Twenty Five

355 10 0
                                    

Twenty Five

"Do you know them?" Tanong noong babae kay Fabian, nagiwas na ako ng tingin at akmang hihilain na si Oliver ng maagap akong hawakan nung malaking Ma-ma.

"At saan ka pupunta? Matapos mo kaming insultuhin sa harap ng maraming tao? Aalis ka kaagad?!" Nag-init ang ulo ko at hinarap siya ulit.

"Excuse me? Ako pinahiya ka? Sa pagkakatanda ko- kayo itong naghahanap ng eskandalo dito! I am just protecting what's mine at simpleng salita lang- hindi niyo kayang tanggapin?"

Biglang nanlaki ang mata ko ng makita ko itong galit na galit ang tingin saakin at akmang sasampalin na ako ng biglang humarang si Fabian at mariing pinigilan ang kamay nito.

"At sino kana naman?" Bigla ng humakbang papalapit saamin ang dalawa pang naglalakihang mga kasama nito. Kinalabit ako ni Matt at may sinesenyas, maging si Oliver ay nakuha na rin ang plano ngunit hindi ko na lang alam ngayon ay kung papaano ko sasabihin kay Fabian ang plano. Makakatakas pa ba kami rito?

Nagsimula na akong kabahan dahil papalapit na ng papalapit ang mga kasama nito. I secretly counting on my finger at nagkatinginan kami ni Matt tsaka bumwelo na ng takbo. Maagap kong hinila ang kamay ni Fabian na nagtataka sa ginagawa namin....

"Dalian niyo!!!'" Sigaw kaagad ni Matt habang hawak hawak niya si Oliver.

Halos madapa-dapa ako kakatakbo para lamang makawala doon. Si Fabian naman na walang alam ay walang nagawa kung hindi ang makiayon lamang sa plano namin. Tiningnan ko ang likod ko at shit- hinahabol padin nila kami...

Naghiwalay kami ng landas ni Matt para kahit papaano ay malaki ang pag-asa naming makatakas.

Makaraan ng ilang minutong pagtakbo ay naramdaman ko na ang pagod saaking mga paa kaya huminto na ako at ang lalaking kasama ko ay hanggang ngayon ay wala paring imik. Nagtago kami sa madilim na bahagi ng park, sa huling pagkakataon ay sinilip ko ulit ang paligid at mukhang nakatakas na kami ng tuluyan.

Doon ko lang din napansin na magkahawak parin pala ang kamay naming dalawa.

"S-Sorry..." kaagad akong nagiwas ng tingin at binitawan siya ngunit nasilayan ko lamang ang mga ngiti niya.

"Bakit pala tayo nagtatago at tumakbo?" Clueless na tanong niya saakin.

"Hindi mo ba nakita ang mga katawan ng mga yun? Ayokong masaktan! May trabaho pa ako bukas..." pagpapalusot ko.

"Kanina pa kayo doon?"

"Hindi, kararating lang namin..." sagot ko kaagad. Hinila ko na siya paalis sa madilim na bahaging iyon at lumabas na ng tuluyan.

Nanatili akong tahimik hanggang sa pareho na kami nakaupo sa may swing na pambata. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, ang gusto ko na lang ngayon ay ang dumating sila Matt at iligtas ako sa awkwardness na nararamdaman ko ngayon.

"I-Ikaw? K-Kanina ka pa doon?" Balik kong tanong sakanya.

"Hindi, pinuntahan ko lang si Lei." Ah Lei, biglang pumasok sa isip ko ang interbyung nangyare kanina. Is she his girlfriend? Gusto ko mang itanong pero nag-alangan ako. Nanatili na lang akong tahimik.

"Pasensya ka nga pala kung nadamay ka pa dito, hindi ko naman kasi ine-expect na susulpot ka. Pati tuloy ikaw nalagay sa alanganin..." paghingi ko ng pasensya saknya.

Napansin ko ang biglaan niyang pagngiti habang titig na titig saakin.

"Okay lang, ang tagal ko naring hindi naranasan ang ganitong pakiramdam. Dont worry." Tipid na lamang akong napangiti sa sinabi niya at natahimik. Hindi ko alam kung ano na ang sasabihin ko sakanya. Gusto ko na lang mangyare ngayon ay sana dumating na sila Oliver.

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon