Six

489 16 0
                                    

Six

Tipid akong ngumiti sa tabi ko habang titig na titig si Matt saakin. Nakakaloko ko lamang siyang sinamaan ng tingin at sinundan na ang diskusyon na nasa harapan. Nang hindi ko na matiis ang tingin niya ay pinitik ko ang noo niya.

"Alam kong maganda ako, hindi mo na ako kailangan pang titigan." Ngumisi siya sa akin at natuon na ang tingin sa pisara.

"Baliw! Malapit na ang exam, mag-aral ka na nga." Bigkas niya kaagad.

"Speak to yourself first, I'm always studying kahit na nagtatrabaho ako." Pangaasar ko sa kanya.

"Ikaw na! Ikaw na masipag mag-aral." Pagsusuko niya.

Matapos nang napakahabang seremonya sa pagtuturo ng aming professor ay nagpa-surprise quiz narin ito at itong magaling kong katabi ay walang ginawa kung hindi ang komopya sa sagot ko, ano ba naman ang aasahan ko sa ilang minuto niyang pagtitig saakin. Psh!

Pagkatayong pagkatayo ko ay nagpapasalamat kaagad itong lalaking ito dahil sa nakuha niyang perfect na sagot. Manlilibre din daw siya ng Lunch naming dalawa at sino ba naman ako para tumanggi. Hawak ko ang mga libro sa kamay ko at nakasunod naman itong si Matt saakin.

And I saw him again, seryosong naglalakad at nakatutok sa kanyang phone. Kinalabit kaagad ako ni Matt.

"Pst! Balita ko may nali-link na girl sakanya ngayon." Walang emosyon ko lang siyang tiningnan at naglakad na ulit. Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Ano naman ngayon? Hindi naman ako apektado.
"Alam mo papayag naman akong ligawan ka niya pero hindi na ako humadlang kasi alam kong ginayuma mo siya..." what the hell?

"Ginayuma?Utot!"

"Umamin ka na, pansin ko rin na after niyang magsabi sayong liligawan ka niya ay nag-iba na ang pakikitungo niya sayo. Dati halos buntot mo yun, halos akala nga ng mga kaklase natin ay nililigawan ka niya at kayo na."

"Di nga?"

"Ou kaya! Mukhang ikaw lang ang walang alam ah." Bigla akong napamasid sakanya. At iniwas ang aking tingin.

Biglang sumagi sa isip ko ang ginawang pagtalisod saakin nung mga nagkakandarapa sakanya, napag-alaman kong naging magkaibigan na sila nito at ang hindi ko nagustuhan ay ang pagpaparinig at pagtingin nila ng masama saakin sa tuwing nakakasalubong at nakikita ako.

Para na nga akong binubully sa school na ito sa tuwing hindi ko kasama si Matt. Ngumisi ako ng kakaiba habang galit na hinawakan ang kutsarang hawak ko. Bigla ko na namang naalala iyon.

"Sasabog na mukha mo sa galit. Relax!" Pampapakalma saakin ni Matt.

"Naalala mo na naman ba?" Hindi ako nakapagsalita.

Ilang beses ko na sakanyang sinabi ang kakaibang meron kay Fabian pero palagi niyang sinasabing baka mali lang ang akala ko, kilala kasing mabait si Fabian sa buong school, magalang at matipuno pero para saakin wala akong makitang ganuon sakanya. Tingin niya palang ay iba na.

Napatigil kami sa pagkukwentuhan ni Matt ng bigla na siyang pumasok sa cafeteria, sinubukan kong hindi ituon ang atensyon sakanya pero kusang napapatingin ang mata ko. Damn!

"Akala ko ba hate mo siya? Kanina ka pa titig na titig." Nakakalokong asar saakin ni Fab.

Ewan ko ba, pero sakabila ng mga hiwagang nararamdaman ko sa pagkatao niya ay prang gustong gusto makita ng mga mata ko ang bawat nilalabas nito.

Pasimple ang aking tingin at nang mapansin kong naghahanap na siya ng mauupuan ay kaagad lumihis ang tingin ko. Pinandilatan ko kaagad ng mata si Matt na may balak na tawagin ito.

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon