Thirty Seven
Nagising ako na masama ang pakiramdam, ramdam ko rin ang init saaking katawan. Sinubukan kong ihakbang ang aking paa upang makalabas ngunti unti-unti akong nawawalan ng lakas.
Hinang-hina kong kinuha ang aking phone sa ibabaw ng aking table at nag-ipon nang lakas upang tingnan kung anong oras na at kaagad kumunot ang noo ko dahil punong-puno ito ng mga misscall's niya.
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at napaupo. Niyakap ko ang aking sarili dahil sa takot na umuusbong sa dibdib ko.
Para bang dinala ulit ako sa ala-ala kong iyon na kung saan ay nakakulong ako sa napakadilim na kwarto, naghihintay at umaasang maliligtas.
Nagsimula ulit tumulo ang luha saaking mata habang naalala ang malagim na bahagi'ng iyon ng buhay ko.
Hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung sa murang taong gulang ay pinilit niyang makalimutan ang lahat.
Kinakabahan ang mga tingin ni Oliver ng makita niya ako. "Ate- ano bang nangyayare sayo?" Naiiyak narin ito habang nakatingin saakin.
Hinawakan niya ang aking noo at halos mapaso ito sa init ng katawan ko.
"May lagnat ka." Halos mataranta siyang lumabas ulit sa aking kwarto, pagbalik niya ay nilagyan niya ako ng towel sa ulo. Dahan-dahan niya rin akong pinahiga habang naging manhid ako sa lahat. Natutulala lang akong nagiging sariwa saaking ala-ala ang nangyare.
Napansin kong kinuha niya ang aking phone sa table at mukhang may tinawagan roon, nagpaalam na din siya sa kanyang part time job na hindi na muna siya makakapasok.
Inalagaan niya ako buong araw hanggang sa bumaba ang lagnat ko. Hinang-hina akong napangiti habang pinagmamasdan ko siyang nakatulog na sa kakabantay saakin.
Gumalaw ako ng kaunti dahilan upang magising siya.
Nag-aalala kaagad ang mga mata nitong tumingin saakin. "May kailangan ka?" Hinipo niya ulit ang noo ko at inalisa ang init ng aking katawan.
"T-Tubig" hinang hinang bigkas ko. Inalalayan niya akong maupo at sandaling kinuhaan ng maiinom.
"Hindi ka ba papagalitan? Nag-absent ka dahil saakin." sabi ko.
"Nag-paalam naman ako ng maayos." mahinahong tugon niya.
"Nga pala pinaalam ko din sa Supervisor mo na nilalagnat ka kaya hindi ka makakapasok." Tipid akong napangiti sa sinabi niya at tumango. Naupo siya sa harap ko at pinagmasdan ako.
"Ate..."
"Hmmm"
"Wala lang, gusto ko lang tawagin ang pangalan mo." Bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Nag-alala ka ba?" hinang hinang tanong ko. Mabilis siyang tumango sa tanong ko.
"Sorry." Kaagad siyang umiling-iling sa akin.
"No, natakot lang naman akong baka may masama ding mangyare sayo. Ikaw nalang ang meron ako Ate." Idinipa ko ang aking dalawang kamay at mahigpit siyang niyakap.
"Hindi kita iiwan, haist~ you've really grown up. Marunong ka ng magpahalaga sa mga taong nasa paligid mo. Nawala na ang dating basagulerong kapatid ko." Matapos ko siyang yakapin ay ginulo ko ang buhok niya na kinadahilan ng pag-ngisi niya.
Katahimikan ulit ang bumalot saaming dalawa nang magpakawala ako ng malalim na paghinga.
"Oliver..." tawag ko ng pangalan niya.
"Uhmmm"
Mariin akong napapikit at seryosong tiningnan siya. "I remember everything."
Kaagad kumunot ang kanyang noo sa sinabi ko. "Anong ibig mong sabihin?"
BINABASA MO ANG
His Cryptic Smile
RomanceSabrina Verzonilla is a college student, an average girl who had a simple dream at yun ang ay makatapos sa pagaaral at matulungan ang kanyang pamilya, everything is so simple about her but when she came across to this young man who's name is Fabian...