Thirty Six

319 11 0
                                    

Thirty Six

"Saan niyo siya dadalhin. FAB!!!" Walang tigil ako sa pagtakbo para lamang masundan ko sila. Biglang nawala ang takot saaking dibdib ang nasa isip ko na lamang ngayon ay siya.

Nakita ko sa replika ng saaakyan ang pagtali nila sa bibig nito at mas lalo akong napaiyak roon.

Biglang huminto ang sasakyan at walang alinlangan nila akong isinakay roon.

"Napaka-ingay mo!" Galit na sambit noong isang lalaki. Padabog nila akong ipinaupo roon at nang magtama ang mga mata namin ni Fab ay umiiyak ito.

"Bakit ka pa sumunod? Dapat hinayaan mo nalang ako." Bulyaw niya saakin.

"Papaano ko gagawin yun?" Pareho kaming umiiyak na dalawa habang tinatalian ang aming kamay. Sinimulan narin nilang lagyan ng takip ang aking bibig.

Kahit mahirap ay pareho naming sinakop ang kamay ng bawat isa. Sobrang takot na ang nararamdaman ng aking dibdib at ramdam kong ganuon din siya. Pareho kami nagkatinginan nang biglang magsalita ang katabi ko.

"Nakuha na po namin ang pinapakuha niyo. Dadalhin na po namin siya sa lugar na pinagusapan."

Biglang itong napakamot ng ulo "Kaso Sir- may isang problema. May naka-kita saakin kaya kinuha nadin namin yung babae." Malulutong na mura ang narinig namin sa telepono at matapos ng pag uusap na iyon ay pinatay na.

Masama akong tiningnan ng dalawang lalaki.

Punong-puno ng pawis ang mukha ko dahil sa kabang nadarama, namamawis na din ang kamay ko at sa tuwing nakikita ko si Fab ay mas lalong binabalot ng kaba ang puso ko.

Bigla kong naalala sila Mama at Papa na tiyak akong nag-aalala na at mas lalo akong naiiyak sa tuwing iisiping baka hindi na ako kailanman makakabalik pa.

Nagsimula na namang umusbong ang luha sa aking mga mata habang inilalabas nila kami sa sasakya'ng iyon. Isang napakalumang building ang pinagdalhan nila saaming dalawa.

Halos hindi ko narin maipaliwanag ang takot na ipinapakita ni Fab. Pabagsak nila kaming ibinagsak sa sahig. Halos mapuno na ng luha ang aking mga mata dahil sa mga hikbi.

Kahit hirap ay pareho kaming nagsumikap upang mahawakan ang kamay ng bawat isa. Magkatalikuran kaming dalawa nang at makaraan ng ilang minuto ay ngumisi nang kakaiba ang isang lalaki.

Tinanggal niya ang panyong nakalagay sa bibig ni Fab.

"Okay ka lang Sab?!" Kaagad niyang tanong saakin. Naiiyak akong tumango-tango at masama niyang tiningnan ang lalaki. Tinawanan lang siya nito at mahigpit na hinawakan ang pisngi.

"Anytime magkakaroon na kami ng pera dahil sayo. Masaya diba? Masayang maging mayaman nakukuha mo lahat. Pero mahirap din dahil mainit ka sa mga mata namin."

"Huwag niyo kaming sasaktan at makukuha niyo ang gusto niyo." Sigaw nito.

Mas lalong humalakhak yung lalaki at tiningnan ako.

"HUWAG NIYO SABI KAMING SASAKTAN! Huwag!"

Unti-unting nanginig ang buo kong katawan at mas lalong napahigpit sa hawak kay Fab.

"Relax- wala naman akong balak na patayin ka." Ika nito saakin at mapag-nasang hinawakan ang aking baba. Nanginginig kong ipinikit ang aking mata samantalang nagpupumiglas naman si Fab saaking likuran.

"You can double the price sa gusto niyong makuha. Just dont touch her."

"At talagang ang lakas ng loob mong sabihin saakin yan. Kung may gagawin kami sakanya kami na ang bahala doon." Nakangising pahayag noong lalaki.

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon