One

893 17 0
                                    

One

"Kamusta first class?" Tanong ni Matt ng makita niya ako sa hallway.

Napakibit balikat ako at tamad na naglakad. Sabay ang aming hakbang patungo sa susunod na klase.

"As usual, pakilala at introduction lang, ikaw?" Balik kong tanong saknya.

Kaagad siyang ngumisi saakin. "Daming nagkakandarapa nga saakin, paano ako makakapag-focus." Napa-tsk tsk na lang ako sa kanya at iniwan na siya doon. Bahala ka diyan!

Hinayaan kong pagpiyestahan siya ng mga nadaraanan naming estudyante at nag focus sa paghahanap ng pangalawang subject.

Nang maaninag ko na ito ay masama ko ng sinulyapan si Matt na nakikipagusap na sa mga babae roon, nahuli niya rin naman ako kaya nagpaalam na din ito at lumapit na saakin.

"Napaka mo talaga!" Inis na sabi ko sakanya.

"Why? Ano na naman ba ang ginawa ko? Masama bang makipag-usap sa magagandang dilag na iyon?" Nakakaloko niyang pahayag saakin.

"Ou, mga ngiti mo palang, naiinis na ako." I rolled my eyes at pumasok na sa loob ng klase, sa unahan na kami naupong dalawa at iyong lalaking ito ay hindi padin tumitigil sa kakangiti ngunit ngumisi ako ng biglang pumasok iyong fabian at naagaw niya lahat ng atensyon ng mga kababaihan. Pasimple akong bumulong kay Matt.

"Ano ka ngayon! Echapwera?" Pangaasar ko saknya.

"Sino yan?" Bulong na tanong niya saakin.

Nagkibit balikat ako at mabilis na sinulyapan yung Fabian na ang lapad ng ngiti na nakikipagusap sa kabilang row.

"Fabian?" Walang kaintere-interes na sagot ko.

"Fabian? Fabian ba sinabi mo?" Tumango ako at nagfocus na sa harapan.

Hindi parin mawala-wala sa isip ko ang mga ngiting ipinukol niya kanina at kahit ilang beses kong sabihin na namamalikmata ako, hindi parin ito nawawala.

"K-Kilala mo? Ikaw ah, interesedo ka ba sakanya?" Mapanukso'ng bulong saakin ni Matt. Agad siyang napa-aray ng dumapo ang kamay ko sa gilid ng tiyan niya, kinurot ko siya.

"Asa! Kaklase ko lang siya sa unang subject at siya lang ang bukambibig ng mga tao roon, tingin mo di ko malalaman." Mahabang paliwanag ko.

"Malay ko ba! nagtatanong lang naman, bakit ang defensive mo?" Asar niya ulit saakin, sinamaan ko na siya ng tingin kaya nanahimik na lamang ito. Unti-unti ng napupuno ang klase hanggang sa umandar na nga ang oras. Inaantok akong napaupo sa upuan sa may cafeteria habang nagkikislapan naman ang mga mata nitong nasa harap ko dahil sa mga nagagandahang senior na nakikita niya.

"Buti nalang dito ang napili nating pasukan." Malungkot akong napahinga ng malalim dahil sa sinabi niya.

"Yeah, buti ka pa walang problema. Samantalang ako, kailangan ko pang maghanap ng Part time job para masuportahan ko ang sarili ko sa pagtatrabaho." Kaagad siyang bumusangot sa harap ko at may balak na sana itong hawakan ang ulo ko para i-comfort ako ng nanlilisik ko siyang tiningnan.

"Subukan mo lang." agad siyang natawa sa inakto ko kaya matiwasay na lamang kaming dalawang kumain.

Kumunot noo ako ng may ininguso si Matt sa aking likod, sa paglingon ko doon ay nakangiting si Fabian na naman ang nakita ko.

"Crush mo, ang gwapo ngumiti." Pang-asar niya saakin.

"Yah! Sinabi ng huwag mo akong maasar-asar diyan e'" inis na sambit ko sakanya.

"Why? Inlove kana ba?" Mas lalong naginit ang ulo ko dahil sa mga sinasabi niya.

"Marinig ka nga, sinabi ng tigilan mo yan e." Mas lalong nagiba ang mga ngiti ni Matt at nakakaloko akong tiningnan. Sa sobrang pagkainis ay nilayasan ko siya roon, wala akong salitang lumabas ng building at nagpahangin sa labas.

Naupo ako sa may bench na naruon at hinayaang lamunin ako ng aking naiisip ng bigla akong matigilan dahil nakita ko na naman siya. Nakangiti siya habang nakikipagkwentuhan sa apat na lalaki, nagtatawanan sila pero hindi mawala ang tingin ko sa labi niya.

Talaga bang namamalikmata lang talaga ako kanina nung nakita ko ang kakaibang ngiti niya? Pero napaka-imposible naman.

Tinitigan ko lang siya sa malayo ng bigla ulit lumapit yung sexy na babae sakanila. Kumunot ang aking noo habang nakamasid ng nakita kong biglang pinalibutan nila yung babae, automatikong napatayo ako at ihahakbang na sana ang aking sarili patungo sakanila ng bigla akong matigilan. Nakahawak na iyong Fabian sa bewang nung babae at mula rito ay nakarinig ako ng hiyawan na nanggagaling roon.

"I'm sorry I don't date someone whom I just met today." Nang-aakit na bigkas nung Fabian na kinadahilan upang mas lalong lumapit sakanya yung babae.

"But if you want, you can come with us in our hideout." Nagpalakpakan ulit ang mga kasamahan niya at noong napatingin na iyong sexy'ng babae sa mga kasamahan niya ay tsaka ko nakonpirmang hindi ako namamalikmata lang.

He just do his  cryptic  smile again, nanuyo ang lalamunan ko at may kakaiba akong naramdaman, parang may gagawin silang hindi tama.

"Wuy, sorry na..." kaagad nawala ang focus ko ng biglang umakbay saakin si Matt.

"K-Kanina ka pa?" Nagtama ang tingin namin ni Matt dahilan para maglaho sa paningin ko sila Fabian at ang mga kasama nito. Nagpalinga-linga ako upang hanapin sila pero hindi ko na ulit sila nakita. Gosh!

"A-Ano bang tinitingnan mo diyan?" Nagtataka ng tanong ni Matt saakin.

"N-Nakita mo ba si Fabian?" Hindi na ako mapalagay.

"Ha?! Akala ko ba wala kang crush doon, bakit mo hinahanap? Ikaw ah..." frustrated ko ulit siyang nilayasan doon at halos patakbong inikot ang buong school para lang matunton kung nasaan sila ngunit bigo ako.

Tuluyan ng tumunog ang bell at wala akong nagawa kundi ang bumalik sa classroom. Hinihingal akong naupo sa tabi ni Matt habang wala siyang emosyong tinitingnan ako.

"Saan ka ba nanggaling?"

Yumuko ako sandali upang ipahinga ang puso kong parang nagkakarera dahil sa tinakbo ko. Ramdam na ramdam ko rin ang pawis na tumatagaktak saaking noo.

Nang medyo nakahinga ay tumingin na ulit ako sa unahan pero natigilan ako ng makita ko si Fabian na nakaupo na ruon, walang emosyon ang kanyang ipinapakita habang nilalaro niya ang ballpen na hawak niya.

Hinanap ko rin sa room yung sexy na babae at nakita ko ito sa may sulok, tahimik na nagsusulat.

What happen? Anong ginawa nila rito? Pinagmasdan kong maigi yung sexy na babae at napansin ko ang panginginig ng kamay niya.

Nahuli ko rin itong pasimpleng sumulyap kay Fabian at mula sa aking pwesto ay nakita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata niya habang masamang tinitingnan ito.

What did they do to her? Kitang kita ko ang galit sa mga mata nung babae habang tinitingnan siya mula sa kanyang likuran. Napalunok ako ng hindi ko inaasahang lumingon si Fabian sa pwesto ko at nahuli akong nakamasid sakanya.

And he do his cryptic smile again in front of me  na para bang binabalaan ako, binabalaan ako sa lahat. Kitang kita ko rin ang pagkaseryoso ng mata niya habang hindi magawang kumurap na nakatingin saakin.

VOTE, COMMENT

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon