Twenty

415 10 0
                                    

Twenty

Sabrina Verzonilla POV

AFTER 3 YEARS

Itinali ko ng maayos ang aking buhok, ikinabit ko na din ang helmet saaking ulo at tsaka minaneho ang motor na katatapos ko lang mahulugan nung nakaraang buwan. Panay ang sulyap ko sa aking likod upang tingnan ang mga delivery na dapat kong ibigay sa aking mga customer.

Traffic roon at traffic dito ang naa-abutan ko sa bawat kalsadang nadaraanan ko. Kanina ko parin nararamdaman ang walang katapusang pagtunog ng aking cellphone. Sandali ko lang muna inihinto sa tabing kalsada ang aking motor at sinagot ito. Unknown number ang tumatawag.

"Yes Hello?" sagot ko.

"Ito po ba yung Delivery shop/Liason Shop."

"Opo. Ano pong maipaglilingkod ko?"

"Magpapadeliver sana kami sayo. Pwede bang pa-pick up nung barong sa adress na ito at pakidala dito bukas ng umaga?"

"Ah Ou naman po. Ako na po ang bahala. Mga anong oras po ba dapat nanduon ang barong po?"

"Mga 10 po sana ng umaga as much as possible." sabi nito.

"S-Sige po. Ako na po ang bahala! Huwag niyo lang pong kalimutang itext saakin ang adress. Cash on Delivery lang po ang mode of payment ko po ah."

"Ah ou. Sige po. Thank you." at pinatay na niya. Maya-maya ay dumating na nga rin ang text niya na may adrdress. Naka-indicate na rin roon ang pangalan ng magrereceive.

Maghapong nabaling sa pagdedeliver ang araw ko. May mga customer din akong kino-contact ako para lang pabilhin ng mga mamahaling gamit like laruan na hindi basta basta nabibili sa market. Puro mga collector ang iba sa mga nagiging customer ko. Halos sa tatlong taon kong pagtatrabaho ay naging suki at kilala na ako ng iba.

Gabi na ng mapadaan ako favorite restaurant namin ni Matt. Naghihintay na kaagad ito at mukhang naiinip na.

Ipinarada ko lang sandali ang Motor at nagdiretso na ako papasok ng Restaurant.

"Sorry late, ang dami kasing delivery." pagpapalusot ko. Inagaw ko kaagad sakanya ang iniinom niyang juice.

"Ano pa nga bang bago..." aniya. Nginitian ko lamang siya sandali at nag-order na kami ng makakain.

"Si Oliver, hahabol ba?" tanong nito saakin.

"Hindi! Nagre-review yun may exam sila bukas. Uuwian ko nalang ng pagkain yun." wala sa sariling sagot ko.

Pareho kami natahimik na dalawa at naghintay ng pagkain. Binasag ko lang ang katahimikan ng may maisip akong itanong sakanya.

"Kamusta kayo ng nililigawan mo? Nagwo-work-out ba?" tanong ko.

"Okay lang naman, medyo pakipot lang." nahihiyang sagot niya saakin.

Napangisi ako. "Nasaan na pala napunta ang pagka-womanizer mo nung college. Sa pagkakatanda ko halos lahat ng batch mate natin nahuhumaling sayo tapos itong nililigawan mo hindi mo man lang mapa-ou. Mahina kana!" Pangaasar ko sakanya

Kaagad niyang ginulo ang buhok ko. "Sira- ilang beses ko din bang dapat sabihin sayo na simula nga nung nawala ka, natigil na ang magnet ko."

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon