Ten
Nagising ako sa malakas na tunog ng aking Phone. ALarm Clock. 2am! Kailangan ko pa palang mag-aral at magreview.Nagsimula akong maghilamos at magayos para sa madaling araw kong pagrereview, inihanda ko ang higlighter at Pen habang mabilis na gumagalaw ang oras.
Pagsapit ng alas otso ay nag-ayos narin ako para sa pagpasok. Dala dala at hawak ko ang reviewer at note papasok at walang alinlangan nirereview ito. Aside from the fact na ang hirap paaralin ang sarili, mahirap din magsunog baga para lang makapasa at makatapos. Kaya siguro napakaraming nagsasaya sa tuwing tapos na ang madugong exam ngunit ang mas mahirap para saakin ay ang mga tingin ng mga ka-schoolmate ko.
Ano na naman ba yun? May ginawa na naman ba ako?
Kaagad kong naramdaman ang pag-akbay saakin ni Matt habang may hawak rin na reviewer.
"Omo. Sino ka?" nakakalokong sabi ko habang nakatingin sa reviewer na hawak niya.
"Seryoso nagaral ka?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yeah. Ako pa ba? Mahirap ng walang maisagot sa mga tanong."
Sabay na kaming naglakad papasok ng mapansin niya din ang napapansin ko.
"Anong meron sa mga tao ngayon, bakit parang tayo tinitingnan?" nagtatakang sambit niya.
"Malay ko, huwag mo nalang masyadong pansinin. Mas mag-focus ka sa nirereview natin."
Pagkapasok namin sa loob ng klase ay halos hindi makausap ang lahat dahil sa pagrere-view. Umupo kami ni Matt sa mga assign seat naming dalawa at tsala nagbasa-basa ulit. Hindi ko napansing sa harap ko pala nakaupo si Fab, ngumiti lamang ako sa harap niya at tsaka pinusod ang aking buhok upang mas makapag-focus. Hindi nagtagal ay dumating na nga ang aming ptpfessor, itinabi ang mga reviewer at inihanda ang sarili sa pagsusulit.
Nagsenyasan din kami ni ni Matt ng goodluck at tsaka binasa at sinagutan ang test papers.
~*~
Natapos ang madugong pagsusulit ng halos trenta minutos lamang, siguro dahil lang sa nag-aral kami kaya madali lang para saamin ang mga katanungan.
May isang oras pa kami bago ang susunod na subject kaya umakyat muna kami ni Matt sa library. Hawak niya ang bag ko at nirerefresh ko naman siya para sa mga kailangang tanung. Nagsasalitan kami ng tanong na dalawa hanggang sa pareho kami natigilan ng may babaeng lumapit saamin at nakipag-usap kay Matt. Napailing iling na lamang ako at nauna ng pumasok sa loob. Halos wala na akong maupuan dahil sa dami ng tao-nanlaki na lamang ang mata ko ng biglang may kumakaway saakin roon at itinuturo ang vacant seat na nasa tabi niya.
Napalunok ako at hindi ko alam ang aking gagawin, lalapitan ko ba siya? Si Matt? Nasaan na naman ba yun? HAIST!
Humakbang ako papalapit sa kung nasaan siya at nahihiyang naupo, bahala na. Kaysa naman sa hindi ako makapag-aral.
Biglang lumapad ang kanyang ngiti at nahuli ko rin ang mga kaharap naming babae na nakatingin sakanya. Nagkikislapan ang mga mata nila.
"Gusto mo palit tayo ng reviewer?" alok niya saakin.
Kaysa sa tanggihan ay napapayag niya ako. 10th time ko na ata nababasa yung akin baka nga naman mas better ang ginawa niya.
Pareho kaming tahimik na binabasa ang gawa ng bawat isa at mas madaling intindihin ang kanya. Well organize ang mga notes niya, naka-emphasize din doon ang mga word para mas madaling matandaan.
Sinilip ko siya at na-curious sa reaction niya sa gawa ko ngunit isang seryosong si Fabian lang ang nakita ko. Hindi ko rin maiwasang mamangha sakanya, kahit pag-side view niya at paglipat ng pahina ay hindi naman talaga makatarungan. Ang gwapo niya, hindi ko rin masisi ang mga babae ngayon sa harap namin kung bumagsak itong mga ito sa exam. Hindi na ata sila nakapag-focus sa pagrereview dahil nakatitig lang sila sa nilalang na nasa tabi ko.
BINABASA MO ANG
His Cryptic Smile
Любовные романыSabrina Verzonilla is a college student, an average girl who had a simple dream at yun ang ay makatapos sa pagaaral at matulungan ang kanyang pamilya, everything is so simple about her but when she came across to this young man who's name is Fabian...