Thirty Three

339 10 0
                                    

Thirty Three

Hawak ko ang mga papeles sa aking kamay habang isa-isang inaabot ang aking nagawang reports kila Sir. Nakaka-dalawang lingo na ako rito sa kompanyang ito at kahit pa-paano ay nagiging maalam na ako sa task na ini-atang saakin.

Medyo wala pa namang nakaka-alam sa tunay na meron kami ni Fabian, hindi ko rin ito gaanong nakikita dahil palaging nasa ibang bansa para sa mga dine-deal niyang project.

"Good job" sambit ni Sir Raymond nang maanalisa niya ang gawa kong report. Sandali lamang akong napangiti at bumalik na saaking upuan. Nag thumbs up din saakin sila Sir Carlo, Bea at Daisy.

Pagsapit nang lunch ay nagsitayuan na kami upang maka-kain. Nakasunod ako kila Sir Carlos kasama si Bea at Daisy nang biglang maningkit ang aking mga mata ng makita ko si Jeka ang assistant ni Fabian sa elevator na nakikipagusap sa kasama niya, hindi niya pa ako napansin at nahihiya rin akong mag-hi kaya minabuti ko na lamang ang manahimik sa isang tabi.

"So si Sir Montero is out of the country?" Tanong nung kausap niya.

"Ou. Kaso stress padin- ang dami niyang hinihingi'ng report saamin. Maya-maya ang update ko sa mga schedule niya, kulang nalang sumama ako sakanya sa ibang bansa." Iritableng sambit ni Jeka.

Napansin kong biglang natawa sila Bea sa narinig sa likuran.

"But atleast kilala ka nang Big Boss natin. Napaka-gwapo pa naman nun."

"Yeah, gwapo nga- napaka-misteryoso naman. Minsan nga kapag may hindi siya nagustuhan, iyon bang feeling mo papatayin ka niya sa tingin palang. Jusko! Maalala ko lng yung mga tingin niyang yun nangingilabot na ako..." mapakla akong napangisi sa sinabi nito na ipinagtataka nila Sir Carlo.

"Bakit?" Bulong ni Sir saakin.

"Po?"

"I mean nag-iba kasi ang emosyon ng mukha mo."

"Ahh wala Sir. May naalala lang ako." At tuluyan na ngang nagbukas ang elevator at iniluwa na kami nito sa cafeteria.

Pare-pareho kaming nagsipag kuha nang tray upang makapili ng pagkain. Sabay-sabay kaming nagsi-upuan sa may bakanteng upuan at sinunggaban ang pagkain.

"Narinig niyo yung sinabi ni Ma'am Jeka?" Basag ni Daisy ng katahimikan namin.

"Yep. Bakit?"

"Naalala ko lang bigla yung rumour about our Boss. Yung nangyare nung bata pa siya, alam naman natin na ulila na si Sir Montero dahil sa sinapit ng mga magulang niya."

Nakinig lang ako at hindi nagsalita, ayokong ipakita at sabihin sakanilang may alam ako nang kaunti sa buhay niya. Pero nagsalubong ang kilay ko ng sinabi niya yung nangyare nung bata pa siya, doon niya nakuha ang atensyon ko.

"Did you know na victim si Sir Fabian Montero nang kidnapping noong bata pa siya?" Pare-pareho kaming nagulat sa sinabi nito.

"Hindi nga?! Saan mo naman nakuha yan? Huwag mo nga kaming pinaglolo-loko." Sabat naman ni Sir Carlo.

"Totoo nga-  naging usap-usapan yun nung namatay yung Daddy niya. May nakarinig ata na isang staff na "victim nga ito ng Kidnapping". Tapos kaya din daw ganyan minsan ang pinapakita ng mga mata niya ay sinusuri niya muna ang tao, hirap din daw itong magtiwala. Alam niyo naman, mag-isa nalang sa buhay." Malungkot na saad nito.

Pare-pareho kami napaisip sa mga sinabi niya. Hindi ko malaman kung ano na naman ba itong nararamdaman ko. Parang gusto kong maiyak dahil sa sinapit niya na kahit hindi naman talaga ako sigurado kung totoo.

"Okay ka lang?" Tanong saakin ni Bea. Tipid lang akong ngumiti sakanya.

"Sigurado ka? Kanina ka pa kasi tulala, simula ng matapos tayong kumain parang ang lalim na nang iniisip mo. Okay ka lang talaga?!"

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon