Twenty Eight
Hindi ko na alam kung papaano pa ako nakatulog ng gabing iyon, paggising ko kinaumagahan ay may nakita kaagad akong sobre na may lamang pera sa mesa.
"Gamitin mo muna ito, hindi ko pa naman kailangan ng pera." - Oliver
Napahinga ako ng malalim at sinilip ang kwarto ni Oliver, mukhang pumasok na ito. Maayos na rin ang buong kabahayan. Minadali ko lamang inayos ang mga idedeliver ko ngayong araw at nagtungo na rin sa banyo upang makapaghanda na.
Chineck ko din lahat ng mga ipi-pick-up ko ngayong umaga. Pagkaharap ko sa salamin ay malalim na buntong hininga kaagad ang pinakawalan ko. Kitang kita ang pasa sa pisngi ko, halata din ang sugat na nilikha ng pagsampal saakin ni Taba saaking labi. Mukhang kailangan ko na naman maglagay ng face mask saaking mukha.
Pagkatapos ko mag-ayos ay sinigurado ko na munang naka-lock ang pintuan ng bahay at tsaka tuluyang sinimulan ang araw.
Pasado alas diyes na ng umaga ng medyo marami-rami narin ang natatapos ko. Sunod sa listahan ko ang tumawag saakin kahapon, nagtungo ako sa same boutique na pinagkuhanan ko. Hindi na barong ang ibinigay nila saakin kung hindi tuxedo na. Ano na naman kaya ang gagawin nila dito? Si Fab na naman ba?
Inistart ko ang engine ng sasakyan at hinanap ang adress ng office nila. Sa malayo palang ay tanaw na tanaw ko na kaagad ang pangalang nakaukit dito ngunit parang ayoko ng ituloy ito.
I saw "MONTERO EMPIRE" sa tuktok ng bahagi nito. Hindi nga ako nagkamali, nagtatrabaho nga sila kay Fabian Montero.
Hindi ko naman siguro siya makikita ngayong araw na ito, at wala rin akong balak magpakita sakanya. Ibibigay ko lang sandali ang tuxedo'ng ito at aalis na ako.
Hindi ko maiwasang hindi magpalinga-linga habang papasok sa building nila. Pagkarating ko sa Information desk / Reception area ay ibinigay ko na kaagad ang tuxedo na bitbit ko.
"Sorry Ma'am, pero para kanino po pala ito?" tanong nung receptionist. Inayos ko ang face mask na naka-kabit sa mukha ko.
"Para po sana kay Ms. Jeka." sagot ko.
"Ah... Kayo po ba yung magde-deliver?" mabilis akong napatango sa sinabi niya.
"Sige Ma'am akyat na lang po kayo sa Top floor."
"Ha! Hindi ba iiwan ko nalang ito dito?" paniniguradong tanong ko.
"Hindi po. Ang sabi lang po niya ay paakyatin daw po ang magdedeliver nang damit ni Sir Montero." Mapakla akong napangisi sakanya at walang nagawa kung hindi sundin ang sinabi nito... Sinigurado kong mahigpit ang face mask saaking mukha dahil ayokong mapahiya, mas lalo na sakanya.
Pagkatunog ng Elevator ay napalunok na ako hudyat na ihahakbang ko na ang aking mga paa. Sobrang tahimik sa loob nito at aakalain mong walang tao sa loob nito. Kinuha ko sandali ang aking phone at tinext si Ms. Jeka.
'Hi Ms. Jeka, nandito na po ako sa labas" Naghintay lang ako sandali sa labas. Marami ring naglalabas pasok na mga empleyado at hindi nila maiwasang hindi tumingin saakin. Bukod kasi sa may face mask ako ay nakasumbrero pa ako habang may hawak na tuxedo.
Napasulyap ako sandali sa aking orasan. 10 minutes na akong naghihintay. I tried to text her again ngunit natigilan ako bigla ng may grupo na mga formal na tao ang dadaan ngayon sa harap ko. Bigla akong kinabahan at halos lahat sila ay napasulyap saakin.
Hindi nagtagal ay dumating narin si Ms. Jeka.
"Naku-sorry, sorry talaga. Ang daming utos ni Boss. Nakalimutan kong naghihintay ka nga pala sa labas. Pasensya na talaga."
BINABASA MO ANG
His Cryptic Smile
RomanceSabrina Verzonilla is a college student, an average girl who had a simple dream at yun ang ay makatapos sa pagaaral at matulungan ang kanyang pamilya, everything is so simple about her but when she came across to this young man who's name is Fabian...