Forty

387 13 4
                                    

Forty

Inaantok akong lumabas ng kwarto, nadatnan ko kaagad si Oliver na nagtitimpla ng kape at umagahan.

"Wala ka ng lagnat?" Humihikab pa akong tumango sa harap niya.

"Good, paano'ng hindi ka magiging okay kung okay na kayo ni Fabian." Pilyong sambit niya.

"Psh!" Iyan na lamang ang naging tugon ko at naupo na ako sa harap niya.

Pinauwi din kami kagabi ng Doctor dahil naging okay na ako-wala na din kasi akong balak na mag-stay ng matagal sa Hospital. Hinatid niya rin ako dito sa bahay kaya puro kapilyuhan ang binibigay saakin ni Oli ngayon.

Nakatutok kaming dalawa sa balita habang kumakain nang biglang may kumatok sa pintuan.

"Sino yan? Matt?" Tanong ko kaagad sakanya at tsaka inginuso ang pinto upang buksan niya.

"Nagtext ba siya na pupunta siya? Bakit parang wala akong natanggap." nagkakamot sa ulong bulong-bulong ni Oliver.

Idinako ko ulit ang tingin ko sa TV nang pareho kaming matigilan ni Oliver ng makita ko si Fabian na may dalang napakalaking boquet of roses. Halos mailuwa ko ang kinakain ko nang mas lalong naging pilyo ang tingin saakin ni Oliver.

"Ate?" Mapang-asar na tawag niya saakin. Pinapasok niya sa loob ng bahay ni Fabian at nagpipigil ng ngiti.

"Kumain kana?" Alok kong tanong kay Fabian nang maupo siya sa harap ko. Panay ang panunukso saakin ni Oliver samantalang si Fabian naman ay panay analisa sa kabuuan ng apartment namin.

Hinainan na din siya ng pagkain ni Oliver at tumabi ito sa tabi ko.

"Pasensya na kung maliit ang bahay namin." Hawi ko ng tingin niya sa bahay namin. Kaagad siyang umiling-iling at ngumiti.

"No! Its beautiful, dati ko pa pinangarap na makapasok sa apartment mo." Kaagad nabilaukan si Oliver dahil sa sinabi niya. Isiniko ko siya upang patahimikin.

"Maganda? Baka kapag makita mo ang kwarto niya- bigla mong bawiin ang salitang yan." Natatawang bulong ni Oliver.

Nagsimula na din kaming kumain nang biglang magsalita itong si Oliver na naman.

"Nga pala- whats with that flower?" Anang niya at tsaka ininguso ang bulalak na nasa tabi ko.

Hindi ko pa nga pala sinasabi sakanya ang status namin ni Fab.

"About that..." kaagad tumingin saakin si Fab at kinindatan ako. "I am courting your sister, kaya gusto ko lang hingiin ang blessing mo."

Pinaningkitan ko ng mata si Oliver dahil tuluyan na siyang natulala kay Fab. Kinurot ko siya upang maibalik siya sa katinuan at halos malaglag ang tenga ko sa lakas ng palakpak niya.

"Really? Pumayag na siya?" Natatawang tanong ni Oli kay Fab. Tumango-tango kaagad si Fabian at nag-apir sila. Meron ba akong hindi nalalaman sakanilang dalawa?

Para kasing ang close nila tingnan.

Nag-focus na ulit ako sa pagkain samantalang itong dalawa ay halos hindi na mapaghiwalay dahil sa mga pinag-uusapan nila. Hinintay akong matapos ni Fabian sa pag-aayos at sabay na kaming lumabas ng apartment. I suddenly felt awkward nang kaming dalawa na lamang ang naiwan. Hindi ko alam kung papaano ko u-umpisahan ang pag-uusap naming dalawa.

Nang magtama ang tingin namin ay agad din akong napa-iwas ng tingin na kinadahilan ng pag-ngisi niya.

"Awkward ba?" basag niya ng katahimikan. Kaagad na namula ang pisngi dahil sa sinabi niya.

"Hindi lang ako sanay." sagot ko.

Pagkarating namin sa parking ay pinagbuksan niya kaagad ako ng pinto at tsaka bumulong saakin. "Pwes-masasanay ka din" at kinindatan ako. Tuluyang namula ang pisngi ko ng makapasok sa sasakyan.

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon