Twenty Four

360 8 0
                                    

Twenty Four

Weekend at planado ko ng magising ng tanghali. Nagising ako sa malalakas na katok ni Oliver sa pinto.

"Uhm. Inaantok pa ako..." tamad kong saad sakanya at hinila ang kumot.

"Kakain na, tanghali na wala ka pang kain..." bulyaw niya saakin. Hindi ko siya pinansin kaya sapilitan na niya akong hinila sa aking higaan at pwersahang itinayo.

"Ou na, ito na." Gulong gulo pa ang aking buhok ng magtungo ako sa hapagkainan. Naupo ako at kaharap siya.

"May lakad ka ngayon?" Tanong niya.

"W-Wala papahinga ako maghapon. Ngayon lang ako makakawala sa init ng araw. Mabuti na lang at wala akong delivery ngayon." Sagot ko sakanya.

"S-Sige."

"Ikaw?" Balik kong tanong sakanya.

"Uhm, mamaya pa gabi." Sagot nito.

"Bakit anong meron mamayang gabi?"

"Basta! Kumain kana nga lng diyan..." aniya at sinubuan na kaagad ako ng pagkain.

Hinayaan ko lang na maglinis ng bahay si Oliver habang nakatutok naman ako sa panunuod ng TV. Naghanap ako ng magandang palabas ng matigilan ako dahil nakuha ni Fabian ang atensyon ko. Pamilyar saakin ang ayos ng background sa likod niya.

Ito ata yung lugar kung saan ako ang nagdeliver nang barong niya. Ang ayos-ayos ng ayos niya sa camera, kita ko din ang nagkikislapan niyang mga mata.

"So how's business Mr. Montero?" Inismiran ko yung babaeng nagi-interview. Siya yung natapunan ko ng kape at nagsungit saakin.

"Uhm, doing fine I guess. Stable naman ang company as of now." Mahinahong sabi niya.

"How do you overcome all the hardship sa murang edad, you lost your mother in early age and you also lost your father in an accident. Paano mo nakayanan lahat?" Biglang napawi ang ngiti niya at sandaling napayuko.

"Ano yang pinapanuod mo?" Nakuha ni Oliver ang atensyon ko at naupo sa tabi ko.

"W-Wala! Interview lang..." tugon ko.

Natutok ulit sa TV ang aking mata at nag-abang ng isasagot niya.

"Uhm. I overcome it by the thought of I need to live for the company and for the sake of the people na naniniwala at naghihintay saakin." Napangiti ako at nahuli ni Oliver iyon, siniko niya ako.

"Anong meron?" Anang niya.

"Wala! Masama palang ngumiti?"

Ibinaling niya ang tingin niya sa TV at ibinalik ulit saakin. "I mean, walang namang dapat ikatawa pero ngumiti ka. Kilala mo ba yang lalaking yan?" Kaagad akong napailing-iling sa tanong niya at itinutok ulit ang atensyon sa TV.

"As one of the bachelor of this generation, balita namin you are planning to take over the Lei's Corp." kumunot noo ako sa tanong nung nag-i-interbyu. Napansin ko rin na hinawakan niyang pareho ang dalawang kamay niya at tumutok sa camera.

"What do you mean take over?"

Ngumiti ang interviewer at seryosong tumingin sakanya. "I mean getting married? Marami kaming source na dini-date mo raw ang unica ija ng Lei's corp." hindi ko alam kung paano magre-react pero nakita ko sa mga mata niya ang pag-ngiti dahil sa tanong nito.

"Mga mayayaman nga naman, once na magbe-benefit sa negosyo nila. Papakasalan kaagad! Tsk..." litanya nitong katabi ko.

"Actually-" hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Fab dahil pinatay nitong kapatid ko ang TV.

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon