Thirty

347 11 0
                                    

Thirty

Nagising ako sa maiingay na pang-gigising saakin ni Matt. Sa Sofa na pala ako nakatulog kagabi, hindi man lang ako ginising ng butihin kong kapatid. Napainat-inat akong nagtungo sa may refregirator at kumuha ng tubig.

"Maaga pa. Ang aga mo mag-ingay." iritableng sabi ko sakanya.

"Malamang..." lumapit siya saakin at inalisa ulit ang pasa sa mukha ko. "Nalaman ko ang nangyare. Ano okay kana ba?" Nagaalalang tanong niya. Hinawi ko lang ang kamay niya sa aking mukha at lumagok na ng tubig.

"Paanong hindi magiging okay yan, dumating ang knight in shing armor niya." Biglang singit naman ni Oliver na papasok na sa kanyang school.

"Sino?" Clueless na tanong ni Matt.

"Sino pa ba edi si Fabian Montero." Biglang napalunok si Matt at tiningnan ako ng kakaiba.

"Dont tell me hanggang ngayon, hinahabol ka parin niya!" Hindi ko siya pinansin bagkus ay naupo ako at nagsimula ng maghain ng pagkain.

"Tumahimik na nga kayo, ang ingay niyo." Bulyaw ko sakanilang dalawa.

"Hindi nga? Then bakit? Kung wala na siyang pakialam sayo at limot kana niya. Bakit kailangan niya pang panghimasukan pa ang buhay mo?!" Seryosong tanong saakin ni Matt.

"Hindi ko alam, okay? Tanungin mo siya baka sakaling makuha mo ang sagot na gusto mo..." iritableng sagot ko sakanya. Ang-aga-aga ito kaagad ang mga binubungad nila saakin. Hindi padin matigil sa pag ngisi si Oliver habang nasa harap ko. Panay na lamang ang pakawala ko ng mga malalalim na buntong hininga.

Natapos ang pagkain namin na nanatili lamang akong tahimik. Tiningnan ko din ng seryoso si Oliver.

"Nasa kwarto mo ba ang Laptop mo?" Anang ko sakanya.

"Ou. Bakit Te?"

"Gagawa ako resume." Simpleng sagot ko na nagpakunot ng noo nilang dalawa.

Nauna akong tumayo at nagligpit ng pinagkainan ko samantalang ang dalawang nasa likod ko ay tahimik padin, baka nabigla lang sa sinabi ko.

"Totoo? Magqu-quit kana?" Hindi nakatiis na tanong ni Matt saakin.

"Ou..."

"Saan mo balak magapply?" Nagkibit balikat ako.

"Hindi ko alam, kung sino ang gusto mag-hire saakin. Baka doon." Simpleng sagot ko at iniwan ko na silang dalawa roon. Dali-dali kong kinuha ang laptop ni Oli sa kwarto niya at nagkulong na sa aking kwarto. Narinig ko na rin ang pamamaalam nila ngunit hindi ko na sila pinansin. Nagfocus ako maghapon sa kakagawa ng resume na halos ay wala akong mailagay. Bukod sa hindi ako nakatapos ng kolehiyo, puro delivery lang ang alam ko.

Haist! Halos masabunutan ko na ang aking sarili dahil sa inis. May tatanggap pa kaya saakin nito? Ano naman kaya ang kahihinatnan ng trabaho ko.

Hapon na nang magdesisyon akong lumabas ng kwarto dahil kulong-kulo na ang tiyan ko. Isa-isa kong pinagbubuksan ang cabinet namin at wala lamang akong napala. Napahinga ako ng malalim at nagdesisyong mamili na lang sa grocery.

Pasado alas tres na nang lumingon ako sa orasan. Tamad na tamad akong nagpalit ng short at damit at kinuha ang wallet.

Habang namimili ay bigla akong natigilan. Bigla kong naalala ang aking nga magulang. May buong pamilyang naglalambingan sa harapan ko at hindi ko mapigilang hindi mainggit.

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon