Twenty Three

359 10 0
                                    

Twenty Three

Sandali akong nagpahinga sa may playground area at pinagmasdan ang mga batang naglalaro. Ang saya-saya nila panuorin habang naghahabulan at nagpapadulas.

Napahigpit ang hawak ko saaking dalang item ng biglang may pumasok na hindi pamilyar na ala-ala sa isip ko.

"Hawakan mo ang kamay ko." Nakangiting sabi ng batang lalaki. Pareho kaming tumatakbo habang magkahawak ang kamay.

Nasosobrahan na ata ang panunuod ko sa gabi kaya kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Sandali akong napasandal sa upuang inuupuan ko at tsaka nakatanggap ng tawag.

"Nandiyan na po kayo?" Tanong ng akong customer sa kabilang linya.

"Ah opo." Sagot ko naman.

"Pasensya na po, bababa na po ako. Sorry po."

"Wala po yun." Makaraan ng ilang minuto ay nasa harap ko na nga ang aking customer. Teacher pala siya ng mga kindergarten student.

"Pasensya na po, natagalan. Ang kukulit po kasi ng mga bata." Hingi niya ulit ng pasensya saakin.

"W-Wala po yun. Nakakaaliw din naman pong pagmasdan sila. Salamat po." Nakangiting sambit ko.

"Salamat din, sa susunod nalang ulit." Tumango-tango na ako at nagmadaling magtungo sa susunod na customer. Ipinusod ko na ang aking buhok dahil medyo umiinit ang panahon. Sunod sunod ang pagtunog ng aking phone, mukhang maraming magpapadeliver. Hinayaan ko lang muna ito at tsaka na lang muna titingnan kapag naka-kain na ako.

Nakakailang customer na rin ako ng makaramdam ako ng gutom, itinabi ko ang akong motor sa harap ng convenience store at tsaka pumasok sa loob. Bumili ako ng aking makakain at naghanap ng pwesto.

Unti-unti ng mapupuno ang pwesto mabuti na lang at nakahanap pa ako ng mauupuan. Pagod na pagod kong minasahe ang aking balikat dahil sa pangangalay, sandali ko ding inilugay ang aking buhok matapos nun ay tsaka ko na sinunggaban ang pagkain sa harap ko.

Kumakain ako habang nakamasid sa labas. Chinecheck ko din ang phone ko at puro mga notification nga ito ng order at delivery ng customer. After kong ma-iscroll ay tsaka ako nagtungo sa messages upang itext ang aking kapatid.

"Lunch na, make sure na kakain ka. I'm eating right now" at ipinasok ko na ang phone ko sa aking bulsa.

Ilang subo na lang ang aking gagawin para matapos na ako sa pagkain ng biglang kumunot ang noo ko ng may pamilyar na dumaan sa harap ko. Naka-formal attire siya habang nakapamulsa, hindi ko alam kung nakita niya ba ako kaya minabuti kong magtago. Yumuko ako at isinukbit saaking ulo ang hoodie kong jacket. Nagmadali akong kumain. Nang tatayo na sana ako-biglang may matipunong boses lalaki ang nagsalita saaking likod. Alam kong siya iyon.

"Excuse me, matatapos kana diba? Can I sit?" Napalunok ako at tumango tango. Nang aalis na ako bigla akong naunahan ng aking katabi-siya pala yung kinakausap niya. Tuluyan na siyang nakaupo sa aking tabi habang nakatayo naman ako.

Tuluyan ko na siyang tinalikuran ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at pigilan ako. So nakita niya pala ako.

"Sit here, maguumpisa palang akong kumain." Madiing sambit niya.

"P-Pero-"

Tinitigan niya ako ng tagos na tagos kaya wala akong naging choice kung hindi ang hintayin siya sa pagkain.

"Sinundan mo ba ako dito?" Sabi ko ng hindi magawang tumingin sakanya.

"Ou." Kaagad niyang naagaw ang atensyon ko, nagsalubong ang aking kilay dahil sa sagot niya.

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon