Thirty Two

355 8 0
                                    

Thirty Two

"Ready ka na ba?" Tanong saakin ng kapatid kong nakaupo sa may sala habang nagkakape. Hindi ako nagsalita.

Isang lingo na din simula nang interview at hawak ko na din ang mga requirement na kailangan kong i-submit sa HR. Pinasadahan ko ulit ng tingin ang sarili ko sa salamin, mukha naman na akong formal tingnan. Inilugay ko rin ang buhok ko.

"Anong oras ka uuwi?" Tanong saakin ng aking kapatid.

"Hindi ko pa alam."

"Mauuna na ako, ayokong ma-late." Paalam ko sa kanya.

"Sige. Goodluck." Tipid na lamang akong ngumiti at tuluyan na siyang nilisan. Makalipas ng ilang minuto ay halos hindi na ako makahinga dahil sa kaba. Iniisip ko ang mangyayare sa buong maghapon, magugustuhan kaya nila ako? At sana naman sundin ni Fab ang sinabi niya.

Pinili kong magsuot ng flat shoes dahil baka magwala na naman yun kapag nakita niya akong nahihirapan sa suot ko.

Halos sabay lang kami nang i-ilang empleyado sa pagpasok. Dire-diretso ang pasok ko sa company at pinapunta kaagad ako ng receptionist sa HR department. Makaraan ng ilang minutong paghihintay ay nasilayan ko na ang HR Manager. Kinuha niya na saakin ang mga dala kong requirement at nakangiting iginaya ako sa magiging department ko.

"Ms. Sabrina, mababait naman po yung mga tao sa Inventory wala po kayong dapat ika-bahala. Apat sila roon at panglima ka. Sila na rin ang magbi-brief sayo about sa company. About your salary and benefits, I already discuss it to my assistant, she will be the one who will orient it to you." Nakangiti na lamang akong tumango at sumunod sa sinabi niya. Hindi nagtagal ay mas lalong kumabog ang dibdib ko ng maaninag ko na ang naka-ukit na Inventory Department sa 10th floor ng gusaling iyon.

Huminga ako ng malalim at nauna'ng pumasok si Ma'am.

"Good Morning everyone, I would like to introduce to you your new team Ms. Sabrina Verzonilla." Nahihiya akong ngumiti sa mga taong nasa harap namin.

"Good Morning po." Bati ko with bow. Iniwan ako sandali ni Mam Gie nagtungo at kinausap nito ang magiging supervisor ko. Naiwan akong naiilang sa tatlo kong magiging ka-trabaho.

"Hi, Carlo nga pala, Asst. Inventory Manager." Pakilala saakin ng medyo may kagwapuhang lalaki.

"Hi Sir."balik kong bati sakanya with smile.

"Bea din ako, walang title." Nagtawanan silang tatlo dahil sa pakilala nito. Maging ako ay natawa din.

"Sab po." Tugon ko naman.

"At Daisy nga pala, same kami ng posistion ni Bea." Napatango tango ako at tinanggap ang mga kamay nilang nakalahad.

Itinuro saakin ni Sir Carlo ang magiging table ko na which is katabi ng ni Mam Bea at Mam Daisy. Hindi ko rin maitago ang pagka-mangha sa mga mata ko habang pinagmamasdan ko ang sarili kong cubicle. I really never imagine na magiging office work ang trabaho ko. Alam ng maykapal kung gaano ko hinangad ang mapabilang sa ganitong trabaho.

After ilang minuto ay tuluyan ng nagpaalam saamin si Ma'am Gie. Nakangiting nagpakilala saakin ang supervisor ko.

"Raymond Del Rosario, your new supervisor. Kung may mga tanong ka about sa trabaho mo, huwag kang mahihiya na magtanong saakin." Tumango at ngumiti lamang ako at tuluyan na siyang bumalik sa pwesto niya.

Naupo ako ulit sa pwesto ko, hindi nagtagal ay nag-uunahang magsilapitan saakin si Ma'am Bea at Daisy. Pinalapit nila ako sa nga tainga nila at mukhang may ibubulong.

"Huwag mo sanang mamasamain ang tatanungin namin, nabalitaan kasi naming ang empleyado daw na magiging kasama namin ay connected sa may ari ng kompanya. Ka-ano-ano mo si Sir Montero?" Biglang nanlaki ang mata ko dahil sa tanong nila.

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon