Thirty One

326 10 0
                                    

Thirty One

Hindi ko malaman kung anong pumasok sa isip ko at nakikita ko na lamang ang sarili kong hinahakbang ang aking mga paa papasok sa kompanya niya.

I'm not doing this for him but for myself, ilang taon na ako and yet wala parin akong nakukuhang matinong trabaho. I take it as positive, tinigil ko magdamag na pagiisip kong "dahil sakanya" ang gagawin ko. Maybe God give me this opportunities at ipinadaan lang ito sakanya, for sure God gave me this blessing at alam kong may maganda siyang plano saakin.

Napahinga ako ng malalim, nasa harap na ako ng receptionist.

"Hi Ma'am, how may I help you." Inayos ko ang suot kong corporate at nakangiting ngumiti saknya.

"Uhm. Sa HR department po sana."

"May appointment po ba tayo doon Ma'am."

"Opo, sana." Nakangiti siyang may tinawagan, naghintay lang ako sandali at tuluyan na nga akong pinapasok. Sa 8th floor daw ang office nito kaya doon kaagad ang punta ko.

Kinakabahan akong pinapanuod ang numero sa elevator at nang nagbukas na ito ay halos magdasal ako sa maykapal na sana pasok ako sa mangyayareng interview.

Nakangiti akong sinalubong ng assistant hr, iginaya niya ako sa may conference room at sinabihan na maghintay lamang sandali at susunod na rin si Ma'am Gie ang HR manager.

Inayos ko ang pagkakaupo ko at inilabas ko narin ang resume ko. Hindi nagtagal ay may pumasok na ngang ka-respe-respetadong matandang babae na may salamin sa kanyang mata.

"Its nice to meet you Ms. Sabrina." Masiglang bati niya saakin. Pinaupo niya na rin ako.

"Pasensya na kung naistorbo kita sa tawag ko kahapon. Medyo urgent lang kasi, ako ang kinukulit ng Boss sa itaas." Mapakla akong ngumiti sa harap niya at itinago ang pagka dismaya kay Fabian. Seriously Fab?!

"W-Wala po iyon."

"So lets start?" Napatango-tango ako. At iniabot ang resume ko sakanya.

"Kahapon pa ako nahihiwagaan sayo actually at bakit ganun na lang ang kagustuhan ni Sir Montero na interbyuhin— " bigla siyang natigilan ng makita niya ang resume ko.

"Ah so hindi ka po pala nakatapos ng kolehiyo?" Biglang napawi ang ngiti ko dahil sa tanong niya. Kinakabahan kong pinaglalaruan ang aking mga daliri habang patuloy niyang sinusuri ang laman ng curiculum vitae ko.

"Actually Ms. Sabrina Verzonilla, base po sa resume mo, you are really not qualified sa mga qualification namin sa kahit saang vacancy namin but since you are referred to us by the owner of this company, gagawaan ko po ng paraan." I dont know, maganda naman ang tono ng pananalita niya pero bakit parang ang liit liit ng tingin ko sa sarili ko.

Sandali siyang nagpaalam saakin at mukhang may kukuhain sa office niya. Kinakabahan akong hinihintay siya roon. And I realized na kahit pala napaka powerful nang nasa likuran mo, hindi mo parin pala masisigurado na aayon ang lahat sa gusto mong mangyare. Pakiramdam ko I was critized sa Educational background ko.

Sabagay, sino ba naman kasing matinong kompanya ang maghi-hire sa isang katulad ko? Walang tinapos at halos puro delivery lang ang alam. Kung hindi lang dahil kay Fabian hindi naman ako mangangarap ng ganitong kagaang trabaho.

Napaupo ako ng maayos ng pumasok ulit si Ma'am Gie, may dala itong papel at ibinigay saakin.

"Iyan po ang set of requirements, naka-check na po lahat ng dadalhin niyo. About your position, I decided na ilagay ka po sa inventory department since medyo relate ang previous work mo roon." Malumanay niyang sambit saakin.

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon