Thirty Nine
Katulad nang inaasahan ko, nagising ako na nasa tabi ko na siya, mahigpit ang hawak saaking kamay at tuluyan ng nakatulog. Kaagad na nag-unahan ang luha sa mga mata ko at nakikita ko na lamang ang sarili kong hinahaplos ang buhok niya.
I'm really sorry Fabian, because of me you didn't experience the love of your mother. Its because of me.
Pinunasan ko ang mga luhang wala nang balak tumigil, dahan-dahan ko ring kinuha ang aking kamay at nagdesisyong magpahangin. Iniwan ko siyang mahimbing na natutulog roon. Lumalalim na ang gabi at halos wala na akong makitang mga paseyente sa labas.
Naupo ako sa may upuan at tumingala upang mapag-masdan ang mga bituing walang humpay na nagkikinangan sa kalangitan, paraan ko rin ito upang mapigilan ang mga luhang nagbabadyang lumabas na naman sa aking mata.
Makaraan ang ilang minuto ay may naramdaman akong nagpatong ng jacket niya sa balikat ko.
"Nandito ka lang pala..." nakangiting sambit niya at tuluyan ng naupo sa tabi ko.
Pareho kaming tahimik na nakamasid sa palagid habang patuloy kong pinipigil ang aking emosyon. Kalaunan ay nagsimula ng bumuka ang bibig niya.
"Okay ka na ba? About what happen earlier-I'm sorry. I know at aminado akong wala ako sa lugar. I'm sorry." tipid ko lang siyang nginitian at tumango.
"S-Sab?" tawag niya ng pansin saakin. Tiningnan ko lang ito at hinintay ang sasabihin niya.
"Are you not really comfortable when you're with me. Mali na naman ba ang akala ko'ng nagiging 'okay na tayo'?" Napahawak ako sa aking kamay at kaagad na nag-iwas ng tingin at piniling manahimik.
"I just realize something about what happen today. You are really the woman who will be out of my league." mapakla siyang ngumiti sa harap ko.
Mariin akong napa-pikit sa sinabi niya at tuluyang napaluha
"I'm sorry Fab, I'm really really sorry." napatakip ako sa aking bibig at nagpipigil ng mga hikbi.
"For what? because you will never be mine?" bigla'ng nagtama ang mata namin at sa kauna-unahang pagkakataon ay may nakita akong luha sa mga mata niya.
This Guy really deserve to be love, he really deserve everything.
Tuluyang nag-unahan ang luha sa mga ko habang nakikita ko ang mga titig niyang alam kong 'ako lang ang gusto'.
Tinanggal ko lahat ng mga tanong na meron sa isip ko at walang alinlangan'g niyakap siya. Pinaramdam ko sakanya ang isang kaibigan nangulila sakanyang kaibigan at ngayon lang nagkita. I hug him really tight na para bang mababali ko ang buto niya sa sobrang higpit.
"Sorry, I'm really really sorry. You were alone all this time because of me. I am deeply sorry. Sorry." bulalas ko
"What do you mean?" unti-unti akong kumalas sakanya at tinitigan niya ako ng kakaiba.
"Don't tell me- you remember everything?" Napayuko at unti-unting tumango.
Nakita ko ang biglang pagsilay ng ngiti sa labi niya at mahigpit akong niyakap.
"Finally, finally. Thank God. I'm so happy." halos walang mapaglagyan ang saya niya habang niyayakap ako. Kaagad kumunot ang noo ko sa inaakto niya.
"Ang tagal kong hinintay ito- na maalala mo ko!" I dont know pero wala nang balak tumigil ang luha sa mga mata ko.
I am happy and at the same time nasasaktan- how can he smile like that in front of me? How can he?
Kumalas ako sa pagkakayakap niya saakin at mabilis na pinunasan ang luha sa aking mga mata. Mariin akong napapikit at tumayo na-
"Umuwi kana, may pasok ka pa bukas." kaagad napawi ang mga ngiti niya at nagtatakang tiningnan ako.
"Why? Hindi ka ba masayang maalala ako?" malungkot na saad niya, tumayo narin ito at dahan-dahang hinawakan ang aking pisngi at pinunasan ang luhang walang tigil sa pagtulo.
"Yes, how can I be happy kung kasama ng pagbalik ng pinagsamahan natin noon ay ang malagim na ala-alang kasama nito!" biglang huminto sa pag-galaw ang kamay niya at seryosong tiningnan ako.
"Is this the reason why you are pushing me earlier? Are you afraid na sa tuwing nakikita mo ako ay bumabalik ang malagim na nangyare saatin noon?" blangko ang kanyang emosyon habang nakatingin saakin.
"H-Hindi iyon ang ibig kong sabihin Fab!"
"Then what?! Iyon lang ang nakikita kong rason."
"Your Mom- because of me- because of me..." Hindi ko matuloy-tuloy ang aking sasabihin dahil sa sikip ng puso ko. Napaupo ako at sinubsob ang aking dalawang kamay sa aking mukha para hindi niya makita kung gaano ako na-gu-guilty sa mga nangyare.
"...because of me lumaki kang walang magulang, walang ina. Dahil saakin!" tuluyang nanginig ang katawan ko at halos basag na ang aking boses.
Pumantay siya saakin at niyakap ako. "My Mom didn't die because of you Sab, she died because of me- sa kagustuhan kong maligtas ka."
"No!"
"Sa ating dalawa ako dapat ang mas ma-guilty dahil nang dahil saakin- nakapasok ka sa isang dimension na hindi mo naman dapat maranasan. Nadamay ka lang Sab, its not your fault."
Iniharap niya ulit ako sakanya at dahan-dahang ngumiti sa harap ko, nakita ko din ang mga luha'ng unti-unting nagbabagsakan sa mga mata niya.
"I'm sorry if I didn't protect you that time, I'm sorry. If I left you there. I'm s-" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng unti-unti kong idinampi ang aking labi sakanya para patahanin siya sa sinasabi niya. No! Ikaw ang nawalan- hindi mo dapat sinisisi ang sarili mo. Hindi dapat Fab.
"It's good to see you again- Ian." sa huling pagkakataon ay unti-unting nawala ang bawat tanong na meron sa puso ko at ngumiti ako habang umiiyak.
Nagulat siya sa ginawa ko... "I'm sorry if I didn't recognize you earlier."saad ko he genuinely smile at mahigpit na niyakap ako
"It's okay as long as I recognize you first." sambit niya.
Naupo na kaming dalawa sa may upuan at medyo kumakalma narin ang puso ko. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang nasa tabi ko siya at sabay naming pinapanuod ang paligid. Napahinga ako ng malalim at tumayo- inilahad ko ang aking kamay sa harap niya at naghihintay na tanggapin niya.
"Lets go?" anang ko.
Walang alinlangan niyang tinanggap ito at tsaka bumulong. "Now for the hundred time- can I ask you again?"
Sabay na kaming humahakbang papasok ng Hospital.
"Na?"
"Papayagan mo na ba akong ligawan ka?" Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at kunot noong tiningnan siya.
"Hanggang dito ba naman Fab?!"
"I feel like this is the best time na tanungin kita ulit. Papayag ka na ba?"
Sandali akong napaisip sa sinabi niya. "Okay." tamad na sagot ko.
"Okay? as in Yes?"
I rolled my eyes. "Ou nga, ang kulit..." Para siyang batang nagtatalon-talon roon at wala akong magawa kung hindi mapangisi sa ginagawa niya.
Hindi ko alam kung bakit ako, bakit ako ang palagi mong pinipili sa lahat but for now gusto kong ikaw naman ang piliin ko.
We really have a deeper connection Fabian Montero.
VOTE, COMMENT
BINABASA MO ANG
His Cryptic Smile
RomanceSabrina Verzonilla is a college student, an average girl who had a simple dream at yun ang ay makatapos sa pagaaral at matulungan ang kanyang pamilya, everything is so simple about her but when she came across to this young man who's name is Fabian...