Forty Seven

360 15 0
                                    

Forty Seven

Fabian Montero POV

"We were just bestfriend" sabi ni Matt kaagad nabaling sayo ang tingin ko at kitang kita ko ang kakaibang emosyon sayo ng sinabi niya iyon and I confirm that you have a feeling for your bestfriend.

But then hindi natapos doon ang lahat, the fact na sa iba naka-focus ang atensyon mo ay hindi ako napanghinaan ng loob and I push myself to you more dahil gusto kong maalala mo ang meron tayo hanggang sa hindi ko namamalayang unti-unti ka na palang natatakot saakin.

Sa kagustuhan kong maibalik ang meron saatin dati nagiging selfish na pala ako. Hindi ko namamalayang iba na pala ang nararamdaman mo sa tuwing nakikita ako, hindi ko napapansing umabot na pala sa puntong "ayaw mo na akong makita"

Mariin akong napapikit habang naalala ang mga pag-iwas ng mga tingin mo. I also keep asking your permission na ligawan ka pero wala akong ni kahit isang makita sa kilos mo na gusto mo ako.

Araw-araw akong nagbaba-kasakaling papayag ka pero hindi iyon nangyare. Yeah, I follow you, days and nights para na nga akong tanga. Kahit alam kong mas lalo kang matatakot saakin- I dont care anymore! Ang gusto ko nalang mangyare ay makita ka, sapat na saakin.

Until I suddenly save you from that ball- we became closer since then at sa hindi maipaliwanag na kadahilanan alam kong unti-unti nang nag-iiba ang paningin mo saakin.

Hindi padin ako tumigil sa paghingi ko ng permission sayo pero nung oras na iyan alam kong may iba na- iba na ang mga tingin mo saakin. At nagkaroon ako ng pag-asang baka makita mo na ako but as we closer to each other hindi ko inaasahang darating ang panibagong pagsubok na susubok saakin.

Our parents is involve in an accident at ang hindi ko matanggap ay ang malamang- si Papa ang may pakana ng lahat ng ito.

He's driving while drunk kaya nangyare ito. Bigla akong nawalan ng pag-asang mamahalin mo, bigla akong napang-hinaan ng loob.

Lahat ng paghihirap ko para lang makita mo ay naglahong bigla, lahat ng iyon. Masakit and I'm afraid na baka sa oras na malaman mo ay tuluyang hindi mo na ako gugustuhing kilalanin pa.

Bigla akong nawalan ng lakas ng loob upang magpakita pa sayo, nawalan ng buhay ang puso ko habang nakikita kitang patuloy na umiiyak sa Hospital dahil sa pagkawala ng mga magulang mo.

First is I ruin your childhood because of that kidnapping incidents and now I ruin your family too.

Tell me? Kailan na ba'ng itigil ko na?

Gusto kong sabihin sayo ang bigat na aking dala-dala at tanungin ka kung tatanggapin mo pa ba ako kapag nalaman mo na- pero biglang tumigil ang puso ko ng marealize kong hindi ko nga pala pagma-may-ari ang puso mo.

Baka sa oras na sabihin ko sayo ang totoo ay baka mas lalo ka pang lumayo.

Since ang meron lang ako ay yaman- I paid all the bills na nilkha ng aking pamilya. Ayokong maging burden pa sayo ang lahat.

At ang hospital na iyon ang pinakahuling pagkikita natin.

Days passed at tanging ang apat na sulok lamang ng kwarto ko ang naging hingahan ko. Narinig ko ang katok ng maid at sinabing. "Sir ready na po sila sa baba" wala akong emosyong lumabas ng kwarto at pumasok sa sasakyan ngunit bago kami tuluyang magpunta sa Airport ay pinadaan ko muna sa school at hindi ko inaasahang sa huling pagkakataon ay makikita kita sa gate.

Nagpipigil ang puso kong pihitin ang pinto para magpakita sayo at gayun na lamang ang pagtigil ng mundo ko ng biglang may pumasok na text sa phone ko.

Tuluyang tumulo ang luha ko habang pinakikinggan ang mensahe mo thru voicemail.

"Fab, I'm really sorry about everything. Patawarin mo ako kung hindi kita nabigyan ng pagkakataong ligawan ako, patawarin mo ako kung sa una palang ay wala akong ginawa kung hindi ang husgahan ka dahil sa nakikita ko. Sorry to all the misunderstanding na nagagawa ko sayo. You are a great person, a warm person at sa tuwing kasama kita napapasaya mo ako. Pasensya kana kung dito ko na pinadaan ang message ko para sayo. Hindi ko kasi kayang humarap sayo ng ganito. Thank you for your patience para lang makasama ako, thank you. This might be the last message and goodbye that I will say to you. Take care always. Bye..." walang patid ang pagtulo saaking luha habang kumikirot ang puso ko.

Pinagmasdan kitang maglakad at lampasan ang sasakyan ko.

I watch you thru the side mirror at nang tuluyan ng maglaho ka sa paningin ko.

Kinalabit ko na ang Driver at tuluyan ng nilisan ang lugar na iyon.

Simula ng araw na iyon ay palaging nakasalampak ang headset ko sa aking tainga upang pakinggan ang mensahe mong iyon. Dahil dito- dahil sa mensahe mo nagkaroon ako ng pag-asang magpatuloy.

Nabuhay ako sa ibang bansa, nabuhay akong palaging naririnig ang boses mo at halos ito na ang ginagawa kong musika sa tuwing naalala at namimiss ka.

Kung hindi man tayo para sa isat-isa. I will always be thankful dahil binigyan ako ng pagkakataong makilala ka ulit.

You still the same Sabrina Verzonilla na nakilala ko noon.

Sa ilang taong pamamalagi ko sa ibang bansa, walang naging laman ang isip ko kung hindi ikaw. May asawa ka na kaya? Kamusta kana? Naaalala mo pa kaya ako? All of it was filled of you.

After ng ilang taong pamamalagi ko sa ibang bansa- tuluyan ko ng nalanghap ang pamilyar na amoy sa ka-maynilaab and hoping na sana this time- umayon na sa akin ang tadhana.

Hindi ka man napa sa akin noon- sana this time magiging akin kana.

VOTE, COMMENT

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon