Thirty Five

365 11 0
                                    

Thirty Five

"Psssst" kaagad akong napalingon sa aking likuran at nakita ko kaagad doon si Sir Carlo na nakangiting kinakawayan ako.

Napahinto ako sa paglalakad at hinintay siya.

"Oh Sir, traffic?" Tanong ko habang nakikita ko ang pawis na tumatagaktak sa kanyang noo.

"Ou- akala ko late na ako. Buti nalang umabot." Napangisi ako ng bahagya sa sinabi niya at sabay na kaming pumasok sa loob ng building.

Hindi ko rin maiwasang hindi matawa sa mga kinukwento niya about sa nakakatawang nangyare sakanya papasok ngayon at agad ring napawi ang ngiti ko nang makita kong nakatayo sa harapan namin si Fabian I mean Sir Montero.

"Its early in the morning and yet you both laughing? You are late." Galit na utas niya saaming dalawa at masamang tinitingnan si Sir Carlo.

"Sorry Sir" paghihingi nang paumanhin ni Sir Carlo sakanya. Sinamaan ko siya ng tingin sa mga tingin niya saamin at nag-bow na lamang. Hinila ko na si Sir Carlo paalis sa harap niya ng maagap niyang hinawakan ang mga kamay ko.

"Where are you going?" Tanong niya.

Napangisi ako ng mapakla. Itinuro ko sakanya ang orasan sa aking kamay at inginuso ang oras. "We are late Sir" pinakawalan na niya ako pero isang batok ang natamo ko kay Sir Carlo.

"Seriously Sab! Gusto mo bang matanggal nang wala sa oras rito? Bakit mo naman ginanun si Sir Montero? Nasisiraan ka na ba ng ulo?!" Bulyaw nito saakin pagkapasok palang namin sa loob ng elevator.

"Sinunod ko lang naman po ang sinabi niya..." wala sa loob kong sagot.

Humalukipkip siyang tumingin saakin at inibahan ako ng tingin.

"Kahapon pa yan umamin ka nga saakin- Anong nangyare sayo kahapon after ng lunch parang bigla kang nag-iba. Badtrip ka ba?" Haist! Pinapa-alala na naman saakin ang nangyare kahapon. Ayoko na nga sanang balikan pa iyon dahil nang-gagalaiti lamang ako sa inis.

[Flashback]

Iniabot ko na sa kanya ang gamot niya at tubig, pinanuod ko mismong malunok niya ito at sabay na umalis sa rooftop. Malapit na kami sa Top Floor nang pareho kami matigilan. Dahil sa pagbukas nito ay nakahalukipkip na babae kaagad ang bumungad saaming dalawa.

It was Lei.

Kaagad na may sumilay na ngiti sa labi niya nang makita nito si Fabian.

"There you are, I was waiting for you for fucking 1 hour. Did you receive my Mom text?" Napaismid ako ng mapansin kong naka-kapit kaagad ang kamay nito sa braso niya.

"Your heart is beating faster for me now pala ah." Bulong bulong ko habang itinatago na saaking mga mata ang irita sa nakikita ko.

"Hindi pa ba kayo lalabas ng elevator? Tapos na ang oras ng lunch pwede niyo namang ituloy sa opisina yan at may trabaho pa ako."

Sinamaan ako ng tingin nung Lei at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hangang paa.

"Excuse me- did you know who is in front of you?" Mataray na utas niya saakin.

"Yup. Haliparot?! I guess? So now please pwede na ba kayong lumabas? At marami pa akong deadline? Pwede na?" Sarkastiko ang boses ko habang inis na inis na nakatingin sakanilang dalawa.

Magsasalita pa sana si Lei pero hinila na siya palabas roon ni Fabian, bago magsara ang elevator ay nagtama muna ang mga mata namin at bigla kong napansin ang mga ngiti niya na animo'y natutuwa pa sa ina-akto. Haist!

[End oFlashback]

Iritable kong ibinagsak ang sarili ko sa upuan at hindi inalintana ang mga kakaibang tingin nila saakin. In-on ko ang computer at isa-isang chineck ang mga reports na ginawa ko.

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon