Fourteen

436 12 0
                                    

Fourteen

Maaga palang ng tamad na tamad akong lumabas ng bahay, monday na ngayon at kailangan ko pang puntahan si Fab sa bahay nila. Haist! Bakit ba kasi ako pa ang nag-insist na sunduin siya.

Nilock ko ang pintuan ng dorm at patakbong nagtungo sa sakanyan ng jeep nang hindi pa nga ako gaanong nakakalayo ay nakita ko na kaagad siya.

"Good Morning." Masiglang bati niya saakin.

Kaagad kumunot ang noo ko sa presensya niya.

"Diba ako na ang pupunta sayo?" Bulyaw ko habang papalapit sakanya.

"I'm sorry di na kita nasunod, baka kasi malate ka pa kapag pupuntahan mo pa ako. Kaya ako nalang ang narito" napasinghap na lamang ako at inalalayan na siya sa paglalakad.

Hindi ko rin napansin na may dala pala siyang sasakyan at ininguso niya ito saakin.

Wala akong nagawa kung hindi ang sumakay roon, may driver ito kaya sa likod kaming dalawa naupo.

Tahimik at wala akong balak magsalita habang binabagtas namin ang daan patungong school. Nagpapanggap lang akong may kinakalikot sa phone para kahit papaano ay mawala sakanya ang atensyon ko.

Ilang beses ko din siyang nahuhuling nakatingin saakin at sa bawat tingin niyang iyon ay wala akong magawa kung hindi ang umiwas.

Pagkarating sa school ay pansin kaagad namin ang walangkataong taong school.

"Nasaan sila?" Bulalas ko. Hindi nagtagal ay nakatanggap na rin ako ng tawag galing kay Matt.

"Nasa may barangay kami, dito ang start ng parade." Aniya. Nanlaki ang mata kong napatingin kay Fab.

Nawala sa isip kong may parade nga pala ngayon.

Wala kaming choice ni Fab kung hindi ang lakarin na lamang patungo roon, gosh! Unti-unti akong lumapit sakanya upang alalayan siya, daig ko pa ang caretaker dahil sa posisyon naming dalawa. Kulang nalang mag-yakapan kami habang naglalakad.

"Sab?" Malumanay niyang tawag ng aking pangalan.

"Uhm."

"Am I exaggerating?"

"Sa?" Hindi ko siya magawang tingnan.

"The way kasi na alalayan mo ko, parang napilay ako." Napahinto ako sa paglalakad.

"After all ako ang may fault, sinalo mo lang ang bola na para saakin kaya ikaw ang may ganito ngayon." Tugon ko.

Nagkatinginan kaming dalawa. "Okay lang naman na hindi na tayo sumali ng parade, sabi din ng Doctor ipahinga ko lang to. Para hindi ka na rin mahirapan." Mahabang sabi niya.

Wala kaming naging choice kung hindi ang maghintay na lamang sa lobby. Nagtext na din ako kay Matt na hindi na kami hahabol dahil kailangan pang magpahinga ni Fab.

Pareho kami nagtungo sa infirmary para kahit papaano ay lubusan siyang makapagpahinga. Inalalayan ko din siyang maupo at nang magtama ang tingin namin habang inaalalayan ko siya ay hindi ko maintindihan ang kung anong meron sa tiyan ko.

Napalunok ako at nagiwas ng tingin.

"Did you really not remember me" nakuha niya ulit ang atensyon ko dahil sa tanong niya. Why he keeps asking me that kind of question, nagkita o nagkasama na ba talaga kami?

Natigil ang titigan namin ng biglang pumasok ang nurse.

"Kanina pa kayo? Kamusta kana Fab? Masakit padin ba ang balikat mo?" Anang niya. Napaurong ako ng konti dahil sobrang dikit pala naming dalawa.

"Medyo okay naman na, sabi lang ng Doctor kailangan ko lang daw ng pahinga." Tugon naman nito.

"Mabuti naman." tumayo na ako sa aking pagkakaupo at lumipat ng pwesto. Mukhang titingnan din ng nurse ang pilay niya kaya medyo tumabi nalang muna ako.

Makaraan ang ilang minuto ay tapos na ang pageexamine sakanya. Nginitian lang ako ng nurse at lumapit na saakin.

"Medyo hindi pa ganun ka okay ang balikat niya, okay lang ba kung ikaw na muna ang magsubo sakanya ng mga kakainin niya? Hirap padin kasi siyang itaas ang balikat niya." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito.

"Po? Ako po?" Tumango tango ito saakin.

"Okay lang ba?" Napasinghap ako at wala nang nagawa kung hindi tumango, after all ako rin naman ang may kasalanan nito.

Makaraan ng ilang minuto ay napansin kong mahimbing na natutulog si Fab sa kama. Umiingay narin ang labas ng kwarto kaya napasilip ako ng bahagya sa bintana. Mukhang unti-unti ng dumarating ang mga bawat colleges galing parade.

Malungkot akong bumalik sa aking kinauupuan at kumalikot sa phone, ilang beses ko ring sinusulyapan si Fab na natutulog padin.

Hindi ba siya nakatulog sakanila? At dito siya natutulog? Ginawa ko ring komportable ang aking pagkakaupo at sinubukang umidlip.

~*~

Nagising ako sa napakaingay na paligid, may mga naghihiyawan habang may tugtog din akong naririnig. Unti-unti kong idinilat ang aking mata ng hindi ko mapigilang hindi kabahan ng makita ko ang kanyang mukhang nakangiti saakin at hinahaplos ang pisngi ko.

Napalunok ako ng tuluyang magtama ang tingin naming dalawa.

"Gumising kana, manunuod pa tayo ng event." Parang naging musika sa pandinig ko ang sinasabi niya.

I don't know what happen pero kung nasa katinuan ako ngayon, for sure agad-agad akong tatayo at magpapanic pero hindi iton nangyare saakin. Para bang bigla akong nahipnotismo sa titig, ngiti at malambing niyang pananalita.

Nauna akong tumayo sakanya at inalalayan siya sa kanyang kabilang balikat. Hindi ko na rin inalintana pa ang mga tingin ng estudyante sa tuwing nakakasalubong kami.

Pagkapasok namin sa gymnasium ay ingay kaagad ng bawat colleges ang sumalubong saaming dalawa. Nakaparada at nakasisplay narin sa gitna ang mga Float ng bawat colleges at masasabi kong maganda ang gawa ng college namin.

Nakaline-up narin sa harap ang bawat representative ng bawat colleges sa ibat ibang tournament at dahil may pilay itong kasama ko, wala siyang magawa kung hindi ang manuod na lamang.

Pumapalakpak at humihiyaw kami sa tuwing ipinapakilala ang lahat ng kasali ng bawat laro at competition, mapa-battle of the band, cheerdance, quiz, volleyball, basketball at kung ano-ano pa.

Pagkaupo namin ni Fab ay hinanap kaagad ng mata ko si Matt na nakaline-up sa basketball Team, nang magtama ang tingin namin ay pareho kaming napakaway sa isat-isa habang ang lapad laad ng ngiti.

"I wish you can smile like that on me too." Bulalas nitong katabi ko.

"Ha?"

"Wala." At bigla na siyang nanahimik.

Hindi mawala wala ang ngiti ko habang pinapanuod si Matt sa gitna, may mga kinakausap at nilalandi rin siya sa volleyball team at wala akong magawa kung hindi panuorin lamang ito.

"How long have you been friends?" Malumanay niyang tanong saakin.

"Nino?"

"Matt."

"First year High?"

"Bakit? Bakit mo natanong?" Tipid siyang ngumiti habang nakatanaw sa harapan.

"Nothing. I just wonder kung kailan ka kaya magiging ganyan ka komporatble saakin." Tiningnan niya ako at nagtama ang mga tingin namin dahil doon.

"Kailan kaya mangyayare na hindi ka na iiwas saakin, kailan ka kaya papayag na magpaligaw saakin? Kailan kaya ako magiging katulad ni Matt when it comes to you." Malungkot na utas niya at unang humawi ng tingin saakin.

VOTE, COMMENT

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon