Forty One
Hapon na nang makatanggap ako ng tawag mula kay Sir Raymond. Pinapapasok ako sa office niya at nang makapasok ako ay may iniabot lang siya saaking mga papeles at mahinahong nagsalita.
"Wala kasi ako mautusan- is it okay na dalhin mo muna ito sa Planning Department. Urgently needed nila" aniya. Kaagad akong ngumiti at tinanggap ang papel.
Dire-diretso ang labas ko sa Office at nagtungo sa elevator. Merienda break pala ngayon kaya medyo madaming naghihintay sa elevator upang magtungo sa cafeteria.
2nd to the last floor pa naman ang planning dept. Naghintay ako ng ilang sandali sa elevator at nakahinga ako ng maluwag na hindi gaano marami ang laman nito. I press the second to the last floor, tahimik sa loob nito nang biglang bumukas ang elevator sa kalagitnaan at may mga nakatuxedong nagsisipasukan.
Napaurong ako sa likod at naiipit na nang biglang may humila ng kamay ko sa unahan at kaagad nanlaki ang mata ko ng makita ko si Fabian na inis na inis sa mga nakatuxedong ito.
"Hindi niyo ba nakikitang may naiipit na sa likod niyo?" Agaw na agaw niya lahat ng atensyon ng mga naruon.
Kaagad siyang nagfocus saakin at inalisa ako. "Okay ka lng? Nasaktan ka?" Worried na tanong niya saakin. I clear my throat at nahihiyang lumayo nang kaunti sakanya. Mapaghahalataan talaga kami kapag ganito siya- iba narin ang tingin saamin ng mga tao.
"O-Ok lang po ako Sir" bumitaw na ako sa pagkakahawak niya at kitang-kita ko ang dissapointment sa emosyon niya nang marealize ang ginawa niya. Sorry Fab- alam kong ayaw mo ng ganitong set-up pero please... Ayoko lang talagang napag-uusapan ng mga tao.
Sumulyap ako sandali sakanya nang bumukas na ang elevator at kailangan ko ng lumabas. Nagsi-sunuran na rin ang mga kasabayan ko sa elevator dahil taga planning dept pala yung iba. Ang naiwan na lamang sa loob nito ay si Fab at ang mga naka-tuxedo.
Mabigat ang aking paghingang kinuha ang aking phone at kaagad na tinext siya.
"I'm sorry" maikling salitang text ko at tuluyan nang humakbang papalayo sa elevator.
Nang maibigay ko sa Planning Department head ang sadya ko ay bumalik na din ako sa office. Pabagsak kong ibinagsak ang aking sarili sa swivel chair nang kunot noo akong napatingin sa tatlo dahil nagtutumpukan sila sa table ni Bea na para bang may binabasa.
Itinulak ko ang inuupuan ko upang maki-usisa at kaagad nanlaki ang mata ko sa nabasa ko.
"Gossip News: Nakasabay ko kanina sa elevator si Mr. Montero at halos patayin niya kami sa tingin dahil yung Girl naiipit sa likuran." Employee 1
"Hindi nga?" Employee 2
"Sino si Girl?" Employee 3
"Hindi ko alam kung ka-ano-ano niya yun basta iba ang vibes kanina sa Elevator. Halatang galit siya" Employee 1
Napalunok ako sa mga nababasa ko. Napakabilis din ng usapan nila sa Group chat.
"Naalala ko dati, naipit din ako sa likuran hindi man lang ganyan ang reaksyon niya." Employee 4
"Baka natamaan lang nang pagka-gentleman yun, kaya ganun." Employee 5
"Hindi- iba talaga kanina! Kung nakita niyo lang kasi yung tension. Iba talaga!" Employee 1 again.
Bigla kaming nagsibalikan sa aming upuan nang lumabas si Sir Raymond. Mga ugali nga naman ng mga empleyado. Napangiti tuloy ako habang pasimpleng sinusulyapan sila na nagkukunyareng nag-ta-trabaho pero maiba nga tayo- haist! Paano ko malulusutan yung nasa group chat nila, paniguradong kapag nakita ako nung babaeng iyon ay matatandaan ako nun.
BINABASA MO ANG
His Cryptic Smile
RomansaSabrina Verzonilla is a college student, an average girl who had a simple dream at yun ang ay makatapos sa pagaaral at matulungan ang kanyang pamilya, everything is so simple about her but when she came across to this young man who's name is Fabian...