Seventeen

406 10 0
                                    


Seventeen

Sabrina Verzonilla POV

Pagod na pagod kong hinihilot ang aking binti ng makaupo ako sa labas ng cofee shop. Tinali ko rin ang aking buhok dahil sa init. Past 12nn na at kailangan ko ng pumunta ng school for attendance at after nun ay uuwi na ako para makapagpahinga.

Wala na akong balak na magstay pa sa school since puro mga activities lang naman ang naruon.

Kanina parin tunog ng tunog ang phone ko at walang ibang laman ito kung hindi si Matt.

Matapos kong magpahinga ay nagsimula na akong maglakad. Kinuha ko din ang headset saaking bag at isinalampak ito saaking tenga.

Pagkarating ko sa school ay nagtungo kaagad ako sa aming classroom, unang sumalubong saakin si Matt na may pagkairita sa mukha.

"Kanina pa kita tinatawagan, bakit ba hindi mo sinasagot ang tawag ko." Bulyaw niya ng makita niya ako.

"Busy me sa trabaho, di rin kita natext dahil wala akong load."

"Kanina pa tumatawag ang nga magulang mo. Dadalawin ka daw ng Mama at Papa mo."

Kaagad nanlaki ang mata ko "Ako?"

"Ou, hindi mo rin daw sinasagot ang tawag nila kaya saakin na sila nagpasuyo."

"O sige-sige." Iniwan ko na si Matt doon at nagtungo kaagad sa attendance. Sinulat ko lang sandali ang pangalan ko at nagmadali na akong umalis.

Dire-diretso ang takbo ko palabas ng school, hindi ko narin nakita pa si Fabian. Mabuti na lang at medyo malapit lang ang school sa apartment kaya ilang minuto pa lamang ay nasa bahay na ako. Agaran kong nilinis ang buong kabahayan para kahit papaano ay matuwa naman sila Papa saakin.

Pagkatapos ng halos trenta minuto kong paglilinis ay sandali akong napahiga sa kama at nagpahinga. Ilang beses din akong napapasulyap sa orasan. Ang tagal naman ng mga yun?

Inihanda ko narin ang sarili ko sa pangaral na makukuha ko kila Mama at Papa pero isang oras na ang nakakalipas-wala parin sila.

Natraffic lang ba yun? Pero kanina pa yun bumyahe, dapat nandito na sila ngayon.

Bigla na akong nakaramdam ng kaba- tinawagan ko na rin ang kapatid ko pero ang sabi niya lang kanina pa sila umalis. Lumabas ako ng kwarto at magbabakasakaling abangan sila sa labas ng apartment ngunit mas lalong kumabog ng sobra ang dibdib ko ng biglang nahulog at nabasag ang picture frame naming buong pamilya.

Biglang pumasok sa isip ko ang mga pamahiin. I tried to call my Mom pero walang sumasagot. Hindi ko na maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko, tinawagan ko na rin si Matt dahil baka tumawag ulit sakanya pero wala rin.

Nasaan na ba yun? Hindi na ako mapalagay.

Almost 2 hour na akong naghihintay pero wala padin.

Lingon doon at lingon dito na ang ginawa ko ng makahinga ako ng maluwag ng makita kong tuluyan ng tumunog ang phone ko at pangalan ni Mama ang lumitaw sa screen.

"Ma! Asan na kayo, kanina pa ako naghi-"

"H-Hello, Im calling from Asian Hospital, anak po ba ito ng pasyente? Nasangkot po kasi sa aksidente ang mga magulang niyo po. Ka-" Tuloy tuloy na nagbagsakan ang luha sa mga mata ko habang patuloy kong naririnig ang boses ng nagsasalita sa kabilang linya.

Nanghina ang tuhod ko at hindi makatayo ng maayos. Halo-halong emosyon ang meron ang dibdib ko at alam kong anumang oras bibigay na ako...

Ilang minuto akong natulala, natulala sa mga nangyayare. Ilang minutong walang humpay ang pagtulo ng luha sa mga mata ko habang blangko ang isip kong nagiisip kila Mama.

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon