Nine
Ang lapad ng ngiti ni Mama habang hinahandaan ako ng pagkain. Magkakasama rin kaming pamilya.
"Kamusta ang college? Okay kana man ba?" Anang ni Mama.
"Okay lang po." Napasulyap ako saaking kapatid na may pasa na naman. Haist! Humanda ito saakin mamaya.
Napasulyap din ako kay Papa na mukhang dumadaing sa sakit ng ulo niya. Lasing na naman siguro ito kagabi.
"Yung mga expenses mo, magsabi ka lang saakin." Tipid akong ngumiti kay Mama.
"Ako na ang bahala Ma. May part time job naman ako."
"P-Pero-"
"Hayaan mo na siya Beth. Kung ako lang masusunod, pag-aasawain ko na yang batang yan. Dapat ang naghahanap buhay lalaki kaya dapat yang kapatid mo ang mas pinagtutuunan ng pansin." Natahimik na lang ako sa sinabi ni Papa.
"Bago ka magsalita niyan, magpakatatay ka muna. Gabi gabi ka na lang lasing,gigising ka ng masakit ang ulo. Tapos iinom na naman." Nagsisimula na naman silang mag-away. Nagtama ang tingin namin ni Oliver at parehong napahinga ng malalim.
~*~
"Ate"
"Uhm."
"Huwag mo nalang intindihin si Papa."
"Sanay naman ako, alam naman natin kung gaano niya kaayaw mag kolehiyo ako." Malungkot kong sambit.
"Napaparanoid lang yun, halos lahat kasi ng anak ng mga kompare niya nagsipag buntisan simula nung nag college." Sinamaan ko siya ng tingin at malakas itong nakatanggap ng batok saakin.
"Ikaw! Hindi purket wala ako dito, puro pasa nalang makikita ko diyan sa mukha mo. Umayos ka nga!"
"Ou. Masyado lang napapadalas ang away sa school." Mas lalong nagdilim ang tingin ko sakanya.
"Gangster ka ba? Bakit ba ang hilig hilig mo sa gulo?! Okay sana kung walang galos yang mukha mo. Daig mo pa tambay sa kanto sa asal mo." Iritableng sabi ko sakanya. Napakamot na lang siya ng ulo sa mga sinasabi ko.
Pareho kami napahigang dalawa sa papag dito sa may bakuran...
"Oliver."
"Uh, bakit Te?"
"May natatandaan ka pa bang nangyare noong mga bata pa tayo? Yung insidenteng yun."
"Alin doon?"
"Yung lalaki." Kaagad niya ng nakuha ang sinasabi ko at napaupo ng maayos.
"Bakit? May naalala ka na ba?" Kumunot noo ako sa tanong niya at napailing-iling.
Nagpakawala ito ng malalim na paghinga at seryosong tumingin saakin.
"Huwag mo na isipin yun, matagal na yun. Hindi naman magandang ala-ala yun." Bigla akong napaisip sa sinabi nila.
Ilang beses akong nagtangka at nagbakasakaling masasagot nila ang nangyare noon pero wala akong makuhang sagot mula sakanila.
All my childhood days simula ng 5-10 years old ay burado at wala akong matandaan kahit isa.
All I remember is this boy na ang lapad lapad ng ngiti habang palaging nakaabang sa labas ng bahay namin.
Nakakapagod na din magtanong kaya tinigil ko na, wala na din naman akong nakukuhang maayos na sagot.
Inihatid ako ni Oliver sa sakayan ng bus pabalik sa dorm, nakailang batok at pangaral pa siya saakin bago ko siya iniwan. Kinuha ko lang sa aking bag ang phone at headset at umidlip na sa sasakyan.
BINABASA MO ANG
His Cryptic Smile
Storie d'amoreSabrina Verzonilla is a college student, an average girl who had a simple dream at yun ang ay makatapos sa pagaaral at matulungan ang kanyang pamilya, everything is so simple about her but when she came across to this young man who's name is Fabian...