Four

534 18 0
                                    

Four

Maaga ako nagising dahil sa maaga kong klase, nagaasikaso na ako ng biglang may kumatok. Pagbukas ko ay si Tita pala.

"Sab! Tumawag saakin ang Mama mo, kailangan mo pa ba daw ng pera para sa libro? Hindi ka daw niya makontak kagabi pa." Ou nga pala hindi ko nacharge ang phone ko kagabi dahil sa pagod.

"Nakalimutan ko pong icharge ang Phone ko Ta, pakisabi nalang po na ako na po ang bahala sa mga books ko." Nakangiting sambit ko.

Nagpakawala na lamang siya ng ngiti at isinarado ko na ang pinto. Mabilis ang naging seremonya ko at para siguraduhing maaga ang pasok ko sa school.

Napapahikab pa ako habang binabagtas ang building, napa-aga ata talaga ang dating ko ng school. Puro mga senior year ang nakakasalubong ko at kahit kakaumpisa palang ng klase ay nababakas na sa mga mukha nila ang problema, madami akong naririnig na puro "Thesis" ang pinaguusapan.

May isang oras pa naman ako bago ang klase kaya nagpasya akong magtungo muna ng Library upang makapagbasa basa.

Hindi ko din ma-on ang phone ko dahil lowbat ito, wala tuloy akong idea kung nasaan na ngayon si Matt.

Tahimik ang aking bawat hakbang habang naghahanap ng mababasa sa bookshelves, medyo madami rin ang mga estudyanteng nandito.

Nang may mahagip ang mata ko na medyo related sa course ko ay kinuha ko na kaagad ang librong iyon. Tahimik akong naupo sa walang katao-taong mesa at nagbasa.

Lumipas pa ang ilang minuto ay tuluyan na ako nakakaramdam ng antok, ang aga ko kasi nagising kaninang umaga. Hinilot hilot ko lang sandali ang mata ko at nagbasa ulit. May naramdaman akong naupo sa harap ko pero hindi ko na lamang pinansin iyon, ni hindi ko siya nilingon at napahikab na lang ulit. Inaantok na talaga ako.

Nagsimula na akong magligpit ng mga librong binasa ko ng matigilan ako ng mapansin ko kung sino itong nasa harap ko. It's Fabian, seryoso ang mga mata niya habang mayroong binabasa. Kanina pa kaya siya diyan? Dont tell me siya yung napansin kong naupo sa harap ko kanina pa.

Napailing ako at nagtatakang ibinalik sa book shelves ang mga librong kinuha ko. Pagbalik ko upang kunin ang bag ay nagtama na ang tingin naming dalawa.

"Aalis kana?" Walang emosyong tanong niya saakin.

Napalunok ako at naiilang na tumango. "Sabay na ako." Iniligpit niya na rin ang gamit niya at tumayo na.

May kung ano na naman akong nararamdaman sa kanya, kinakabahan na naman ako.

Mahinhing kong kinuha ang aking bag na nakapatong sa table at walang magawa kundi ang sabayan siya.

Paglabas namin ng Library ay sinubukan kong lumayo ng ilang distansya sakanya, hindi talaga ako komporatble. Naiilang akong ngumingiti sa tuwing nagtatama ang tingin namin.

Kapansin pansin din ang mga tingin sakanya ng mga nakakasalubong namin.

"I heard you are finding a part time job?" Kaagad akong napalingon sakanya. Paano niya nalaman yun?

"Ah-ou sana"

"G-Gusto mo irecomend kita? Doon sa pinagtrabuhaan ko dati?"

"Naku, hindi na salamat nalang." Biglang nanuyo ang lalamunan ko.

Bigla na namang may gumuhit na kakaibang ngiti sa labi niya at ni isang kurap ay hindi ko inalis ang tingin ko sakanya. Kumunot noo ako at nang mapansin niyang nakatingin ako sakanya ay kaagad siya'ng naglakad.

Habang tinitingnan ko siyang nauunang maglakad saakin, gusto ko siyang tanungin doon sa sexy na babae, gusto kong tanungin siya kung ano ang ginawa niya roon. Bakit ito nagtransfer? At bakit palaging may kakaibang ngiti sa mga labi niya sa tuwing may hindi siya nagugustuhan?

I want to ask him some question pero pinigilan ko ang sarili ko dahil alam kong hindi magandang idea ang mga naiisip ko.

Tahimik akong naupo sa unang row ng klase at agad ding nagsalubong ang kilay ko ng maramdaman ko na naman ang presensya niya sa tabi ko.

"Okay lang naman diba?" Aniya. Wala akong nagawa kundi ang tumango.

Sinisilip ko siya sa kanang mata ko. Sinusundan niya ba ako? Bakit parang pakiramdam ko halos lahat ng galaw ko ay alam na alam niya.

Hindi nagtagal ay dumating na ang professor namin, tahimik at nakinig lamang ako buong klase at noong natapos itong magturo ay wala akong sali-salitang nagligpit ng gamit at umalis. Alam kong may sasabihin pa siya pero lumabas na kaagad ako.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na si Matt sa labas ng classroom, ang lapad ng kanyang ngiti saakin.

"Yow, hindi active phone mo?" Una niyang bungad saakin.

"Lowbat." Sagot ko.

Ngumiti-ngiti na lamang si loko at tuluyan na kaming pumasok sa pangalawang klase. Sa dulo kami naupo dahil ito ang gusto ng lalaking ito at kahit ayoko ay wala na akong nagawa.

"May nahanap ka ng part time?" Nakabusangot akong humarap sakanya at umiling-iling.

"Wala pa din." Sagot ko.

"Gusto mo samahan kita magpasa ng mga resume?" Bigo akong lumingon sa pisara.

"Huwag na, maabala pa kita." Nakangiting bigkas ko sakanya.

"No, when it comes to you, hindi ako naabala" at ginulo niya kaagad ang buhok ko.

Psh!

Napapahikab ako habang nakikinig sa professor at wala akong nakita kundi ang pagngiti ngiti nitong katabi ko. Nang sinulyapan ko kung sino ang tinitingnan niya ay kaagad din siyang nakatanggap ng batok saakin. Nagsasalitan lang naman sila ng ngiti nung magandang babae sa unahan.

"Bakit ba?!" Mapalokong sabi niya.

"Magaral ka nga, naaalibadbaran ako sa pakikipag-landian mo." Inirapan niya lang ako at nagfocus na din sa discussion. Sandali na lang akong napangiti at nang mapasulyap ako sa labas ng classroom ay nakita ko na naman siyang titig na titig sa akin. Salubong ang kanyang mata at kitang kita ko rin ang pagkuyom ng kanyang kamay habang saakin nakatingin.

I clear my throat at nang siniko ko si Matt para sabihin iyon ay bigla na itong nawala. Kaagad na naman akong nangilabot.

I dont know about him pero simula nuon, ay sobrang natatakot na ako sa presensya niya. Unti-unti ko naring nakita kong paano niya manipulahin ang lahat.

VOTE, COMMENT

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon