Three

573 18 1
                                    

Three

Kinuha ni Matt ang hawak ko at napangiti na lamang.

"Sigurado ka bang wala kang gagawin?" tanong ko sakanya habang pinapanuod siyang binubuhat ang mga maleta at iilan kong kagamitan papasok ng Dorm.

"Wala nga!" madiing sabi nito.

"P-Pero baka kasi magalit na naman saakin ang Mama mo, palagi nalang ako ang kasama mo. Alam mo naman kung gaano ka strict yun pagdating sayo." mahabang pagpapaliwanag ko.

Nakangiti siyang lumapit saakin at ginulo ang aking buhok. "Huwag mo na gaanong intindihin si Mama, ako na ang bahala doon! Konting lambing lang yun, bibigay narin yun."

"Bahala ka..." suko ko. Nagsimula na akong maglinis ng bahay upang maayos ko na ang aking mga kagamitan. Isang lingo narin ang lumipas simula ng unang pasukan ang like what we've expect, puro pagpapakilala at introduction, marami rin silang mga pinabiling mga libro na magagamit namin sa buong semester.

Nakakalungkot lang dahil kailangan ko pang pagpaguran para lang makabili ng mga iyon. Sariling sikap talaga, kumabaga!

Hapon na ng matapos kami sa pagaayos ni Matt, nagluto lang ako ng Pancit Canton, bumili ng tinapay at Softdrinks para pang-meryenda.

"Ngayon patapos na tayo, sasamahan mo na ba ako?" Kaagad kumunot ang aking noo dahil sa sinabi niya, so ang pagtulong niya pala saakin ay may kapalit.

Napangisi ako ng bahagya ng magkrus ang mga mata namin. "Sinabi ko na nga ba at may kapalit yang pagtulong mo, sige sabihin mo" biglang lumawak ang ngiti niya at lumapit ng kaunti saakin.

"Samahan mo ko..."

"Saan naman?"

"Mall, mamili ng mga books."

Inibahan ko siya ng tingin at ininum ang drinks na nasa harap ko. "Psh! Iyon lang pala, deal" tugon ko.

Pareho kami nagpalitan ng mga ngiti habang inuubos at inaanalisa ang kabuuhan ng aking dorm. Medyo maayos na lahat.

Nauna na saaking magbanyo si Matt upang makapag-ayos na sa pag-alis namin, inihanda ko lang sandali ang aking susuotin at nagayos na din.

~*~

Naka-akbay saakin si Matt habang naglalakad kami papasok ng Mall, hinahanap ang National Book Store, Power Books at ang mga kung-ano-anong nadaraanan naming may tindang Libro.

"Bibili ka na din ba?" Kaagad akong napasimangot sa tanong ni Matt.

"Kailangan ko munang makahanap ng Part Time para makabili, as of now" ngumiti ako sa harap niya "manghihiram muna ako sayo"

Nakakaloko siyang umirap saakin at umiwas ng tingin, huminga rin ng malalim. "May magagawa pa ba ako?!"

Napaismid na lamang ako at nagtuloy sa National Book Store. Sa entrance palang ng store ay marami na kaagad akong nakakasalubong na mga kaklase namin, mukhang naghahanap din sila ng mga libro. Hindi pa ako gaanong pamilyar sa mga pangalan nila pero alam kong kaklase ko sila.

At ang kinaiinis ko ay ang parang asong pag-ngiti-ngiti ni Matt na akala mo'y isang sikat na artista kapag may nagha-hi na mga kaklase namin.

Libro ba talga ang dahilan niyan kung bakit nandito kami, baka sinabi  niya lang saaking iyon para makapag girls hunting siya. Haist!

Tahimik akong nagtingin-tingin sa mga libro na naruon at hinanap ang kailangan namin. Hindi ko rin maiwasang hindi mapangiti habang may mga libro akong nakikitang mukhang magandang basahin, ngunit nang kukunin ko na ang isang libro ay natigilan ako ng may daliri ring nakahawak doon.

Unti-unti akong napalingon kung sino iyon at biglang namutla ang katawan ko ng makita ko siya.

Nagtama ang mga mata namin at wala siyang emosyong tinitingnan ako.

"You must be into to a horror, thriller, fantasy romance book" napalunok ako sa sinabi niya.

Kaagad kong binawi ang kamay ko at nag-iwas ng tingin.

"S-S-Sayo nalang." Utal utal na sabi ko at mabilis na umalis doon. Tamang-tama naman at nakasalubong ko si Matt kaya madiin kaagad akong napahawak sa braso niya at umalis.

Pati ba naman weekend makikita ko padin siya? Parang akong hinahabol sa aking paghinga ng tuluyan na kaming makalabas sa store na iyon.

"O-Ok ka lang?" Nagaalalang tanong saakin ni Matt.

Halos buong lingo ata akong iwas na iwas sakanya dahil sa nabalitaan ko. Iyong babaeng sexy na nakita ko nung first day namin, ay biglang nag-transfer sa ibang school. I don't know what happen pero malakas ang kutob kong may kinalaman siya doon. Malakas ang kutob kong may ginawa o sinabi sila sa babaeng iyon para magtransfer ng  ibang school.

After what I've heard I choose to not be involve with him, as much as possible gusto kong umiwas sakanya sa lahat ng pagkakataon.

At kahit ilang beses ko siyang iwasan parang may nagtutulak talaga saaming magkita at ipakita siya saakin, at habang padami ng padami ang nagkakagusto at nahuhumaling sakanya ganun naman ang kagustuhan kong lumayo at ipagdasal na sana hindi niya ako nakikita.

Pareho kami napaupo ni Matt sa foodcourt ng Mall, sandali niya akong iniwan at bumili ng maiinom ng maidako ang paningin ko sa maingay na mga tao sa kabilang table. Nagkakatuwan sila na animoy napakasaya ng kanilang pinaguusapan, nang tuluyan kong maanalisa kung sino iyon ay natigilan na naman ako. Sila yung mga kaklase kong nakita ko sa Bookstore at kasama pala nila si Fabian.

Tumatawa ito sa mga pinaguusapan nila at ang hindi ko mas maintidihan ay ang mga mata niyang nagiging seryoso sa tuwing nagtatama ang tingin namin. Umiwas kaagad ako ng tingin at bumaling kay Matt na ngayon ay may dalang dalawang inumin.

"Uyyy, Matt and Sab, hali kayo ditooo." Pareho kami napalingon ni Matt sa kanina lang ay nabalingan ko ng tingin. Kaagad kumislap ang tingin ni Matt ng makita sila pero gusto kong umiling at sabihin sakanyang ayoko pero wala na akong nagawa. Hinila na niya ako paalis doon.

"Kanina pa kayo? Sorry di namin kayo napansin." Agad na bungad ni Matt sakanila.

"Hindi kararating lang din, maupo kayo." Naiilang akong ngumiti sa harap nila at naupo sa dulo kaharap si Matt.

Hanggat maari ayokong sumulyap sakanya, ayoko!

"May tanong lang ako ah..." kaagad nakuha ng katabi ko ang pansin naming lahat. Apat na babae pala sila na narito at tatlong lalaki, including him bale pang siyam kami.

"Kanino?" Katuwaang tanong nila.

Kinuha ko sandali ang aking inumin at ininum ito.

"Kay Matt at Sab?" Mas lalong kumunot ang noo ko ng marinig ko ang pangalan ko. Napansin ko ring nakuha nitong katabi ko ang pansin ni Matt dahilan upang lumapit ito.

"Sige, ano yun?" Excited na tanong ni Matt. Napahinga na lang ako ng malalim at hinintay ang tanong niya.

"Kayo ba?" Kaagad kong naibuga sa mukha ni Matt ang iniinum ko dahil sa tanong niya.

"S-Sorry Matt." Sabi ko at pinupunasan ng panyo ang mukha niyang basang basa dahil saakin.

Kaagad naghalakhakan ang mga kaklase namin dahil sa nangyare pero ng magtama ang tingin namin ni Fabian ay hindi ko maipaliwanag ang inilalabas ng mga mata niya.

Seryoso siyang nakatingin saakin habang nakahawak ang kamay ko sa mukha ni Matt, hindi siya tumatawa o kahit ano pa man at parang mali ang ginawa ko sa mga mata niya.

Bigla siyang natulala at tuluyan ng iniwas ang tingin saakin.

"Obvious talaga kayo, gaano na kayo katagal?" Mas lalong kumunot ang noo ko sa pangungulit nila.

"We were just bestfriend, walang kami!" Diretsong sagot ni Matt na nagpaismid saakin.

Yeah, we were just bestfriend.

VOTE, COMMENT

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon