Eighteen

350 8 0
                                    

Eighteen

Isang lingo, isang lingong kailangan na namin magpaalam sa aming Ina. Masakit man pero kailangan na naming tanggapin. Mahigpit ang hawak saakin ni Oliver, naging tulala na ako sa mga nangyayare. Nakakatulalang parang gusto ko narin sumunod sakanya.

Mas lalong bumuhos ang luha sa paligid ng makita kong unti-unti ng ibinababa si Mama sa lupa. Mas lalong naging klaro ang lahat saakin, wala na nga talaga ang nagluwal saamin sa mundong ito.

Mahigpit kong niyakap ang aking kapatid. Siya na lang ang pinagkukuhanan ko ng lakas upang magpatuloy, siya na lang.

Naramdaman ko rin ang presensya ni Matt sa likod ko. I smile kahit nasasaktan ako. Napapalibutan kami ng mga kamag-anak at pati sila ay nakikisali sa pighating pinagdaraanan namin.

After naming magpaalam kay Mama ay dumiretso kami ni Oliver sa Hospital kung nasaan si Papa. Pinauwi narin namin ang aming mga kamaganak at maging si Matt.

Naiwan kami ni Oli na pinapatatag ang puso ng bawat isa. Tinawag ako sandali ng nurse.

"Po? Ano po yun ?" Tanong ko kaagad.

"Ma'am nag 50/50 po kasi ulit ang Papa niyo kanina, ngayon po we badly need your decision kung-"

Naiiyak kong hinawakan ang kamay ng nurse. "Gawin niyo po lahat! Ako na po ang bahala sa pera. Huwag po kayo mag-alala, gagawa po ako ng paraan!" Kulang nalang ay lumuhod ako sa pagmamakaawa para lang buhayin pa nila si Papa.

Naghilamos ako sa banyo at pinakalma ang sarili, pinilit kong hindi ipakita kay Oli ang problema. Nagpaalam lamang ako sakanya na mawawala lamang ako sandali.

Napahinga ako ng malalim habang nakatanaw sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko. Dala ko rin ang kakapalan ng mukha at humingi ako ng konting tulong at last pay ko.

Unfortunately nobody in both of my parents side ang gusto kaming tulungan, kaya sariling sikap naming magkapatid ang gastusin sa lahat.

Ayoko naman ng abusuhin ang kabutihan ni Matt kaya ayoko ng lumapit sakanya.

Malungkot akong sinalubong ng mga katrabaho ko-ito na rin ata ang huling araw na magkikita-kita kami. Sunod ko ring pinuntahan ay ang school namin.

Labag sa loob kong gawin ito but I decided to drop out, dahil ang konting perang makukuha ko roon ay alam kong malaking tulong na para sa pamilya namin.

Kaagad akong napakunot noo ng pagdating ko sa Hospital ay nagkakagulo ang mga nurse. May tatlong malalaking tao ang inaawat nila sa panggugulo. Kaagad din kumunot ang noo ko ng makita kong hawak nung isa si Oliver sa kwelyo.

"Nasaan na sabi? Nanghiram saamin yang Ama mo at kung ano-anong mga mabulaklak na salita ang mga sinabi tapos-ngayong nakahilata siya diyan. Sasabihin mong hindi mo alam! Putangina..." Halos manghina ako, inihakbang ko ang aking mga paa patungo roon at inis na hinigit ang aking kapatid.

"Ikaw ba yung panganay?!" Asik noong isa.

Hinawakan ako ng mahigpit ni Oliver para pigilan.

"Ou! Hindi niyo ba nakikitang nagaagaw buhay pa ang Papa ko, hindi ba kayo makaintindi? Kung ano man ang utang ng magulang ko sainyo, ibibigay ko. Basta huwag lang ngayon." Inismiran ako nung isang lalaki.

"Paano kami makakasiguro na hindi niyo kami tatakasan? Kaya nga kami nandito ay para makasigurado. Ngayon, nasaan na ang peraaaa?"

"Wala! Wala ngang peraaaaa."

Hinila nung isang lalaki ang buhok ko. "Aba! Matigas ka ah..." hindi ko na napigilang mapaluha habang nagpupumiglas ako sa pananakit nila saakin. Si Oliver din ay umiiyak na sa tabi ko.

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon