Forty Two
Malawak ang aking ngiti ng makarating ako sa bahay. Si Oliver ay busy sa kanyang thesis kaya halos hindi ko makausap. Sandali ko lang siyang sinilip sa kwarto niya at napangiti.
"Kumain kana?"
"Hindi pa, hindi ako nakapag-luto dahil may tatapusin pa ako. Baka magdamag na naman akong gising nito." Nakasimangot na sambit niya.
"Anong gusto mo? Bibili kita!"
Kaagad lumapad ang ngiti niya at nagning-ning ang mata. "Talaga? Walang bawian yan ah."
Tumango tango ako. "Ou nga!"
"Jollibee naca-crave ako sa chicken nila ngayon, fries, spaghetti at burger..." nagpapacute pa siyang lumapit saakin "dapat naka-bucket Te, alam mo namang magdamag ako. Please!" Wala na akong nagawa kung hindi umokay sa kanya.
Sinarado ko na lang ulit ang pinto ng kanyang kwarto at nagpalit na ng pambahay, nag-order na din ako online ng mga sinabi niya at tsaka in-on ang TV pra makapanuod ng balita.
Lumipad na naman ang isip ko sa kung-ano na ang nangyayare sa kanila ngayon. Nagiinuman pa kaya yun? Nakauwi na?
Ilang beses akong napapasilip sa phone ko dahil baka may isa sa kanilang nagtext o tumawag pero wala.
Makaraan ng ilan pang minuto ay dumating na ang pinadeliver ko. Tuwang-tuwang lumabas sa kanyang kwarto si Oliver at nagsimula ng maghain.
"Akala ko sabay kayong uuwi ni Fab ngayon?" Anang niya kaagad habang sumusubo na.
"Nagkita sila ni Matt." Maikling tugon ko.
"Ah ou nga pala- niyaya nila ako kanina pero dahil sa may tinatapos ako- hindi na ako sumama" wala sa sariling sagot niya.
So ibig sabihin planado pala talaga ang pagkikita nila ngayon? Nagkanya-kanya ulit kami ni Oliver, ako na ang naglispit ng pinagkainan at matapos nun ay bumalik na rin ako sa panunuod.
I texted him, sinabi kong nakauwi na ako dahil nagbabakasakali akong magre-reply siya pero wala- mukhang sineen lang ako ng lalaking yun.
Pinaparusahan ata ako nun- dahil sa ginawa ko sakanya at pag-iwas ko sakanya kanina.
Nakatulog na lamang ako sa sala dahil sa kakahintay nang bigla akong magising dahil sa malakas na katok sa pintuan. Inaantok pa akong bumangon at pinagbuksan ito nang makita ko silang lasing na lasing na nakangiti saakin.
"What the-"
"OMY Sab!" Lasing na lasing na bigkas ni fab at tsaka niyakap ako.
Nanlaki ang mata ko ng hilain naman ni Matt si Fab at sabihing "Dont touch my bestfriend." At siya naman ang yumakap saakin.
What the-
Hinila ulit ni Fab si Matt sa pagkakayakap saakin at lasing na lasing na tiningnan ng masama. "Dont touch my girl, shes mine!" Mariing bigkas nito at niyakap ako.
Pareho ko silang pinaghihiwalay sa harap ko at humalukipkip.
"Hoy! Kayong dalawa- tigilan niyo ko. Kung lasing kayo, matulog kayo- huwag niyo kong pag-agawan." Kaagad silang nagpalakpakan sa sinabi ko at nag-apir.
Tiningnan ko si Oliver at sinensyasan na tulungan ako. Inalalayan ni Oliver si Matt samantalang ako naman kay Fabian.
"Sab! Sab! Sab!" Paulit ulit na tawag nila ng pangalan ko at halos mabingi na ako sa pagtawag nila.
"Ano ba! Matulog na nga kayo." Bulyaw ko sa dalawang ito.
Nginitian ako ni Fab at lasing na lasing na hinaplos ang mukha ko, lumapit siya saakin at bumulong. "I love you." Halos maging bato ako sa bulong niya at tuluyan ng nawalan ng malay.
Ilang beses akong napalunok dahil ayaw maproseso sa pandinig ko ang sinabi niya.
Nabalik lamang ako sa ulirat ng bigla akong tawagin ni Oliver at ininguso ang higaan na nilatag niya sa sala.
"Ano pang ginagawa mo diyan? Ilagay mo na siya dito!" Ani pa nito.
"Ha! Ah ou" Nagtagumpay kaming ihiga sila pareho- si Matt ay natatawa pa habang lasing na pinagmamasdan ako.
"Mahina pala manliligaw mo sa alak!" Asar niya pa saakin.
"Nagsalita ka pa- pareho lang naman kayo!"
"Hindi ah-!" Iniwan na kami ni Oliver doon at bumalik na ulit siya sa kwarto niya.
Nauna kong linisan si Fabian dahil napakainit ng mukha niya at namunula pa- para kahit papaano ay malessen ang kalasingan niya. Si Matt naman ay nakatitig lamang sa ginagawa ko.
"Sab?" Malambing niyang tawag saakin.
"Hmmm"
"Masaya ka ba? Ngayon?" Nagtama ang tingin naming dalawa dahil sa sinabi niya.
"Bakit mo naman natanong yan? Of course masaya ako" sagot ko rito.
"Sige since sinabi mo yan- papakawalan na kita..." kaagad kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"What do you mean?"
"I honestly like you not as my best friend- ilang beses akong nagtangkang magtapat sayo pero hindi ko nagawa. Dont get me wrong, I'm saying this to you dahil masaya ka na at masaya ako para sayo. I really like Fab for you, college palang nawalan na ako ng pag-asa simula nung dumating siya. College palang nakita ko na kung gaano ka masaya kapag kasama mo siya, college palang alam kong siya ang magbibigay ng gusto mong pagmamahal- thats why after college- I stop liking you. Yeah. I like you but not the way it used to be. Natuto akong ilugar ang sarili ko pagdating sayo- and I decided na magstay ako sa tabi mo noong wala siya. Dahil noong time na nawala siya- alam kong mas kailangan mo ng kaibigan at ayokong mayurakan ang iniingatan kung meron tayo. Kaya huwag kang maguilt or something dahil sinasabi ko ang mga salitang ito dahil matagal na yun and I've moved on. Honestly alam ko na noon palang na meron talaga siyang puwang sa puso mo- in denial ka lang kaya nung bumalik siya hindi ako nagalit dahil alam kong mas mararamdaman mo sakanya ang pagmamahal na higit pa sa inaakala mong kaya niyang ibigay. Fabian Montero is a good man, alam ko yun at nakikita ko yun. Iilan na lang ang mga lalaking ganyan- biruin mo he asked youre permission ofwhen we were college at hanggang ngayon pero ni kahit isa- he didnt hesitate to ask you again now, ganyan kalalim ang meron siya para sayo. Kaya nga sukong-suko ako, dahil ako mismo sa sarili ko. Hindi ko kaya ang ginawa niya." I smile at niyakap siya.
"Lasing na ata ako- but anyway congratulation. You deserve each other." I tap her back.
"Matulog kana!" Balik kong sambit sakanya.
"Pero seryoso- baka may job opening sainyo. Sabihin mo naman kay Fab- operan ako ng malaki." What the- kaagad siyang nakatanggap ng batok saakin dahil sa sinabi niya.
"Lasing ka na nga!"
"Sab! Baka meron ah- text mo ko..." sapilitan ko siyang pinahiga sa higaan at tinawanan.
Siraulo.
So my first love was not unrequited? He really like me back then. Ang galing din ni Matt magtago ng feelings, hindi ko man lang napansin.
VOTE, COMMENT
BINABASA MO ANG
His Cryptic Smile
RomanceSabrina Verzonilla is a college student, an average girl who had a simple dream at yun ang ay makatapos sa pagaaral at matulungan ang kanyang pamilya, everything is so simple about her but when she came across to this young man who's name is Fabian...