Forty Five

358 10 0
                                    

Forty Five

Kung saan-saan ako nakarating gamit ang motorcycle ko, naghanap ng sariwang hangin upang mawala itong flashback na nakikita ko sa isip ko. Panigurado akong nag-aalala na saakin ang kapatid ko. Inihinto ko ang sasakyan sa mataas na bahagi ng lugar na kung saan ay tanaw na tanaw ang kabuuan ng siyudad.

In-on ko ang aking phone upang makapag-text sa aking kapatid nang biglang mag-pop-up ang pangalan niya sa screen, I discard all his incomming call at tinawagan ang aking kapatid.

"Ate nasaan ka ba? Kanina ka pa hinahanap ni-"

Hindi ko na siya pintuloy pa sa pagsasalita. "Okay lang ako, magpapalamig lang ng ulo, Dont worry uuwi din ako" sambit ko at agaran ng pinatay ang tawag.  I off my phone again at ilang beses na nagpapakawala ng malalim na paghinga habang pinagmamasdan ang tanawin.

I stay there for almost a day, umalis lang ako sa lugar na iyon nang tuluyan ng magtakip silim. 

Gabi na rin ng makarating ako malapit sa lugar namin pero nagaalangan pa akong umuwi dahil paniguradong nanduon siya at naghihintay saakin. Sandali kong hinintay ang motor sa tabi at nag-isip kung uuwi pa ba ako- pero bigla kong nakita ang sarili kong tinatawagan sila Bea.

Nang sagutin nila ay kaagad na may gumuhit na ngiti sa aking labi. "Hoy! Nasaan ka ba? Bakit hindi ka pumasok?" bulyaw kaagad niya saakin.

"Sino kasama mo?" anang ko.

"Si Daisy lang- alam mo naman magkasama kami sa bahay..." pilyong sambit niya.

Kinapalan ko ang mukha kong magsalita. "Okay lang ba kung diyan muna ako ngayong gabi- ayokong umuwi."

"B-Bakit? Naka-abang ba sayo? Hoy! Ilang beses pumunta sa department natin yun kanina para lang hanapin ka, ayun ikaw na naman ang topic kanina at paniguradong bukas."

"Hayaan mo muna!"

"Nag-away ba kayo?"

Hindi ako nakapagsalita... " Sige na pumunta kana dito- basta yung kwento paki-handa." rinig kong biglang inagaw ni Daisy ang phone. "Ready na kami makinig at Girl totoo ngang nililigawan ka niya. Gosh! Pahingi naman akong Sir Montero" Natawa nalang ako sa sinabi niya at pinatay na ang tawag.

Hindi nagtagal ay nakatanggap na rin ako ng text nila at nakapaloob roon ang address ng bahay nila. 

Buti na lang at may nakilala na akong babaeng pwede kong mapag-kwentuhan ng problema ko. Malapit na ako sa bahay nila nang magdesisyon akong bumili ng makakin namin. After ko bumili ay nagdiretso na rin ako sa bahay nila. I pressed their door knob at nakangiting si Daisy kaagad ang bumungad saakin.

"She's here..." tinignan nila ako muna ulo hanggang paa.

"Naka-corporate ka? Pumasok ka ba?"

"Papasok sana pero nawalan ako ng gana..." tipid kong sagot.

Pinaupo nila ako sa dining area nila kaya ibinigay ko din ang dala kong pagkain. 

"Nag-abala ka pa talaga!" sambit ni Bea.

"Nakakahiya naman kung mag-s-stay ako dito ng wala man lang akong dala."

Hinain na ni Daisy ang dala ko at naglabas ng in-can na beer- napangiti ako sa ginawa nila. 

"Ayaw niyo pa ah- pero may naka-stock kayong beer diyan sa ref niyo" Pareho sila natawa sa sinabi ko. Inabutan ako ng maayos na damit ni Bea since magka-size lang naman kami.

"Suotin mo nalang muna yan- mukhang maghapon mong suot yan." sinunod ko ang gusto nila, nagbihis at naghilamos ako sa kanilang banyo at tsaka pinusod ang buhok. After ko magpalit ng damit ay naupo narin ako sa harap nila. 

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon