Eleven

489 15 0
                                    

Eleven

Napaunat unat ako paglabas ng school. Finally, tapos na ang exam! Makakahinga na ng maluwag. Hahakbang na sana ako palabas ng school ng biglang may kumalabit saakin.

"Kailangan natin mag-meeting sa school ngayon." Kaklase ko na sa pagkakatanda ko ay Maine ang pangalan.

"Bakit daw?" Clueless na tanong ko.

"Paguusapan ang gagawin natin sa darating na University Week." Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sakanya.

Pagdating sa room ay marami na sila, wala nga lang si Matt at Fab dahil sa meeting nila about sa basketball.

Tahimik akong naupo sa may dulo at nakinig sa mga gagawin namin.

Next week, Monday may parade kaming buong college including all the years and colleges para sa pagwewelcome ng program. May entry din kaming College Float na nirerepresent ang colleger namin. Naiimagine ko palang ang mangyayare ay natutuwa na ako. Magkakaroon din ng mga ibat ibang competition like baskettball and volleyball for sports, may mga quizes at best in slogan. May Cheer dance competition at Mr and Ms. University.

Pinaliwanag saamin ng maayos ang magiging role namin at ang kinabigla ko ay naka-sign up pala ako for volleyball representative ng college namin like what the hell? Wala naman akong maalalang nag-sign up ako or something.

Nagtaas ako ng kamay at tinanong sa leader namin.

"Tanong ko lang kung sino ang nagsign up saakin to join the volleyball?" Napatikhim siya at malapad na ngumiti sa akin.

"Actually Matt already said na you are the best player when you were in high school. Kaya sorry hindi na namin natanong sayo so we decided na isali kana." Wala na akong nagawa. May pasok pa naman ako during that week sa part time job.

Napaupo nalang ako at hinayaan na silang magdiscuss sa iba. Pagkatapos nang meeting ay nagmartsa kaagad ako patungo sa Gymnasium na alam kong naruon si Matt. Aawayin ko lang ng sobra sobra yun dahil sa hindi niya pagsasabi saakin about sa volleyball.

Dire-diretso ang pasok ko sa loob ng gym matigilan ako dahil sa hindi ko inaasahang bola'ng tatama na sa mukha ko.

Hindi ako makagalaw at tanging pinapanuod lamang ang papalapit na bola ng biglang may humigit saakin at pareho kaming napahiga ang kaibahan lang ay nakaibabaw ako sakanya.

Sa sobrang kaba ay hindi ko magawang maimulat ang mata ko.

"Sab! Okay ka lang." boses kaagad ni Matt ang narinig ko at sa pagdilat ko ay hindi si Matt ang unang bumungad saakin, its Fabian.

Nakapikit siya habang walang malay.

A-Anong nangyare? Nasobrahan ata ang pagbagsak ng likod niya.

"Fab?" Tawag ko sakanya. Hindi padin siya gumagalaw.

"Fab?! FAB!" Halos umalingawngaw na sa buong gym ang boses ko. Naiiyak na ako dahil sa kaba dahil tuluyan na itong nawalan ng malay. Hindi ko na din napansin ang mga papalapit na tao saamin.

Nanginginig akong hinawakan ni Matt habang pilit na pinapakalma ako.

"Okay ka lang?" Nakatulala lang akong nakatanaw sa walang malay na si Fab.

Biglang nanikip ang aking dibdib, may kung anong ala-alang pumasok sa isip ako.

I was holding this little boy na walang malay habang dire-diretso ang pagtulo ng dugo sa ulo niya. At wala akong magawa kung hindi ang umiyak at paulit ulit na sabihing "Huwag akong iwan."

"Sab, Sab?" Kaagad akong napabalik sa ulirat at walang sali-salitang niyakap ng mahigpit si Matt.

"Okay ka lang?"

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon