Fifteen

391 12 0
                                    

Fifteen

"Go! CBA, Go! Matt!" Hindi ko maiwasang hindi mapasigaw dahil dikitan ang labanan ng college namin at Criminology.

"Go! CBA!" Sigaw ng mga taong nasa paligid namin. Napaupo ulit ako dahil pakiramdam ko ang sakit sakit na ng lalamunan ko kakasigaw.

Inabutan ako ng maiinom ni Fab na nasa tabi ko.

"Relax lang kasi, hindi pa naman finals."

"Kapag hindi kasi tayo nanalo ngayon, hindi na tayo ang lalaban sa finals."sagot ko naman.

"Mananalo tayo, maglalaro pa ako. Gusto ko rin marinig ang cheers mo saakin." Bulong niyang nakakaloko. Halos mabilaukan ako sa iniinom kong tubig.

3 days narin simula nung parade at medyo nakakaya na niya ring igalaw ang kamay niya. Tinanggal na din ng nurse ang benda sa kamay niya at she advise na pwede na ulit siya maglaro sa Friday.

Napaiwas ako ng tingin at tumingin ulit sa pawis na pawis na naglalarong si Matt.

Tuloy tuloy padin ang cheers ng bawat colleges pero nanahimik na ako. Pinili ko na lamang manuod sa isang tabi habang ramdam na rmdam ko ang bawat lagkit ng titig saakin nitong katabi ko sa tuwing halos mapaos ako kakasigaw sa pangalang Matt.

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang papalabas kami ni Fab ng Gym, sa wakas panalo kami. Nakapamulsa siyang nakasunod saakin at nang magtama ang mga tingin namin ay agad niya akong niyayang kumain ngunit kasabay din nun ay ang naramdaman kong kamay na umakbay saakin.

Pagtingin ko kung sino ito ay agad na may ngiting gumuhit na ngiti sa labi ko. Agad siyang nakatanggap ng batok saakin.

"Yah! Dapat ikaw yung huling nagshoot ng bola. Ang hina mo..." pangaasar ko kay Matt.

"Kasalanan ko? Hindi nga pinasa saakin ang bola."

"Kahit na, tsk. Tsk." Habang lumalalim ang asaran namin ni Matt ay tsaka ko nakalimutang kasama nga pala namin si Fab.

Nawala na siya sa isip ko. Paglingon ko sa likod namin ay wala na ito.

"Si Fab ba hinahanap mo?" Tanong ni Matt saakin.

Tumango ako. "Kanina pa umalis, busy ka kasi sa pakikipagdaldalan mo kaya hindi mo napansin." Iginaya narin ako ni Matt paalis sa gym at sa huling pagkakataon ay sumulyap ulit ako sa kung nasaan siya at nagbabakasakaling makita ito pero wala, hindi ko siya nakita.

"Diba okay na ang kamay ni Fab?" Tumango ako.

"Makakapaglaro na ba siya sa Finals?" Anang niya ulit.

"Malay ko. Pero ang alam ko okay na siya bukas."

"S-Sige." Dire-diretso ang pasok ni Matt sa banyo ng mga lalaki, samantalang naiwan naman ako sa labas nito. Hinintay ko lang siya sa labas at pinapanuod ang mga estudyanteng dumadaan sa harap ko.

"Attend ka mamaya? Rinig ko pang paguusap ng tao sa paligid.

"Sa?"

"Mamaya na yung mga activities ng bawat club. Excited ako sa kissing booth nila." Palihim akong napangiti dahil sa narinig ko. Kissing booth? Anu yun high school? Baka may marriage booth din ah.

"Sino daw ba yung hahalikan? Kung si Fab at Matt yan ng First year papayag pa ako. Pero kung iba-dibale na lang." Si Fab at Matt talaga?

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon