four

Isang lingo ang nagdaan at simula nung hinatid niya ako sa opisina ay hindi na ulit kami pinagtagpo ng landas. After lunch nung araw na sinabi ko kila Bea ang meron saaming dalawa ay nakatanggap ako ng tawag sakanya.

"I'm out of the country for a week, may mga business matters lang akong aasikasuhin. Yung driver maghihintay siya palagi sa parking area- doon ka na sumakay after mo sa work." 

Wala naman akong magawa para pigilan siya ang nasabi ko na lang nung mga oras na iyon ay "ingat".

May hawak akong mga papeles at dini-distribute ang mga papeles kila Sir Carlos- ito na pala ang planning and program na mangyayare ngayong buwan. Medyo hindi narin gaano napag-usapan pa ang meron saamin ni Fabian dahil naging busy ang lahat sa darating na event.

Pagka-abot ko ng papeles kay Bea ay kinunutan niya kaagad ako ng noo.

"Hindi parin ba siya tumatawag sayo?" na-i-intrigang tanong niya. Umiing -iling lang ako at naupo na din sa aking pwesto.

"Nakakapagtaka naman- he's courting you right? Ano bang klaseng manliligaw yun, hindi ka man lang kinakamusta." mas lalo akong nanlumo sa sinabi niya. Ou nga naman- ganun ba siya ka-busy sa ibang bansa at ni hi o ho wala man lang akong natanggap.

"Baka busy lang" tipid kong sagot.

Sinimangutan niya ako. "Baka nga- pero nga pala diba yung Lei na napapabalitang fiance did she know?"

Napalunok ako sa mga tanong saakin ni Bea. "I don't know"

Napahinga ako ng malalim at mariing napapikit, ou nga pala I forgot about her. Wala din namang nabanggit saakin si Fabian, paano pala niya ise-settle yung about kay Ms. Lei.

Sandali kong iwinala ang atensyon ko a aking naiisip at nagfocus sa gawain. Dumating ang uwian na sinunod ko ang gusto niya, nagpunta ako sa Parking area at hinanap si Kuya Driver na naghihintay saakin.

Naging close na nga kami nito dahil halos siya lang ang nakakausap ko about kay Fabian nitong mga nakaraang araw. Ang dami niyang kwento about sakanya- kung paano at ilang beses niyang gusto'ng mag-resign dahil sa pagka-stubborn ni Fabian at sa tuwing kinukwento niya iyon ay natatawa na lang ako.

Pagkarating sa tapat ng apartment ay bumaba kaagad ako sa sasakyan at magalang na nagpa-alam. Tamad na tamad akong umakyat sa hagdanan nang magdesisyon akong bumili muna ng makakain sa malapit na convenience store.

Inaalon pa ang buhok ko habang naglalakad sa daan- ramdam ko na din ang pangangalay ng aking paa. Dire-diretso ako anga pasok ko sa convenience store at bumili ng maiinom at ice cream after ko magbayad ay lumabas na din ako. Naghanap ako ng magandang pwesto sa labas ng convenience store at tamang-tama may namataan akong park malapit rito. Kitang-kita ko rin ang mga naglalarong mga bata.

Naglakad pa ako ng kaunti at naupo sa may upuan roon, nakamasid ako sa mga bata nang biglang pumasok sa isip ko ang mga ala-ala namin noon. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang naalala iyon, yung mga panahong naka-abang ako sa tapat ng bahay niya at nagbabakasaling darating siya ngayong summer.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na kasama ko na pala siya noon, nauna pa pala ang meron saamin ni Fabian kaysa kay Matt.

Para akong tangang ngumingiti habang sumusubo ng ice-cream, tumingala ako at pinagmasdan ang magandang pagtatakip silim. After a minute, kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang pangalan niya sa screen.

Mabigat ang aking dibdib na tinext siya. "I'm home" naghintay pa ako ng ilang minuto sa reply niya pero wala akong nakuha.

Bigo kong nilisan ang lugar na iyon at umuwi na ng bahay, pabagsak kong binagsak ang aking sarili sa kama at umidlip.

Nagising ako sa pag-uga-uga ni Oliver saakin. "Gising na kain kana muna!" aniya.

Tiningnan ko lang siya at natulog ulit. "Kumain na ako- lalabas na lang ako kapag nagutom"

"P-Pero-"

"Sige na, pagod lang..." sambit ko. Wala narin itong ginawa at tuluyan na niya akong iniwan. Nagtalukbong ako ng kumot at tuluyan na ngang natapos ang araw.

~*~

Maaga ako nagising kinaumagahan at nag ba- bakasakaling nasa labas na siya ng apartment ngunit wala padin. Nakasimangot akong pumasok sa office habang panay ang sulyap saaking phone. Hindi padin siya nagpaparamdam- kinakabahan na ako sa lalaking yun?

Hindi kaya nagsawa na saakin yun? Baka natauhan na at ayaw na niyang ipursige ang panliligaw saakin? O baka magkasama sila nung Lei ngayon.

Kung ano-ano na ang lumulutang sa isip ko dahil sa hindi niya pagpaparamdam. Hindi naman ganito si Fabian noon, nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Makalipas ang ilan pang minuto ay unti-unti naring napupuno ang buong department. Itinabi ko ang aking phone at sandaling nakipag-kwentuhan sakanila. Binigyan na kami ng mga task namin sa darating na anniversarry- our team inventory dept ang incharge sa mga guest kaya Sir Raymond wants us to give out best to this event.

Ang minuto ay naging oras at ang oras ay naging araw but damn- wala parin siyang paramdam saakin.

At ang araw ay tuluyan ng naging linggo.

2 weeks na simula ng huli ko siyang makausap at makita. At ngayong darating na week na ang event pero wala parin kaming balita sa kung nasaan na ba siya.

"Papasok ka na?" tanong saakin ng kapatid ko.

"Yeah!"

"Wala parin ba siya? Tinanong ko si Matt, hindi rin daw nag-chat or text sakanya." sabi nito.

"Hayaan mo- baka sobrang busy lang talaga, malapit na din kasi ang anniversary." tugon ko at tuluyan ng nagpaalam.

Kinakabahan na ako sa hindi niya pagpaparamdam, wala naman sigurong masamang nangyare doon habang nasa labas ng bansa at kung meron man edi sana balitang balita na sa opisina. Since naka-slacks ako, sinubukan kong gamitin ang aking motor na matagal ng naka-stock sa ibaba ng apartment. Hindi rin naman niya malalaman na ginamit ko ito dahil wala siya.

Kulang nalang ay yakapin ko ang motor ng maupo ako rito. "Gosh! I miss you." bulalas ko. I start the engine at pinaandar ang sasakyan, sinigurado kong naka-ayos din ang kabit ng helmet sa aking ulo at tuluyan nang nilisan ang lugar namin.

Katulad ng palagi kong nadadaanan sa tuwing papasok ay kitang kita ko na naman ang napakalaki niyang billbord sa may stoplight. Napasimangot akong tinitigan ito.

"Nasaan ka na ba?" tanging naging bigkas ko.

Pagkarating ko sa opisina ay nagsalubong kaagad ang kilay ko nang may nakita akong nagtutumpukang naka-tuxedo na mukhang may babatiin. Biglang kinabog ang dibdib ko nang maisip na baka siya ito ngunit natigilan ako at halos mabitawan ko ang helmet na hawak ko ng makita kong iniluwa ng itim na sasakyan si Lei kasama si Fab.

Naging blangko ang aking ekspresyon at napangisi ng kakaiba.

So tama din pala ang hula ko, he's with Lei all this time at kaya ayaw niyang magtext o magparamdam saakin dahil magkasama sila.

Bago pa magtama ang mga mata namin ay tinalikuran ko na ito- nawalan na ako ng gana pang pumasok sa office. Nakikita ko ang sarili kong lumalabas ng building, I off my phone para wala ni kahit isang maka-contact saakin, lalong lalo na siya. Magpapalamig na lang muna ako ng isip.

Kahit gaano ko siya ka-gustong makita biglang nawala ito sa nakita ko.

I calm my mind at sandaling napa-pikit.

Mukhang nakukuha niya na talaga ako, mukhang nasa kanya na nga talaga ang puso ko. Noon, ayokong umamin dahil mahirap sumugal pero ngayong handang-handa na ako tsaka ko pa makikita yun.


You really cant understand what is beyond the word Love.

VOTE, COMMENT




His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon