Forty Nine

417 20 0
                                    

Forty Nine

Fabian Montero POV

Sabay kaming kumaing dalawa at kapansin pasin ang mga titig nilang kakaiba sa kanya. Nang magtapo ang mga mata namin ay inilihis ko ang mga iniisip ko.

Habang ngumunguya ay pinagmasdan ko siya, akala ko ba ayaw niya'ng malaman ng mga tao dito ang meron saamin? Then why is she acting na para okay lang sakanya.

Pasimple kong tiningnan ang mga empleyado at lahat sila ay nagbubulungan at masama ang tingin kay Sab.

Sa sobrang inis ay hinawakan ko ang kamay niya at sapilitang unalis sa lugar na iyon, dinala ko siya sa mamahaling restaurant at doon kami matiwasay na kumain at nagkwentuhan.

"Since you're my girlfriend now..." kaagad namula ang pisngi niya dahil sa sinabi ko. "Every lunch is our time in the office, hindi kita hahayaang kumain sa cafeteria at pag-piyestahan ng nga mapang-husgang tao."

"Hindi okay lang naman ako!"

"No."

Natahimik na siya at kumain na lamang- hindi ko pinahalatang natutuwa ako dahil sa kasama kita ngayon, itinago ko ang aking emosyon dahil ngayon palang ay gusto ko ng angkinin ang labi mo.

Pasimple kitang sinusulyapan at hindi ko mai-alis ang tingin ko sa iyong mukha lalong lalo na sa labi mo. Ano ba tong naiisip ko!

Nang maghiwalay tayo ng landas ay hindi mawala-wala ang ngiti saaking labi habang pa-pa-akyat ng elevator. Finally- sa daming taon na hinintay ko, you are mine now.

Pagkapasok ko sa aking opisina ay ramdam kong iba kaagad ang tingin saatin ng mga empleyado at bigla akong natigilan ng marealize ko ang feedback sakanya ng lahat ng ito.

She might be happy now - in front of me pero alam kong hindi niya gusto ang mga tingin ng iba sa kanya.

Sandali akong nag-isip sa mga gagawin ko at nang makita ko ang plan for the 5oth anniversary ay may gumuhit na plano sa isip ko.

Yeah, I will take it as a good opportunity.

~*~

Buong lingo kaming naging busy, hatid sundo ang nangyayare saaming dalawa. Nakakahanap lang ako ng oras sa tuwing lunch kaya ko siya nakikita but after that balik ulit sa trabaho.

I dont know kung tama ba itong ginagawa ko? Ito ba ang mga ginagawa ng mga couple? I dont know!

Hindi naman ito ang routine na gusto ko if ever na maging kami- pero paano ako kukuha ng tiyempo, I'm busy enough at halos sa opisina na nga ako natutulog.

Hawak ko ang kamay niya habang ihahatid ko siya sa apartment nila. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at halos hindi makatingin ng maayos sakanya.

"Tingin mo- maayos ang kompanya sa pagpapatakbo ko?" biglang kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Ou naman. Bakit mo naman natanong?"

"Parang gusto ko nalang mag-stay sa bahay at malayang makasama ka. I feel suffocated"

"Ano ba naman yang naiisip mo..." nagbabalak na siyang humakbang ulit pero naging maagap akong hilain siya at sandaling niyakap.

"I'm tired- can I hug you for 10 minutes?" napangisi siya sa akin.

Napailing-iling siya. "Masyadong mahaba ang 10 minutes- 5 minutes nalang." sambit niya pa.

Wala akong nagawa kung hindi ninamnam ang binigay niyang minuto. "Kamusta ka sa office? Okay ka naman ba? May mga sinasabi pa din ba sila sayo?" malambing kong tanong sakanya.

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon