Twenty Nine
Tulala ako habang panay ang haplos ko sa aking labi ni hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami ng opisina niya. Wala akong salitang tinanggal ang seatbelt na nakakabit saaking katawan at iritableng lumabas roon habang hindi na pinapansin ang nakangiting si Fabian.
Dire-diretso ang lakad ko patungo saaking Motor at mabilis itong pinaharurot. Balisa ang aking isip habang unti-unting nauubos ang delivery ko ngayong hapon. Pagkarating ko sa tapat ng Apartment ay nagpakawala na lamang ako ng malalim ng paghinga. Hanggat maaari ay inilalayo ko ang aking sarili sa nangyare kanina. Ayoko munang isipin siya dahil bukod sa kahiya-hiya kong nararamdaman ay hindi ko rin alam kung paano ko siya haharapin.
Tamad kong ibinagsak ang aking katawan sa sofa at in-on ang TV, hindi ko rin pinansin ang walang tigil na pagtunog ng aking phone dahil paniguradong ang supplier ko lang naman ang nangungulit saakin.
"Kanina ka pa?" tanong saakin ng kararating ko lang na kapatid.
"Ngayon lang, kumain kana?" tamad kong sagot at tanong.
"Ou." at pumasok na ito sa kanyang kwarto.
"Nga pala tumawag saakin si Matt kanina, hindi ka daw niya makontak kanina pa." sigaw niya habang nasa loob ito ng kanyang kwarto.
"Bakit na naman daw?"
"Malay ko." Itinutok ko nalang ulit ang aking sarili sa panunuod at sandaling umidlip.
~*~
Nagising ako sa malalakas na katok saaming pintuan, kunot noo ko ring tiningnan ang kapatid kong mukhang kagigising lang rin.
"Sino yun?" anang ko sakanya.
Nagkibit balikat lamang ito saakin at binuksan na ang pinto ngunit pareho kami natigilan ni Oliver ng makita namin kung sino ito.
Nagkatinginan kaming dalawa at hindi nakagalaw. Nakita naming nakaluhod sa harap namin sila Taba habang puno ng pasa ang mukha nila. May iniabot din silang papel saamin at nang ipinakita ito ni Oliver saakin ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Totoo nga ang sinabi saakin ni Fab kanina.
He is the one who settle it sa paraang alam niya.
"S-S-Sorry." nauutal na sambit ni Taba habang hindi magawang tumingin saakin. "Magmula ngayon, wala ng mang-gugulo sainyo" at tuluyan na silang nagsitakbuhan sa harap namin. Naiwan kaming naguguluhan ni Oliver. Dali-dali kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan siya.
"Sab." malambing na tawag niya ng pangalan ko.
"Nasaan ka?" madiin kong tanong
"Outside of your house." Natigilan ako sa pagsasalita at idinungaw siya sa kwarto ni Oliver. Naruon nga ito sa baba.
Mabilis kong pinatay ang tawag at lumabas ng bahay. Narinig ko pa ang mga sigaw saakin ni Oliver bago tuluyang iluwa ng pintuan ng bahay namin. Nakasalubong ang kilay kong binabagtas ang hagdan patungo sa kung nasaan siya.
"Ano sa tingin mo Fab ang ginagawa mo?"
"I already told you, I will settle everything." Lumapit pa siya lalo saakin. "Did they said sorry? Tama na ba yung pasa sa mukha nila?"
"Hindi ko sinabing gawin mo lahat yun!"
"Did you really think na palalagpasin ko yung mga yun? Matapos nilang gawin sa mukha mo yan. Matapos ka nilang saktan. Alam mo ba kung gaano ako nagtimpi nang makita ko ang mga pagmumukha ng hayop na yun? Kung hindi ka lang magagalit baka pinatay ko na ang mga iyon." Kitang kita ko na naman ang galit sa mga mata niya.
"Babayaran ko lahat." tanging naging bigkas ko sa harap niya at tumalikod.
"I'm not asking you to pay me back" Nagtama ulit ang tingin naming dalawa.
BINABASA MO ANG
His Cryptic Smile
RomanceSabrina Verzonilla is a college student, an average girl who had a simple dream at yun ang ay makatapos sa pagaaral at matulungan ang kanyang pamilya, everything is so simple about her but when she came across to this young man who's name is Fabian...