Nineteen

385 16 0
                                    

Nineteen

For the last time, hawak ko ang aking cellphone habang nakatanaw sa bintana ng aming classroom. I call my best friend, Matt.

"Hindi ka pa papasok? Kanina ka pa namin hinihintay dito." sabi niya. Tipid lamang akong ngumiti at napaiyak.

"I drop out from school." tipid kong sagot. Bigla siyang nanahimik sa kabilang linya.

"K-Kailan pa?"

"One week ago, kinuha ko ang tuition ko for the whole year. Alam mo naman kung gaano na kami kahirap ngayon, we need money para kay Papa. I'm sorry kung hindi ko nasabi sayo."

"P-Pero sana sinabi mo saakin para nagawan ko ng paraan." malungkot akong umiling iling sakanya.

"Hindi na, malaki na ang naitulong mo saamin. Ayoko namang mas lalong magalit saakin ang magulang mo kung pati savings mo, ibibigay mo saakin..."

"P-Pero Sab-"

"Magiingat ka, huwag kang gaanong mag-gi-girlfriend habang hindi mo ako kasama. Magaral ka ng maayos. Kokontakin kita...." pigil na pigil ako sa aking boses dahil hindi ko na kayang pigilan ang bawat hikbi na nakakubli sa bibig ko.

"A-Aalis ka?"

"Kailangan naming gawin to Matt, pasensya kana kung sa cellphone lang ako makakapag-paalam ng maayos sayo. Pasensya na."

"S-Sab..." bago ko pa tuluyang marinig ang malulungkot niyang boses ay tuluyan ko na itong pinatay. Bigo akong naglakad palabas ng school at nagbabakasakaling makita man lang kahit sa huling pagkakataon si Fab ngunit wala na, hindi ko na siya nakita pa.

Bago ko tuluyang lisanin ang school ay sobrang bigat ng mga hakbang ko habang pinagmamasdan ang pangalan niya sa contact list ko. Nilakasan ko ang loob kong tawagan siya ngunit walang sumasagot-hindi niya sinasagot.

I tried to do voicemail para maiparating man lang sakanya ang pagpapasalamat ko.

"Fab, I'm really sorry about everything. Patawarin mo ako kung hindi kita nabigyan ng pagkakataong ligawan ako, patawarin mo ako kung sa una palang ay wala akong ginawa kung hindi ang husgahan ka dahil sa nakikita ko. Sorry to all the misunderstanding na nagagawa ko sayo. You are a great person, a warm person at sa tuwing kasama kita napapasaya mo ako. Pasensya kana kung dito ko na pinadaan ang message ko para sayo. Hindi ko kasi kayang humarap sayo ng ganito. Thank you for your patience para lang makasama ako, thank you. This might be the last message and goodbye that I will say to you. Take care always. Bye..."

Tulala akong naglalakad pabalik ng apartment, dahil naghihintay na saakin si Oliver. Nang medyo malapit na ako ay pinunasan ko na kaagad ang luha saaking mga mata.

Nailibing na namin ng maayos si Papa at ang nakuha naman sa abuloy ay iyon ang ipang-uumpisa namin ng panibagong buhay. Para lang makatakas sa mga kinauutangan ni Papa, wala kaming ibang choice kung hindi ang magpakalayo-layo upang hindi nila kami mahanap at masaktan.

Nakapagdesisyon din akong maghahanap ng trabaho para masuportahan ko sa pagaaral ang aking kapatid, mahirap man pero ito na ang pinakatamang solusyon para magpatuloy kaming dalawang magkapatid sa buhay.

Isinukbit ko sa aking likod ang backpack ko na punong puno ng aking gamit, dala rin ni Oliver ang maletang naglalaman ng ibang damit namin. Isa lang ng pupuntahan namin ngayon, yun ang ang bahay ng lolo at lola namin sa probinsya na matagal ng inabanduna.

Kahit labag na labag saamin ang gawin ito, wala kaming mgagawa. Malungkot kong hinawakan ang kamay ng aking kapatid at nagsimula na kaming maglakad papalayo roon.

~*~

Matt POV

Nagsisimula ng magklase ngunit lumilipad ang isip ko. Hawak ko parin ang aking cellphone. Ano na bang pumapasok sa isip niya? Bakit kailangan niyang nag-drop out. Hindi ko na kaya!

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon