Five

511 14 0
                                    

Five

"P-Pwede ba kitang ligawan?" Hindi ako makapagsalita sa tanong niya. Hindi ako makahanap ng tamang sagot sa tanong niya.

Fabian Montero is asking my permission? Wala akong naramdaman pero kinabahan ako bigla. What am I suppose to do?

Bigla akong natigilan sa paghakbang habang kasabay ko siya sa paglalakad.

"S-Seryoso ka?" nagaalangang tanong ko.

Ngumiti siya ng malapad sa harap ko at tumango.

"Ou."

"Why? I mean bakit ako pa?" wala sa loob na sagot ko.

"Hindi mo siguro natatandaan but we already met noon" mas lalong kumunot ang aking noo dahil sa sinabi niya

"Tayo? nagkita?"

Walang alinlangan siyang tumatango saakin.

"I'm sorry pero wala akong matandaan, kung nanghihingi ka rin ng permission upang ligawan ako. I'm sorry pero wala pa sa isip ko iyan..." Naiwan ko siya roon at kabang kabang naglalakad papalayo sakanya.

Nasisiraan na ba ng bait iyon, paglabas ko ng building ay kaagad akong napakapit sa braso ni Matt. Para akong nakakita ng multo sa trato ko saknaya.

I admit na gwapo siya almost all of the girls na nagaaral sa paaralang ito ay nahuhumaling sakanya pero ibahin niya ako. I will not fall in love with him. Hindi siya ang tipo ko at dumagdag pa rito ang kakaibang mga tingin niyang pinupukol na hindi nakikita ng iba sakanya. Hindi talaga!

So ibig sabihin kaya siya parang sunod ng sunod saakin ay dahil gusto niya akong ligawan? Why? Bigla akong napatanong sa sarili ko? Well maganda naman ako pero-hindi parin. Hindi pa pwede at ayoko pa.

"Anong nangyare sayo? Para kang nakakita ng multo." natatawang tanong saakin ni Matt.

"Alam mo ba kung anong nangyare saakin?" natulala akong humarap sakanya.

"Ano?"

"Fabian is asking my permission para ligawan ako." halos mailuwa ni Matt ang mata niya sa sinabi ko.

"Hindi nga?" sinuri niya akong mabuti, ulo hangang paa.

"Ou nga."

"Anong nakita naman niya sayo?"

"Wow ah! Paranag sinasabi mo naman na ako iyong tipo ng babaeng hindi pinapatulan."

Kaagad siyang ngumisi sa harap ko at nagpeace sign. "Anong sinagot mo?"

"Of course hindi ako pumayag!"

"Why?"

"Basta..." tuluyan ko na siyang hinila paalis sa school. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa braso niya habang hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Fabian saakin.

Isang buwan na simula ng pasukan at ramdam na ramdam ko ang binibigay niyang importansya saakin, halos lahat nga ata ng galaw ko ay alam niya dahil sa nagdaang buwan ay siya lang palagi ang nakakasama ko. Pero ni kahit isang beses ay hindi sumagi sa isip ko na sasabihin niya ito saakin.

We've been friends pero hindi parin ako komportable sakanya. At habang magkasama kami wala akong ibang iniisip kung hindi tumakas ang oras upang mawala na siya sa tabi ko. But! Haist!

Paano na lang ako makikihalubilo sakanya nito bukas? Anong sasabihin ko? Anong i-aakto ko? Wala ba siyang gagawin saakin? Binasted ko siya at alam kong nasaktan yun. Omygod!

Halos hindi ako pinatulog ng mga naiisip ko, maaga ako nagising upang makapasok sa aking Part time Job. Halos naging panda ang paligid ng mata ko dahil sa walang tulog.

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon