Fifty

512 18 0
                                    

Fifty

Sabrina Verzonilla POV

Napaunat-unat ako sa aking upuan- almost 9 na ng gabi and yet nandito parin ako sa opisina. Sinilip ko ang aking phone dahil baka nagtext siya or what pero wala- mukhang busy padin ito sa kanyang pagta-trabaho. Nagpatay na ako ng computer at nagdesisyon ng pumunta sa top floor para silipin siya at hindi nga ako nagkamali, narito pa nga ito.

Tamad kong isinandal ang aking katawan sa pinto habang hindi parin niya ako napapansin.

"Pssst!" tawag ko ng pansin niya pero parang wala parin itong naririnig.

"Psssssst" sa pagkakataong ito ay nakangiti na siyang nakatitig saakin.

"Kanina ka pa?" pagod na sambit niya.

"Uwi na tayo?" napapahikab na ako sa harap niya.

"Hindi ka pa kumakain diba? Kain na din tayo..." anyaya ko sakanya.

Its been 3 months since I become his girlfriend at siguro ang lamang namin sa ibang may relationshp ngayon is being comfortable to each other. Baka dahil narin siguro sa mga napag-daanan and beside we were childhood friend kaya hindi kami naiilang sa bawat isa.

And I discover something about myself when your in love, you become clingy with your boyfriend dahil iyan ang nangyayare saakin ngayon.

"P-Pero-" hindi ko na siya pinatapos.

"Tara na! May bukas pa naman- nagugutom na ako..." humakbang na ako papalapit sa table niya at isa-isang pinagsasarado ang mga papeles na nakakalat doon para hindi na siya makatanggi and guess what? This man grab my waist dahilan upang maupo ako sa Lap niya.

Kaagad akong napa-lunok sa posisyon naming dalawa. Biglang lumapad ang ngiti niya habang titig na titig saakin.

Sobrang kabog ng dibdib ko sa ginagawa niya. He also touch my hair at isinukbit ito saaking tenga.

"I can see that youre nervous Sab." pilyong ngiti niya. Bigla akong napangiwi at nagbabalak na bawian siya.

I grab his neck tie at pinalapit ito saakin. Bigla siyang nag-iwas ng tingin sa lapit ng mukha naming dalawa. "Who's nervous now Fab?"

He smile again at sa pagkakataong ito ay mahigpit na niyang hinawakan ang aking baywang at mas lalo akong inilapit sakanya and he smirk and after that dahan-dahan niyang inilapat ang kanyang labi saakin at tuluyang inangkin ito.

Nagpati-anod na ako sa sensasyong binibigay ng kanyang bawat halik and the next thing I know ay nagugustuhan ko na pala ito. After a second huminto na siya at hinalikan na lamang ako sa noo.

"Lets go- baka saan pa mauwi ito. I promise myself that I will preserve you until I got your I do." at tsaka kinindatan ako. Napangiti ako sa sinasabi niya. Pinanuod ko siyang kunin ang kanyang coat at gamit.

"Youre such a gentleman Mr. Montero ha!" ngumiti siya saakin kaya kinindatan ko na din siya.

Lumapit siya saakin at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming bumaba sa may Parking Area. Hinayaan kong paglaruan niya ang aking kamay habang pinapanuod kong lumilipat ang numero sa elevator.

"Sab?"

"Uhm." malambing kong tugon.

"Can I marry you now?" nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.

"Huwag ka ngang magbiro..."

"I just want you to move in with me, ayokong umuwi mag-isa." malungkot na sambit niya.

Tiningnan ko siya sa mata at mukhang seryoso siya sa sinasabi niya. "Hindi pa pwede."

"Why?"

"Basta hindi pa pwede"

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon