Thirteen

461 13 0
                                    

Thirteen

Pagod kong hinilot hilot ang aking batok dahil sa pagod sa maghapong pagtatrabaho.

"Out kana, maaga ka pa kanina." Nakangiting sambit ng aming manager. Umayon na din ako sa sinabi niya at nagtungo na ng locker room para mkapagpalit at makaalis na.

Makalipas ang ilang minutong pagaayos ay tuluyan na nga akong iniluwa ng pinagtatrabahuan ko. Napaupo ako sandali sa may bench na nadaraanan ko at hinilot hilot ang akong binti.

Hinihila na rin ako ng aking mata upang matulog. Matapos ng ilang segundong pagmuni-muni ay nagpasya na akong tumayo.

Wala na akong lakas maglakad kaya nagpasya na lamang akong sumakay ng jeep sa may sakayan ng may mapansin akong lalaking nakatayo sa hindi kalayuan at nakatanaw saakin.

Napansin ko kagad ang bendang nasa kamay niya. Si Fab ba yun?

Nilapitan ko ito para kompirmahin at hindi nga ako nagkamali, si Fab nga.

"B-Bakit na nandito? Dapat nagpapahinga ka lang." Sabi ko sakanya.

"Wala naman akong balak na magpakita, gusto ko lang siguraduhing makakauwi ka ng maayos." Sagot niya kaagad. Napaiwas ako ng tingin sakanya at napalunok.

"U-Umuwi kana." Anang ko ng hindi man lang magawang tumingin ng diretso sakanya.

"Kain muna tayo?" Alok niya saakin.

"Ha! B-Busog na ako." Nauutal na sabi ko. Ano bang nangyayayre saakin, why I am affected sa mga sinasabi niya?

Nakita ko ang paglungkot ng mukha niya at bigla akong nakonsensya roon.

"O sige, basta sandali lang." Kaagad na may sumilay na ngiti sa labi niya at iginaya na ako paalis doon. Lumikha lang kami ng iilang hakbang mula sa tinatayuan namin at nakarating na sa aming kakainan.

Pinaupo niya lang ako at sinabihang magpahinga at tsaka siya nagtungo sa counter upang umorder ng makakain.

Hindi nagtagal ay nakaupo na rin ito sa harap ko. "Kamusta na ang katawan mo?" Pangunguna ko ng usapan naming dalawa.

"Medyo nahihirapan." Anang niya.

Bigla akong nahiya sa sagot niya kaya hindi ko napigilang mapayuko.

"I-Im sorry, I rea-"

Bigla kong naramdaman ang kamay niyang nakahawak saaking mukha at unti-unting itinaas ang nakayuko kong ulo.

Ang lapad ng kanyang ngiti habang mapupungay na nagungusap ang kanyang mata.

"I'm not blaming you, natutuwa lang ako dahil kasama kita ngayon." Nagsisimula na naman siya sa mga mabulaklak niyang mga salita.

Natigil ang titig ko sakanya ng biglang dumating ang order namin, nahihiya akong kumilos sa harap niya pero habang inaayos niya sa harap ko ang kubyertos ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

He is really change my first impression on him. Ang akala kong napakaseryosong lalaki ay ibang iba sa nakikita ko ngayon.

Aaminin kong habulin talaga siya ng mga babae sa school but then I still keep asking myself kung bakit ako? Ano ba talaga ang meron saakin?

Minsan naiisip ko nalang na baka kaya siya ganito saakin ay dahil sa mga mapagduda kong tingin sakanya, mga judgemental kong iniisip about sa pagkatao niya na kaya niya lang ginagawa ito ay para manipulahin rin ako pero habang tumatagal ay unti-unti ko siyang nakikilala at minsan ay nakakatakot na rin na baka kapag nagkaroon pa kami ng koneksyong dalawa ay tuluyan na nga akong mahulog sakanya.

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon