Twenty Seven
"May lakad ka?" Tanong saakin ng kagigising palang na si Oliver.
"Ou. Madami akong delivery ngayon." Sagot ko.
"Tulungan kita?" Alok niya saakin. Umiling iling kaagad ako.
"Huwag na! Magpahinga kana lang dito sa bahay. Sige una na ako." Kinuha ko ang susi ng aking motor sa aking kwarto at bumaba na sa Parking para makapagsimula ng magtrabaho.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagmamaneho ng makatanggap ako ng tawag sa pamilyar na number.
"Hello?!"
"Yes po Ma'am. May ipapadeliver po ba kayo?" Masigla kong bati sakanya.
"Meron po sana. Nga po pala ako po yung tumawag sainyo dati about sa Barong ngayon po magpapadeliver po sana ulit kami sainyo sa same boutique, idedeliver niyo nga lang po siya sa Office namin."
"S-Sige po. Pasend nalang po ako ng adress po ulit ng Office niyo at ng Boutique po ulit. Sa dami ko na po kasing nadeliveran, hindi ko na matandaan."
"Sige sige po. Sure po. Thank you, bukas niyo nalang po ipick up at ideliver." Tipid akong napangiti at ibinaba na ang tawag.
~*~
Pagod na pagod akong pinarada ang Motor sa baba ng paradahan ng apartment namin. Medyo lumalalim na rin ang gabi. Bigla akong nakaramdam ng kaba ng bigla kong nakita ang aking kapatid sa hagdan, punong puno rin ng pasa ang mukha niya.
Dali-dali ang aking hakbang papunta sakanya. "A-Anong nangyare?" Nagaalalang tanong ko sakanya.
Hindi siya nagsasalita... Halos mapaiyak na ako dahil sa nakikita kong itsura niya ngayon. Sinubukan kong ihakbang ang aking mga paa ngunit maagap niya lamang akong pinigilan.
"Huwag. Huwag kang aakyat." seryosong utas niya saakin.
"B-Bakit nga?"
Bigla na akong nanigas sa aking kinagagalawan ng bigla kong marinig ang malakas na pagsarado ng pinto at may naririnig akong nagmumura na mga tao ang papababa na ngayon sa hagdan. Nagkatinginginan kaming dalawa ni Oliver at tuluyan ng lumandas ang luha sa mga mata ko.
"Iniiwasan niya na ako ngayon?! Anong tingin niya saakin TANGA? Kahit saan siya magtago, mahahanap ko siya. Putanginang babaeng yun." Sabi ni Taba sa kasama niya.
Naikuyom ko ang aking dalawang kamay at nanlilisik ang matang pinanuod silang pababa ng hagdan. Kaagad umismid ang mukha ni Taba ng makita niya ako.
"Nandito na pala ang magaling mong kapatid..." sarkastikong sabi nito.
"Ilang beses ba kitang dapat pinapa-alalahanan ha? Ilang beses napudpod ang aking daliri para lang magreply ka! PERO HINDI MO NAGAWA. Gusto mo talaga palaging may nasasaktan..." Biglang nagtawanan ang mga kasama niya.
"Maganda naman pala ang Ate nitong lalaking ito. Mukhang fresh pa." sabi pa noong isa. Naghalakhakan ulit sila. Tumayo si Oliver at galit na galit na humarang sa harap ko.
"Huwag na huwag niyong maganyan ganyan ang Ate ko."
"Bakit? Anong gagawin mo? Bubugbugin mo kami..." Nagtawanan na naman sila. Hinawakan ko si Oliver sa kamay niya upang pakalmahin. "Yang suntok mo nga, hilaw na hilaw pa. Miski bata hindi masasaktan sa suntok mo." Tuluyan na silang nakababa at harap na harap na saaming ito.
"TAMA NA!" Pagputol ko ng mga pinaguusapan nila.
Mas lalong lumapit ang hakbang nila papalapit saakin.
"Malakas na loob mo ngayon para sumagot!" Nanginginig akong ikinuyom ang aking kamay.
"Babayaran ka naman. Maghintay ka." Sagot ko.
"Kailan pa? Kapag patay na kayo? Ang Tagal na Sabrina, kailangan ko ang bayad niyo..." Nangggalaiti na sa galit si Taba dahil sa kakasigaw saamin.
"Baka gusto niyong, ibenta ko yang laman ng bahay niyo at ang bahay niyo mismo para mabawasan yang utang mo!"u
"A-Anong ibig mong sabihin." Konakabahan na ako sa mga sinasabi niya.
"Yang bahay mo o apartment niyo, ibebenta ko yan kapag hindi mo pa ibinigay saakin ang bayad mo bukas."
"Hindi ka ba talaga marunong UMINTINDI, MAGBABAYAD NGA AKO!" Kaagad na may malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko na kinadahilan upang mapaupo ako sa sahig.
Napaismid ako at sinamaan siya ng tingin. "Iyan lang ba kaya mo?"
Bigla na namang nagtawanan ang mga kasama niya at nakita kong sinuntok ni Oliver si Taba dahilan para bugbugin ito ng mga kasama niya.
Pumantay saakin si Taba habang pinagmamasdan akong umiiyak sa harap niya, hinawakan niya ang aking baba at inis na inis itong iwinaksi.
"Sa susunod para hindi kayo nasasaktan. Matuto kayong sumunod sa kasunduan." Matapos niyang sabihin iyon ay tinawag na niya ang mga kasama niya at naglakad na papalayo sa amin.
Mas lalong nagunahan sa pagtulo ang luha sa mata ko ng makita ko si Oliver na punong puno ng sugat ang mukha at kamay habang tinutulungan akong tumayo.
Paano ba kami makakalaya sa kanila? Kailan ba titigil ang bawat sugat na nililikha nila? Kailan ba?
Pareho kami naka-alalay sa isat-isa habang papaakyat sa aming apartment at halos manlumo ako nang makita ko kung gaano ka gulo ito.
Kailan rin ba namin aayusin ang bawat kalat na ginagawa nila? Kailan?
~*~
Ramdam na ramdam ko ang hapdi ng aking mukha dahil sa sampal at sugat sa aking labi. Ngunit ininda ko iyon dahil saaming dalawa ang kapatid ko ang mas napuruhan, siya ang mas nasaktan. At alam kong sa oras na makita niyang ganito ako ay mas dodoble ang sakit na mararamdaman nun.Sandali akong napasandal sa pintuan ng aking kwarto at pinagmasdan ang kwarto kong dinaanan ng bagyo. Mariin akong napapikit at humihikbi ng mas lalong madurog ang puso ko nang tumunog ang aking cellphone at nakita ko ang pangalang "Fab"
Pinunasan ko muna ang aking luha bago ko ito sinagot.
"Uhm." Napalunok ako.
Rinig na rinig ko kaagad ang ingay sa paligid niya. "Alam mo ba, alam mo ba. Sab! Sab, alam mo ba?!" Lasing ang kanyang boses.
"Nakainum ka ba?" Tanong ko rito.
"K-Konti." Sagot niya.
"Anong kailangan mo?" Halos mahiwa ko ang aking dila dahil sa lumabas bigla saaking bibig.
Narinig ko ang paghalakhak niya sa kabilang linya. "Alam mo nung nakita kita, gustong gusto ko na namang itanong sayo na pwede na ba? Pwede na ba kitang ligawan? Papayag ka na ba? Pero- no! Mali. Yung mga iniisip ko alam kung masasaktan lang kita. Ano ba ang dapat kong gawin? Ano ba?"
"Lasing kana, matulog kana lang.."
"HINDI, Hindi ako lasing, when it come to you hindi ako tinatamaan ng alak. Sab, please. Sab. Payagan mo naman na ako,. Nagmamakaawa na ako sa harap mo. Lahat kaya kong ibigay, kaya kong ibigay sayo. Hayaan mo lang akong mahalin ka."
Namuo ang luha sa mata ko dahil sa sinasabi niya. Hindi ka parin talaga nagbabago, Fab.
"Fab, you cant force someone to love you, you cant force me to like or love you. Kusa kong mararamdaman yun. Hayaan mo ko"
"Pero Sab-! Please."
"Don't beg for love, Fab. Love is not that kind of thing."
"Sab naman-"
"Fab, unuwi kana. Lasing kana. Kung ano-ano na ang sinasabi mo. I'll hang-" natigil ako sa pagsasalita ng may marinig akong boses babae sa kabilang linya.
"Fab, what are you doing? My parents are looking for you. Sino ba yang kausap mo?" At ibinaba na niya.
Ang luhang namumuo sa mata ko ay tuluyang bumagsak.
Ano yun? Is he just trying if bibigay ako sa mga salita niya? What the hell, Fabian Montero.
Bigla ko na namang nakalimutan na may girlfriend kana pala.
VOTE, COMMENT
BINABASA MO ANG
His Cryptic Smile
RomanceSabrina Verzonilla is a college student, an average girl who had a simple dream at yun ang ay makatapos sa pagaaral at matulungan ang kanyang pamilya, everything is so simple about her but when she came across to this young man who's name is Fabian...